<he's alive..>
•12•
3rd Person's POV
"I'm fuckin tired.." Taehyung murmured while walking aimlessly. Umupo sya sa bench na nakita nya sa tabi ng hallway. Binagsak nya ang mga hawak nya dun at hinilot ang nose bridge nya. Tiningnan nya ang relo nya at napailing.
It's almost dusk..
Sumandal sya sa upuan at nilabas ang cellphone nya. Tahimik syang nag-scroll sa instagram hanggang sa mapadpad sya sa post ng isang schoolmate nya.
Bahagyang namuo ang ngiti sa labi nya nung makita ang nakangiting mukha ni Jungkook sa picture. Kuha yun nung lumaban ng soccer ang school nila at naiuwi ang trophy. Yakap-yakap ni Jungkook ang trophy habang nakangiti at nakayakap naman sa kanya ang teammates nya.
1 year ago.. That's the caption of the photo that made Taehyung look away.
"So, where are you now? It's been three months. Hobi hyung stopped looking for your body on that river. They all gave up on looking for you. I still want to talk to you. I want to make things clear...d-damn I miss you." Mabilis nyang pinunasan ang mukha nya at huminga ng malalim.
Pinatay nya ang cellphone nya at binulsa yun.
"Tae, you're not heading home? It's almost late." Umangat ang tingin nya kay Chanyeol na nakaakbay kay Baekhyun. Ngumiti sya habang umiiling.
"Mamaya pa'ko uuwi. May kukunin pa'kong aklat sa library." Pagsisinungaling nya na tinanguan ng dalawa. Kinurot ni Baekhyun ang pisngi nya saka kumaway.
"Stay safe, bear." Sabi nito kaya kumaway sya pabalik. Nung mawala ito sa paningin nya ay inangat nya ang tingin nya sa langit. "I'm out of my head. Like for real. I'm goin' crazy." Bulong nya sa hangin.
Lumipas pa ang ilang minuto bago nya kunin ang mga gamit nya. Mag-isa syang naglakad papuntang parking lot. Nung makasakay sya sa kotse nya ay napatingin sya sa estudyanteng palabas ng faculty. Nangunot ang noo nya nung mapansin kung sino ang mga kasama nito.
Jackson with Joonie hyung and Suga hyung?
Sumakay ito sa iisang kotse at mabilis na umalis ng lugar. Sinundan ito ni Taehyung dala na rin ng pagtataka. Hindi niya pa nakitang nag-usap o nagsama ang mga ito kaya napapaisip sya kung bakit magkakasama ito ngayon. Ang mas malala pa ay mag-aalas-otso na ng gabi.
"Pupunta ba silang club? Pero di ba dapat ay kasama ni Jackson sina Yugs, Hobi hyung at Jinyoung? Alam kaya nila Jiminie at Jinnie na hindi pa umuuwi ang mga boyfriend nila? What's happening?" Bulong nya habang nakatutok ang mga mata nya sa kotse
Hindi nya pinahalatang nakasunod sya dito sa pamamagitan ng paglalagay ng malaking distansya sa pagitan nila. Kada liko nito ay sinusundan nya hanggang sa mapansin nya na nalalayo na sila sa main highway pero may iilan pa rin namang kotse o van sa dinaraanan nila.
Tinigil nya ang kotse nung lumiko na naman ito. Lumabas sya sa kotse nya at nilakad ang daanang dinaanan nila Jackson. Alam nyang mahahalata na nitong nakasunod sya kapag ginamit nya pa ang kotse nya. Napako sya sa kinatatayuan nya nung makita ang isang penthouse sa gitna ng maliit na kakahuyan.
Nagtago sya sa malaking puno nung lumabas sina Jackson at Namjoon na nagtatawanan kasama si Suga na nakangiti lang matapos batukan si Jackson. Tatawagin na sana nya ang mga ito nung may lumabas na pigura mula sa penthouse.
"Jackson! Hyungies!!" Sigaw nito na kinaputla ng buong mukha nya. Pakiramdam nya ay tumalon ang puso nya nung narinig ang pamilyar na boses na yun.
"Kelan mo ba'ko balak tawaging Jackson hyung, Jeon Jungkook?!" Singhal ni Jackson at hinabol si Jungkook na tumatawa. Nagpaikut-ikot sila kina Namjoon at Suga hanggang sa magtago si Jungkook sa likod ni Suga.
"Lumabas ka dyan, Jeon. Bawal duwag dito--" Jackson
"Ikaw nga yung naduduwag dyan, eh." Pang-aasar nito at muli ay napuno ng tawa nito ang tahimik na penthouse. Tumulo ang luha ni Taehyung habang pinapanood ang maaliwalas na mukha nito. Parang wala itong problema, buhay na buhay, humihinga.
"My Jeonnie, stop teasing your Jackson hyung--" Namjoon
"Joonie hyung! Stop calling me my Jeonnie because I'm not yours. I'm Taehyung's property." Naramdaman na naman ni Taehyung ang pagtibok ng puso nya nung banggitin nito ang pangalan nya.
"Taehyung's property, huh? What if I told you that Taehyung was really fine now? That he's happy already and having lots of suitors again---ouch! Bakit ka nangtatapak ng paa?" Mangiyak- ngiyak na tanong ni Jackson nung tapakan ni Namjoon ang paa nya.
Nginuso nito si Jungkook na bahagyang nabura ang ngiti matapos marinig yun. "Really? He's happy without me? I'm happy for him then. I don't deserve him and I hope that he'll find the right guy for him. I hope that he'll choose that someone who can truly love him and won't trick him--aish! Jackson! Naiiyak na naman ako dahil sayo!" Asik ni Jungkook habang pinupunasan ang mukha nya.
Pinilit nyang tumawa matapos nyang sabihin yun. Naramdaman nya ang pagyakap ni Suga sa kanya na kinapikit nya. "It's okay, kid. Cry all you want." Sabi nito.
"B-But it's been three months and I'm still inlove with him. I should've move on so I can face him again to ask forgiveness.." Sabi ni Jungkook.
Tumalikod si Taehyung at tumakbo paalis ng lugar na yun. Nung makabalik sya sa kotse nya ay umiiyak syang umupo sa driver's seat.
"G-God. He's alive. He's breathing. I-I'm happy. Thank you so much. Thank you, god." Paulit-ulit nyang bulong habang pinupunasan ang mukha nya.
He's alive.
---
BINABASA MO ANG
HEY, BABY (TaeKook Short FF) [COMPLETED]
Roman d'amourjeon jungkook, a known badass on their university suddenly shows an affection to the campus sweetheart, kim taehyung. everyone believes that taehyung will get hurt in the end but what if taehyung was more than ready to face heartbreaks just to be w...