Imagination #7

43 0 0
                                    

#7

"Alam mo ba yung blah blah" -classmate 1

"Yeeeiiii, gusto ko rin sila!!!"- classmate 2

"Oh man. I love their kpop group"- classmate 3

"Anong kaguluhan naman toh?" tanong ko sa kanila.

Tatanong talaga ako, Eh umagang-umaga ang iingay nila!

"Ehh bestplen, nagsasalita sila tungkol sa kanilang idol na k-pop group kaya...wag pikon. Hehe"- Mazz

"At bakit naman?" -ako

"Abay ewan ko. Gusto lang ata nila" aniya

"Psh."

"AY OO! Speaking of K-pop group, diba pumunta ka sa concert sa INVULNERABLE kasali ang ate mo?" tanong ni Mazz

"You mean yung concert na ang ate ko lang ang nag-enjoy at nasayang ang Php 10,850 na pera namin dahil wala lang akong ginawa dun kundi ang maglaro sa cellphone at mag-iimagine na meron akong kuya. At ang concert kung saan sinabihan ako ni ate na maswerte raw ako dahil niyaya ako sa isang myembro ng INVULNERABLE pero tinanggihan ko siya dahil dinisturbo niya ako sa paglalaro ng puzzle game at dahil hindi ko gustong sumayaw at kumanta. Oo bakit?" dire-diretsong sabi ko

".....grabe ka naman Aurora, oo lang yung gusto kong marinig, bakit may extra pa?" -Mazz

"Eh sa gusto ko eh. Galit din ako." walang ganang sabi ko.

"Haay bahala na nga. Kilala mo ba ang lahat ng myembro sa grupong yun?"-Mazz na medyo kinikilig

Weird talaga tong babaeng to.

"Hindi. Bakit?"- ako

"ANNOO??? Ang sikat na sikat nila tapos hindi mo sila alam?!"-Mazz

"Hindi nga eh. Paulit-ulit?"- ako

"Halika nga sa Cafeteria. I will lecture-lecture you about sa kanila. Free time naman natin ngayon so let's goooo!!!"- Mazz

Pagpasensiyaan niyo tong kaibigan ko, mahina lang talaga toh sa English.

"T-teka nga! Nasaan ba si Prude?" tanong ko

"Si Prudence ba kamo? Aabsent daw siya, bibisitahin niya ang kanyang lolo sa ospital" aniya

"Ahh"

***

Cafeteria...

"Ito si Jerich..."sabay turo sa cel niya sa isang maamong mukha.      "...siya ang pinakamatanda sa kanila, he's 23, main vocals siya sa grupo, mahilig siyang magluto. Ang ideal type niya ay yung marunong magluto at isang mabait na asawa"

Nakikinig ako sa kanya habang kumakain ng marble cake. Hindi ako interesado sa kanila ha! Sabi kasi ni Mazz na manlibre siya basta makikinig lang ako sa 'LECTURE' niya (-.- ')

Wag tanggihan ang grasya.

Hindi grasya yung niyaya ako sa isang sikat na tao, minalas ako nun.

"Ito naman si RichRapper, siya ang leader, 21 na siya. Siya ang Main Rapper sa grupo. Ang ideal type niya ay yung maganda, sexy,  mabait, and has a lot of aegyo" tinuro naman niya ang lalaking color white ang buhok at may earing sa kanang tenga.

(-.-)???

"Aegyo?" tanong ko

"Ang aegyo ay cuteness in English" aniya

"Ahh ok."

"Okay. Ito naman si Stag. Lead rapper. He's 22 y/o. Siya ang pinakamatalino sa kanila. Siya ang kadalasang gumagawa sa mga kanta nila. Ang ideal type niya ay yung maganda, maganda ang legs,  mabait, and has a lot of aegyo nanaman" sabat turo sa lalaking nakacontact lens na kulay brown.

"Ito si Hope, 22 y/o, siya ang rapper at sub-dancer sa grupo. Siya rin ang joker sa grupo. Ang ideal type niya ay yung may maraming aegyo at mabait." sabay turo sa lalaking nay malaking ngiti.

Kain kang ako ng kain dito. Libre to eh.

"Ito naman si Min, 20 y/o. Kasali siya sa Vocals. Siya ang casanova sa grupo. Ang ideal type niya ay yung sexy, maganda, maganda ang legs and a good kisser. Pero kahit na marami siyang flings, virgin pa siya. Gusto raw niyang gagawin yung ano sa babaeng mahal niya." sabay turo sa lalaking may rose sa bibig. Ew lang.

"Si Z naman to, 19 y/o, siya ang lead dancer at kasali rin siya sa vocals. Siya ang pinaka-childish sa kanila. Ang ideal type niya ay yung maganda, mabait, has a lot of aegyo, hindi flirty, at matangkad" tinuro niya ang lalaking kulay light orange ang buhok at may innocenteng mukha.

"At finally, ito si Jeon, 18 y/o, ang maknae o pinakabata sa grupo. Siya ang lead vocals, rapper, at main dancer sa grupo. Strict siya sa kanyang sarili pero hindi sa iba. May pagkachildish yan si Jeon. Ang ideal type niya ay yung, matangkad, mabait, marunong magluto, at maganda." tinuro niya ang lalaking nagyaya sa akin sa concert.

Childish pala ha. Eh bakit peke yung ngiti niya?

Haay. Tapos na ata toh.

"Ang gwapong-gwapo nilang lahat noh!? Stage name yung mga pangalan ng iba, pero yung iba naman totoong pangalan ang ginamit. At Lahat sila ay single ngayon!!! Ahhh Fan talaga ako sa kanila!!!"

Wait, bakit meron pang boses tong babaeng toh?

Daldal niya noh?

"Tapos kanang magbayad sa lahat ng cake na kinain ko?"- ako

"Oo naman. Ako pa...Ang lucky mo talaga Aurora, nakapunta ka sa concert nila, eh ako, hindi ako pinayagan! Che naman oh!"- Mazz

Sus kung alam mo lang -.-

"Salamat sa libre at.....sa lecture mo kahit na hindi ako interesado"- ako

"Hahaha ang sama talaga ng ugali mo! Hahaha XD"

****

Sa bahay...

Antok na antok na talaga ako. Ang dami pa namang activities kanina! Nakakapagod!

Matutulog na ako...

****

BBBEEEEEPPPP!!!!!!

-_o

o_-

O_O

Huh?

Where the Fudge am I????!!!!

Hindi ko alam ang lugar nato! Tumingin ako sa paligid.

May nakita akong sign sa tapat ko.

무적의 집

Korean language lahat ng mga sign sa mga buildings.

Teka nandito ako sa KOREA!!???!!

               ...to be continued...

★*★*★*★*★*★

Sorry sa mga wrong grammar.

VOTE. COMMENT. ENJOY!!! XD

Together with Seven Famous GuysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon