Imagination #15

21 2 0
                                    

#15

Aurora's POV

Monday na ngayon at nagre-ready na kami ngayon para sa klase this 8:30 am. Tapos na kaming kumain, and as usual ako parin ang nagluto ng breakfast. Tapos na kaming maligo at magbihis ni Jeon, si Z nalang ang hinintay namin para matapos.

Nakyu-kyutan ako sa uniporme nila. Naka white longsleeve polo ako sa ilalim ng brown longsleeve coat ko. Ang necktie namin ay checkered design na color dark red at brown. The same design and color din ang palda namin at 3 inches above the knee ito. Nakyu-kyutan ako pero hindi siya komportable para sa akin since hindi pa ako sanay.

Nang matapos na kaming lahat tiningnan ko ang uniporme nang mga lalaki. Parehas lang ang aming pang-itaas, the polo, coat and necktie. Black pants naman ang pang-ibaba nila.

"Are you ready Aurora?" tanong ni Kuya Jerich sa akin.

"Yes..." pagaalangang sabi ko. Kinakabahan kasi ako. Ni hindi ko pa kasi alam ang mag-korean eh.

"Don't worry, we told the admin. to put you in the same section as Jeon so you wouldn't be alone." sabi ni Rich. Tumango naman ako sa sinabi niya. At least gumagaan na ang pakiramdam ko.

***

Papunta na kami ngayon sa school at si Z ang nagmamaneho sa kotse. Magkatabi kaming umupo sa bandamg likuran ni Jeon. Walang nagsasalita sa amin except ni Z na kumakanta. Si Jeon ay nakikinig lang sa kanyang earphones at ako naman, tumingin lang ako sa bintana.

Nang makarating na kami, hindi ko mapigilan humanga sa school. Prestigious na prestigious talaga ang dating. Ang laki ng gate nila, black din ang color nito. May malaking fountain sa loob at ang gandang tingnan nang mga puno sa paligid. Ang modern tingnan ng mga building nila. Hindi ko pala namalayan, lumabas na pala sina Z sa kotse, ni hindi man lang ako ginising sa daydream ko.

Maraming tumitingin sa mga kasamahan ko.

Psh. Hanggang dito ba naman? Grabe ba silang hinahangaan dito sa bansang ito?

Lumalakad na kami patungo sa mga classrooms namin. Si Z ay nandun sa kabilang building since mas senior pa siya namin ng isang taon.

Habang patungo kami ni Jeon sa classroom namin, na-obserbahan ko na maraming tumitingin sa amin ni Jeon. Marami-rami rin ang nagbubulungan.

"Don't mind them," bulong ni Jeon sa akin na naka-ngiti.

"I know. I can't even understand them." bulong ko rin sa kanya.

"Oh you can," sabi niya sa akin, nakangiti parin. Ang kyut niyang tingnan, para siyang hamster.

"Why?" tanong ko.

"We have a you-should-always-speak-English policy here and if one of us speaks korean...he or she will end up getting a detention." pag-eexplain niya sa akin.

"Ooh that's strict." sabi ko. Haay salamat at mag-eenglish sila. At least makaintindi na ako sa kanila.

"Yeah. Well at least it's for our own benefit. We are also monitored here so we can't get away with the 'English Policy'. We can only speak our dialect during our breaks or during our required subjects." sabi niya. Napa-ahh nalang ako.

***

"Miss Lambent please introduce yourself in front of the class" sabi sa homeroom teacher namin. Nagsimula na akong kinakabahan uli. Nanginginig na ang mga kamay ko pero hindi ko na ito inintindi at nag-introduce nalang ako sa front.

"H-hello everyone, I am Aurora Luminosity Lambent. Please to meet you all," I tried to sound firm pero hindi ko mapigilang mauutal.

"So what do you do for a living?" sabi ng isang kaklase ko na babae. Ang fluent niyang mag-english.

Together with Seven Famous GuysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon