Prologue

50 11 0
                                    

Dahil ako na ang nag-umpisa sa draft ng paper namin kanina, iyong mga kagrupo ko naman ang nagdadagdag ngayon dahil kakatapos lang naming kumain ng tanghalian. At dahil wala na akong ginagawa, nagpasya akong magikot-ikot.

Maliit lang ang lugar nila pero maganda at nakakaginhawa sa pakiramdam. Sa paglalakad ko, nakita ko si Mommy na may ginagamot na batang dumudugo ang tuhod.

Malakas na umiiyak ang bata habang pinapatahan ng nanay niya. Si Mommy naman, nagsasalita rin habang inaayos iyong mga gamit niya.

"Matapang ka, 'di ba? Ang matatapang, hindi umiiyak. Tignan mo iyong kapatid mo, hindi naman naiyak," malambing na sabi ni Mommy saka itinuro iyong batang karga-karga ng tatay niya. Tinuturukan ito ng PCV13 ng isang doctor na kasama nila Mommy.

Maingat at malambing na inasikaso ni Mommy iyong bata, binigyan pa niya ito ng ice cream at ilang candy para patahanin ito kaya bigla akong nawala sa mood. Mabilis akong tumalikod at dali-daling lumayo. Sa kakamadali ko, hindi ko naiwasan iyong alambreng nakausli kaya nasugatan ako sa braso.

"Miss Hope, dumudugo po iyong braso niyo," puna ng isang residente kaya napalingon ako sa puwesto ni Mommy.

Nakita ko siyang nag-aalalang tumingin sa akin saka mabilis na tumayo. Bago pa siya lumapit sa puwesto ko, tumalikod na ulit ako at tumakbo palayo.

"Anak, teka lang," humahangos na sigaw ni Mommy habang pilit akong hinahabol.

Dahil hindi naman ako tumakbo ng mabilis, naabutan niya ako at marahang hinawakan iyong braso ko para patigilin ako sa pag-alis.

"Sweetie, why did you run? May sugat ka, halika at gagamutin ni Mommy," mahinahon niyang sabi bago ako sinubukan hilahin pabalik pero marahas kong tinanggal iyong pagkakahawak niya.

"I'm good. Sila na lang 'yong gamutin mo," malamig kong sagot bago tumalikod pero hinawakan niya ulit ako at pinaharap sa kaniya.

"Masakit ba? Mamaya ko na sila aasikasuhin pagkatapos kong gamutin 'yang sugat mo at baka magkaroon pa ng impeksyon," pagpupumilit niya kaya bahagya akong natawa.

"Woah! Ako? Uunahin mo kaysa mga pasyente mo? I never believe in miracles until now," natatawang asik ko.

"Anong sinasabi mo? May problema ka ba? Bakit ka nagkakaganiyan?" kunot noong tanong niya.

"Don't mind me and continue your duties, Dra. Alvarez. Just like what you always do," sarkastikong sabi ko saka ulit siya tinalikuran.

"Tumigil ka na, Hope. Lumalala na 'yang pagiging bastos mo. Hindi kita pinalaking ganiyan," nagtitimping saway niya na naging dahilan ng agaran kong paglingon.

"Hindi mo naman talaga ako pinalaki in the first place ah?" hindi makapaniwalang sabi ko which earned me a hard slap.

"What happened to you? Hindi na ikaw iyong Hope na kilala namin," disappointed na sabi niya.

"Why? Kilala niyo ba talaga ako? Eh ni hindi nga kayo umuuwi ng madalas kaya paano niyo ako makikilala?" puno ng hinanakit kong tanong.

"Ano ba 'yang sinasabi mo? Alam mo naman ang trabaho namin, 'di ba? Nagtatrabaho kami para sa kinabukasan mo. Para sa 'yo lahat dahil gusto namin, maibigay namin ang lahat ng kailangan mo," mahinahon pa rin na sabi niya kaya napataas ang kilay ko.

"Para maibigay ang kailangan ko? Bakit? Alam niyo ba kung ano talagang kailangan ko?" tanong ko saka bahagyang kinagat iyong ibabang labi ko para pigilan ang nagbabadyang pagtulo ng luha ko.

"Binibigay naman namin lahat sa 'yo, anak ah? We always make sure na hindi kami papalya sa pagpapadala ng pera at ng mga gusto mo," katuwiran niya saka hinawakan ang magkabilang kamay ko.

Behind the MaskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon