Chapter 5

15 10 0
                                    


Hope's POV

Padabog akong naglakad palabas ng condo unit ng hinayupak na lalaking 'yon. Kung hindi lang talaga ako nagugutom, tingin ba niya gugustuhin ko pang mag-stay kasama siya? The nerve of that bastard!

Mabuti na lang talaga at maayos ang nakuha kong damit kung hindi, baka pinagpipiyestahan na ako ng mga taong makakakita sa akin. Sandamakmak na sermon na naman ang aabutin ko kay Gramps kapag nagkataon. Kasalanan 'to no'ng lalaking 'yon eh!

Walang kaabog-abog niyang sinabing umalis na ako sa unit niya at 'wag na siyang guluhin imbis na bigyan ako ng makakain! Ikahihirap ba niya kung pakakainin niya ako ng maayos na pagkain? Tapos parang hindi lalaki! Hindi man lang nag-alok na ihatid ako!

Nag-aabang ako ng taxi sa harap ng condo nang tumunog iyong phone ko. Ria's calling me.

"What now?!" singhal ko nang sagutin ko ang tawag niya.

"Woah, easy. Ipapaalala ko lang na we have a class in 20 minutes. Alam ko namang kahit gaganiyan-ganiyan ka, you never ditched a class," then the call ended.

And now I have to attend my fucking class without a proper bath?! Nanggigigil talaga ako sa gagong lalaking 'yon! Huwag lang talaga siyang magpapakita ulit sa akin dahil buburahin ko talaga ang pagmumukha ng lalaking 'yon. Badtrip talaga!

Mabilis akong sumakay sa humintong taxi sa harap ko. Nang makaupo ay sinabi ko ang pangalan ng University na pinapasukan ko bago ko isinandal ang ulo ko at bahagyang minasahe ang sintido ko. May mas ilalala pa ba ang araw na ito?

Lakad-takbo ang ginawa ko kahit na nakasuot ako ng boots na may heels. Ito kasi ang partner ng dress ko kahapon. Mabuti na lang, bumagay pa rin ito sa suot ko ngayon.

"What the fuck are you wearing?" nakangising pang-aasar ng demonyitang kaklase ko.

"Puwede ba, huwag ngayon," walang gana kong awat kay Ria na may nakakalokong ngisi saka ako umupo sa tabi niya.

"Oh, bag mo. May tubig din diyan sa hydro flask mo at naglagay din ako ng gamot para riyan sa hangover mo," paliwanag niya pagkatapos ihagis sa akin iyong bag ko.

Tinatamad kong kinuha ang inuminan ko saka ininom iyong gamot na sinasabi niya. Pagkatapos ay bagot kong isinubsob ang ulo ko sa lamesa.

"Alam mo, ikaw lang 'yong kilala kong gustong-gustong ma-kick out sa school pero lagi namang napasok on time sa mga klase," narinig ko pang puna ni Ria pero wala akong energy para patulan pa ang mga reklamo niya.

Pursigido man akong mapatalsik sa eskwelahan, ayaw ko namang ang maging dahilan nito ay dahil sa dami ng absences or failure ng subjects. Kahit ganito ang mga pinaggagagawa ko sa buhay ko, ayaw kong pabayaan ang pag-aaral ko. Dahil sa lahat ng mayroon ako, ito lang talaga ang maipagmamalaki ko.

Hindi ko alam kung ilang minuto akong naka-idlip o kung nakatulog nga ba talaga ako kahit papaano dahil maya-maya lang ay narinig ko na ang ingay ng mga kaklase kong nagkakagulo dahil may nakapagsabi na paparating na ang professor namin.

Napabuntong hininga na lamang ako saka umupo ng maayos. Nawala na rin naman ang antok ko, para saan pa't ipagpatuloy ko ang pagyuko? Sasakit lang ang leeg at braso ko.

"Inom pa more. Try natin iyong bagong bukas na bar sa Tagaytay?" pang-aasar ni Ria bago ako nginisihan na ikinairap ko lang.

"Tigilan mo 'ko. Baka nakakalimutan mo, may kasalanan ka pa sa 'kin. Pasalamat ka ayaw kong patulan ka habang pumipintig ang sintido ko dahil baka mapatay lang kita," pagbabanta ko bago ibinaling ang atensyon ko sa harapan.

Sunod-sunod na bumati ang mga kaklase ko nang pumasok si Ms. Tinsley. Masaya rin naman siyang bumati pabalik saka tumingin sa direksyon namin ni Ria. She's probably wondering why we're still here or perhaps because we're the only ones who didn't bother to greet her. Pero kahit na ano pang dahilan ng pagtingin niya sa puwesto namin, wala akong pakialam at tinapunan lang siya ng tinatamad na tingin.

Nagkibit balikat lang siya dahil sanay na rin naman sila sa amin ni Ria saka muling ngumiti.

"Ok, class. You have a new classmate. Be good, ok?" Then she urged the one outside the room para pumasok na.

"Introduce yourself," dagdag pa niya saka nginitian iyong bagong salta.

Bahagya akong yumuko para hilutin iyong ulo ko dahil para pa rin siyang unti-unting binibiyak. Idagdag pa iyong kumakalam kong sikmura. Tsk, tanging phone ko lang kasi ang nasa akin. Kaya nga nakiusap ako do'n sa taxi driver na through gcash ako magbabayad ng pamasahe dahil hindi ko dala iyong wallet ko. Mabuti na lang may gcash siya. Ang hassle talaga. Buwisit talaga iyong lalaking 'yon! Kainis!

"Elias Vincent Olivar. Please be good to me," pagpapakilala no'ng bago. Why does he sound so eerily familiar?

Dahan-dahan kong ibinaba ang kamay ko saka tumingin sa harapan.

"What the fuck?!" gulat na naibulalas ko nang makita ko ang walang emosyong pagmumukha ng taong may kasalanan ng kamalasang nangyayari sa akin sa araw na 'to.

"Woah. Things are getting really interesting," amused na amused na komento ni Ria kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Ano na namang problema mo, Alvarez?" sita ng prof namin na hindi ko pinansin.

"Are you fucking kidding me? Sinasagad mo ba talaga ang pasensya ko?" inis na inis kong pahayag at napatayo pa ako dahil sa sobrang asar ko.

"So, we meet again," tila nang-aasar pa niyang sabi saka ngumisi ng nakakaloko.

Iyong mga malalandi kong kaklase, nagawa pang magbulungan tungkol sa paghanga nila sa guwapong siraulong nasa harapan nila at hindi pinansin ang namumuong tensyon sa pagitan namin. Geez! Itsura lang ba ang basehan?! Mga mahaharot!

"Leave," I dangerously warned him habang binibigyan ko siya ng matatalim na tingin. Kung nakamamatay lang talaga ang pagtingin ng masama, malamang bumulagta na siya sa puwesto niya.

"Are you the owner of this University? Or perhaps, this building?" amused na tanong niya before he crosses his arms in a boyish manner.

"No," walang kaabog-abog kong sagot at nakita ko pang lumawak ang ngisi niya dahil sa sinagot ko kaya dinugtungan ko ang sagot ko. "But my grandfather is a major stockholder," taas noong pagmamayabang ko.

"Alvarez, baka gusto mong isumbong kita sa lolo mo? You know how much he hates how you abuse your power." Nilingon niya iyong hinayupak na lalaki sa ngumiti.

"Mr. Olivar, please don't mind her and you may take your seat," utos niya kaya bahagya itong natawa saka ako nginitian.

"Hayaan mo na. Tandaan mo, kakabigay mo lang ng sakit ng ulo sa lolo mo. 'Wag mo na munang dagdagan," bulong ni Ria sa tabi ko kaya naikuyom ko ang kamay ko.

Argh! I swear, makakaganti rin ako sa pangingialam mo, Ms. Tinsley. Sana handa ka dahil sisiguraduhin kong magsisisi ka sa ginawa mong pagkontra sa 'kin.

"Easy, tiger," nang-aasar na sabi ng siraulong lalaking 'yon nang makalapit siya sa puwesto ko.

"Better luck next time," bulong na dugtong niya then he winked at me. The nerve!

At parang hindi pa siya kuntento sa pang-aasar niya dahil sa upuan sa tabi ko siya umupo. Tinanggal niya iyong bag kong nakalagay doon saka iniabot sa 'kin.

Arghhh! Kaunti na lang, pati pagpatay magawa ko na rin. At bakit ba kasi ako pumapayag na ginaganito nila? Fuck! Pasalamat sila dahil talagang sumasakit iyong ulo't sikmura ko kaya wala ako masyado sa mood makipagsagutan ngayon. Humanda talaga sila kapag ok na ang pakiramdam ko!

Behind the MaskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon