Chapter 6

10 7 0
                                    


Hope's POV

Naubos ko na ang laman ng hydro flask ko para lang pawiin kahit papaano ang pagkalam ng sikmura ko pero wala pa ring epekto.

Geez! Last night is not the first time I skipped dinner pero bakit ngayon lang ako nakaramdam ng ganito katinding gutom? Tsk! May balat ata sa puwet itong lalaking hinayupak na 'to dahil simula nang nagtagpo ang landas namin, puro na lang kamalasan ang nangyayari sa 'kin.

Narinig ko ang pagbukas niya ng bag pero hindi ko pinagtuunan ng pansin. At dahil hindi ko na talaga kaya, tatayo na sana ako para pumuntang cafeteria nang may ilagay na parang lunch box sa lamesa ko itong katabi ko.

Mabilis ko siyang tinignan pero nanatili ang mga mata niyang nakatingin sa harapan.

"Eat it. 'Wag ka nang maarte, alam kong gutom ka na. Kanina pa nag-iingay 'yang tiyan mo," mahinang sabi niya habang nagsusulat at umaarteng parang hindi nakakagulat iyong mga ginagawa niya.

"Ayaw ko nga. Mamaya may lason pa 'to," pagmamatigas ko kahit na ang totoo, naglalaway na ako. Geez, nakakahiya!

Tinitigan niya ako, tinatantiya kung nagsasabi ako ng totoo kaya tinaasan ko siya ng kilay. Napabuntong hininga naman siya saka ibinaba iyong hawak niyang ballpen. Nagulat ako nang mabilis niyang kinuha iyong lunch box na nilapag niya sa lamesa ko. Isa-isa niya itong inayos saka mabilis na sumubo. 3 layers kasi iyong lagayan tapos tumikim siya per lagayan. Tapos may nilabas pa siya ulit sa bag niya. Para siyang tumbler tapos binuksan niya, hinipan ng bahagya bago ininom iyong nilagay niya sa takip.

"Satisfied?" sarkastikong tanong niya saka inilagay ulit sa mesa ko iyong mga pagkain. Tapos nilagay niya rin iyong parang tumbler. "It's a hangover soup. Humigop ka habang mainit para maibsan iyong sakit ng ulo mo."

"Alam mo bang magiging magkaklase tayo?" nagdududang tanong ko. Mayabang siyang ngumisi saka nang-aasar na tinignan ang kabuuan ko. Aba!

Masama bang magtanong? Eh talaga namang parang planado lahat kaya bakit parang kasalanan kong nagdududa ako?

"Tss. Oo na, hindi mo na ako type. Pero bakit ka may ganito?" tanong ko pero inuumpisahan ko nang lantakan iyong pagkaing bigay niya. Gutom na talaga ako! Wala nang pagdadalawang isip, sunggab na agad!

"I am not expecting to see you again... but I'm hoping. Kaya nagbaka-sakali ako at nagdala niyan," kibit-balikat niyang sagot bago ulit nagpatuloy magsulat.

In fairness, masarap iyong mga pagkain. Lalo na iyong soup. Nakakaginhawa ng pakiramdam.

"So, it's a peace offering, huh? Well, for your information, galit pa rin ako kahit na kinakain ko 'to," paglilinaw ko. "Saka hindi ako nadadaan sa suhol."

"Yeah, sure. Ipagpatuloy mo na lang ang galit mo kapag busog ka na," amused na sagot niya bago napailing.

Sinimangutan ko lang siya saka itinuloy ang maganang pagkain. Geez! Para akong hindi kumain ng isang linggo sa sobrang gutom ko!

Napatingin ako sa puwesto ni L-- wait, what's his name again? Argh! Basta it starts with letter L... or not? Whatever.

Kunot-noo ko siyang tinignan dahil bigla na lamang siyang nagtaas ng kamay niya.

"Yes, Mr. Olivar?" tanong ng prof namin nang mapansin ang pagtaas niya ng kamay.

"Regarding problem number 2, question number 4, I think the degree of operating leverage should be 2.25 instead of 2.55," magalang niyang sabi habang palipat-lipat ang tingin niya sa notebook niya at sa blackboard.

Behind the MaskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon