Hope's POV"Bakit hindi mo sinabi 'yong totoong nangyari?" pag-uusisa niya. Ngayon lang siya nagtanong samantalang kanina pa kami nakauwi.
"Kaunti na lang, iisipin ko nang concern ka sa 'kin," reklamo ko bago siya sinimangutan.
"Concern? Ako? Baka nga tumawa pa ako sa libing mo kapag namatay kang hayup ka eh," iritableng sagot niya na parang diring-diri.
Kaya kasi ako pinatawag kanina sa office ni Dean ay dahil may nagreklamo na namang magulang laban sa 'kin. Well, ano pa nga bang bago? Eh suki naman na ako sa office na 'yon dahil sa pare-parehong dahilan. Mga reklamo ng mga students, parents and even professors.
"Hinampas mo siya ng upuan dahil minamanyak ka niya. Hindi mo naman kasalanan na mahina siyang nilalang kaya tumama ang ulo niya sa pader nang bumagsak siya." Hindi pa rin niya binibitawan ang topic kaya bahagya akong natawa.
"I badly want to be expelled. Why would I save myself if destiny gave me a chance?" naiiling kong sagot before smirking.
"Siraulo ka talaga. Malamang lagot ka na naman sa Daddy Lo mo,"
Speaking of Daddy Lo, tumawag nga pala 'yong Assistant niya. Pinapauwi daw ako sa mansyon. Tsk, another set of sermon.
"Teka, saan ka pupunta?" taas kilay niyang tanong nang maglakad ako papunta sa pinto.
"Hell," sagot ko bago kumaway nang hindi lumilingon sa kaniya. Alam na niya kung saan 'yon. Isang lugar lang naman ang tinuturing kong impyerno.
"How about the party later?" habol na tanong niya bago ko buksan ang pinto.
"I'll be quick. A party without Hope Felicity Alvarez is boring. So don't worry, I'll be there before you know it," sagot ko bago ngumisi saka tuluyan nang umalis.
Saglit lang din naman ang naging byahe kaya nakarating ako agad sa mansyon.
"Where's Gramps?" bungad na tanong ko nang salubungin ako ni Jay, iyong assistant ni Daddy Lo.
"Good evening, Miss Hope. Please, follow me," magalang niyang sabi bago ako iginiya patungong office ni Daddy Lo.
Taas noo akong naglakad sa gitna ng mga nakayukong kasambahay. Ni hindi ko sila nagawang tapunan ng tingin.
Pinagbuksan din kami ng pinto ng isang guwardiyang nakabantay sa pinto ng office. Nauna si Jay na pumasok dahil sasabihan pa niya si Daddy Lo tungkol sa presensya ko.
"Mr. Governor, Miss Hope is here," nakayukong sabi niya kaya tuluyan na rin akong pumasok.
"Hi, Daddy Lo. Miss m--" hindi ko nagawang tapusin ang sasabihin ko nang makatanggap ako ng isang malakas na sampal.
Because of the impact, halos matanggal 'yong ulo ko sa katawan ko. Napahawak ako sa pisngi ko to somehow ease the pain at dahil bahagya akong napalingon, napansin ko ang gulat at nag-aalalang tingin ni Jay na mabilis na nag-iwas ng tingin nang mapansin ako.
Bahagya kong itinulak ang loob ng aking pisngi gamit ang aking dila bago tumingin kay Gramps then smirked playfully.
"Well, I miss you too," I carefully said, still smirking at him.
"Wala na ba talaga akong maaasahang matino sa patapong katulad mo? My God, Hope! Can't you lie low for a while? Kahit hanggang sa matapos lang ang eleksyon? Wala na nga akong maasahan sa 'yo, dumadagdag ka pa sa problema ko! Puro na lang ba talaga sakit sa ulo ang ibibigay mo sa 'min?" gigil na gigil na singhal niya kaya napakagat ako sa labi ko.
"I'll just be outside if you need something, Mr. Governor," magalang na paalam ni Jay bago mabilis na lumabas, siguro dahil naramdaman niya 'yong tensyong namumuo sa pagitan namin ni Gramps.
"Alam mo bang gustong-gusto ka nang i-kick out ng board members sa school mo ngayon? I just bribed them and used my connections! Pero hindi ko na alam kung ano pang magagawa ko kapag gumawa ka na naman ng kalokohan. Kaya siguro hindi na umuuwi ang mga magulang mo eh. Sino ba namang gugustuhin pang umuwi kung patapon na taong kagaya mo lang ang uuwian?"
Kung ako 'yong dating Hope, malamang umiiyak na ako dahil sa sinabi niya but the thing is, I am not the old, pathetic Hope anymore. So balewala na sa akin ang mga pinuputak niya.
"Are you done? Can I go now?" walang ganang tanong ko nang matahimik siya.
"Ayan, diyan ka magaling. Ang balewalain ang mga sinasabi namin sa 'yo. Hindi naman para sa amin kaya ka namin pinapangaralan! Para sa 'yo!" Natawa ako nang marinig ko ang sinabi niya. Nagpapatawa ba siya? Para sa akin? Eh ang mahalaga lang naman sa kanila, 'yong reputasyon nila para sa pangangampanya nila.
"Yeah, yeah. Whatever," bagot kong sagot saka tumalikod na. Hindi matatapos ang sermon niya kung hindi ako aalis. May mas importante pa akong lakad kaysa makinig sa paulit-ulit na litanya niya kaya naglakad na ako paalis.
"Kung sisirain mo 'yang buhay mo, sana sarili mo na lang. 'Wag ka nang mandamay pa ng mga tao sa paligid mo," huling sabi niya bago ko maisara ang pinto. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago muling ngumiti.
"Will you stay for dinner?" tanong ni Jay. Kitang kita ko sa mga mata niya ang pinaghalong awa at pag-aalala kaya nilaparan ko pa ang pagkakangiti ko.
"Nah. Ayaw ko pang maging kambing kaya I'll pass," pagtanggi ko bago bahagyang tumawa. Puro gulay kasi ang inihahain dito sa mansyon dahil 'yon ang laging niluluto ni Mommy La noong buhay pa siya.
"I can inform the chef to prepare your favorite if that's the case," pagpupumilit pa niya kaya huminto ako sa paglalakad saka siya hinarap.
"Huwag na nating ipilit. Alam mo namang hindi kami magandang combination ni Gramps. World War III 'yon pag nagkataon," natatawang sabi ko bago ulit naglakad.
"We miss you here," mahinang sabi niya kaya biglang nawala ang ngiting nakapaskil sa mukha ko.
Lahat ng tao sa mansyon, takot kay Daddy Lo. Kaya nga halos parang robot ang galawan nila sa tuwing nandito siya. Noong dito pa ako nakatira, madalas ko siyang kontrahin sa mga bagay-bagay kaya sa akin nabubunton ang galit niya. Ako lagi ang napapansin niya kaya hindi niya napapansin ang mga maliliit na pagkakamali ng mga kasambahay.
Siguro 'yon ang dahilan kung bakit niya nasabi 'yon.
"I don't miss being here at all," mahinang sagot ko bago pilit na ngumiti.
Binilisan ko na ang paglalakad ko. The longer I stay here, the more I feel suffocated. Kaya gustong-gusto ko nang makaalis.
"Hindi ka na ba talaga dadalaw dito kung hindi ka tatawagin ng Daddy Lo mo?" tanong ni Jay bago nagmamadaling unahan ako na buksan ang pinto ng kotse ko.
"Kaysa magkasakitan kami, mas mabuti nang lumayo na lang ako, 'di ba?" nakangiting sabi ko bago sumakay sa sasakyan ko.
"Take care of yourself, hm?" paalala niya na tinanguan ko lang. Mabilis ko na ring pinaharurot ang sasakyan ko paalis do'n.
Kung hindi ko aalagaan ang sarili ko, sino pa ang gagawa no'n? Wala na akong iba pang maaasahang mag-aalaga sa 'kin kung hindi sarili ko lang. I have no one else aside from me so I really should take care of myself.
BINABASA MO ANG
Behind the Mask
Teen FictionHope Felicity is the only daughter of the famous Dra. Kate and Dr. Matthew Alvarez. She is also the granddaughter of Governor Benjamin Alvarez. Ito ang dahilan kung bakit bata pa lang, wala na siyang privacy. Isa rin ito sa dahilan kung bakit pinip...