Chapter 4

13 8 0
                                    

Hope's POV

As soon as I woke up, idiniin ko iyong unan na yakap ko sa ulo ko dahil sa sobrang sakit ng ulo ko. Pero halos lumuwa iyong mata ko nang maramdaman ko ang isang mabigat na bagay sa may bandang tyan ko. Nang tignan ko ito, nasipa ko iyong taong nasa tabi ko nang makitang braso niya iyong nakapulupot sa bewang ko.

"Who the fuck are you?" gimbal na sigaw ko nang marinig ko ang ungol niya dahil sa sakit ng pagkakalaglag mula sa kama.

"Shit," mura niya habang pupungas-pungas na hinihimas iyong balakang niyang mukhang napuruhan dahil sa biglaang pagkakalaglag.

"Answer me! What the fuck are you doing in my room?" natatarantang tanong ko bago tumayo at mas lalo pa akong nawindang nang malaman kong wala akong ibang suot maliban sa undergarment ko. "What did you do? Where's my dress?"

"First of all, you are in MY room. Second, can't you remember anything from last night? And lastly, for Christ's sake, you are not my type. Kahit maghubad ka pa sa harap ko, hindi ko didikitan maski hibla ng buhok mo," naiiritang sabi niya. Halata rin sa guwapo niyang mukha ang pinaghalong irita at disgusto kaya napanganga ako. Asshole.

Pero dahil sa sinabi niya, saka ko lang napansin na wala nga ako sa kuwarto ko. The designs, furnitures, smell and ambiance is different. Bakit ngayon ko lang napansin?

Ibinuka ko iyong bibig ko para magsalita pero dahil sa sobrang pagkabigla sa sinabi niya, wala akong nasabi kaya muli kong itinikom ang bibig ko.

"Ako na nga itong pinerwisyo mo, ikaw pa matapang," asar niyang reklamo bago tumayo at masama akong tinignan.

"Teka, pero bakit hindi naman tumutugma sa sinabi mo iyong nakita ko pagkagising ko? Kaya nga kita nasipa dahil sa braso mong nakayakap sa akin!" sigaw ko saka siya pinanlisikan ng tingin.

"Would you have preferred to be chained or to sleep on the floor? Fuck, napakalikot mong matulog! Hindi ko na mabilang kung ilang beses kitang ibinalik sa kama dahil palagi kang nahuhulog. At para makatulog din ako, tumabi na lang ako at niyakap ka. Akala mo ba ginusto ko 'yon? I simply don't have any other options. Kaya huwag kang umarteng parang ikaw pa naagrabyado," pikon niyang paliwanag bago pumasok sa cr.

Matagal pa akong tumitig sa nakasaradong pinto dahil sa sobrang pagkapahiya nang tumunog ang phone ko. I received a text message from Ria.

Hey, bitch. Still alive?

At dahil wala ako sa mood mag-text, I tapped the call button. Siguraduhin lang ng babaeng 'to na wala siyang kinalaman kung bakit kami magkasama nitong lalaking ni hindi ko kilala o sasabunutan ko talaga siya ng malala.

"Sup, bitch?" bungad niya kaya agad kumulo ang dugo ko.

"Gago ka! Alam mo ba kung anong nangyari kagabi?" gigil kong singhal. Napatingin pa ako sa pinto ng cr kung saan pumasok iyong lalaki at napagpasyahang lumabas sa balcony ng kuwarto niya para maayos na makipag-usap dito sa babaitang 'to.

"Which part? You, dancing and flirting with guys on the dance floor or the part where some hot guy carried you out of the club?" tila nang-aasar niyang tanong na mas lalong nakadagdag sa inis ko. I bet she's smirking widely right now. Psh.

"And you didn't do anything? What the fuck?" sigaw ko habang padiin na ng padiin ang pagkakahawak ko sa cellphone ko.

"Pasalamat ka nga sinundan ko kayo papuntang parking. I even told him how important you are to a notable family in case may balak siyang masama," tila proud na paliwanag niya and I swear, kung kaharap ko lang siya ngayon, nahambalos ko na sa kaniya kung ano man ang una kong mahawakan.

"Bakit hindi mo man lang ako kinuha sa kaniya? Alam kong hindi tayo magkaibigan pero hindi ka nagmagandang loob kahit bilang roommate ko man lang?" reklamo ko, with matching hand gesture pa na akala mo nakikita ako ng kausap ko. Well, I can't help it. I'm too frustrated and pissed!

"Now, where's the fun in that? And besides, I am no saint and you know that. Me, warning him about who you are, is the only help I can give as a thoughtful roommate,"

"Thoughtful my ass. Humanda ka sa 'kin mamaya. Sinasabi ko talaga sa 'yo," pagbabanta ko bago pinatay ang tawag. 

"Ahhhhhhh!" malakas na sigaw ko pagkatapos kong humugot ng malalim na hininga. God knows how much I wanted to throw my phone dahil sa sobrang asar pero pinaalala ko sa sarili kong madami akong mahalagang naka-save ro'n kaya 'wag na. Saka isa pa, kabibili ko lang din ng phone ko no'ng nakaraan dahil hindi sinasadyang naihampas ko 'yong luma sa isang estudyanteng nambwisit sa 'kin. Sa sobrang kapal ng mukha niya, iyong iPhone 13 ko ang napuruhan. At dahil may sayad yata si Ria, inagaw niya ito sa akin at hinagis sa basurahan. Narinig ko pa ang pagkabasag nito kasabay ng paghawi niya ng buhok niya. Ang dahilan niya, dahil daw madumi na rin ito kaya kailangan nang palitan. Siraulo talaga.

"Huwag kang eskandalosa. Wala ka sa taas ng bundok. Anong oras pa lang, may natutulog pa. Naperwisyo mo na nga ako, mandadamay ka pa ng ibang tao," walang emosyong sabi niya bago lumabas ng kuwarto niya. Sa sobrang inis ko, hindi ko man lang narinig na lumabas na siya sa banyo.

"Hey, wait." Mabilis akong tumakbo at hahabol sana sa kaniya nang maalala kong wala akong damit. Geez! Ang tanga naman, Hope!

Nag-ikot ako sa kuwarto niya at naghanap ng damit na puwede kong mahiram. Dahil ayoko nang magtagal pa rito, kinuha ko na lang ang isang sweatshirt at polo niyang nakalagay sa hanger. Puwede na siguro 'to, ito kasi ang una kong nakita eh. Ayaw ko namang maghalungkat pa sa damitan niya.

Mabilis akong nag-wash up tapos sinuot ko na lang ulit iyong underwear ko saka ko isinuot ang polo niyang nagmukhang dress sa akin. After kong maisuot ang polo, saka ko pinatungan ng sweatshirt niya. Inilabas ko iyong collar ng polo para design. Syempre, kahit epic ang nangyayari, dapat maayos pa rin ang itsura ko.

Nang makuntento na ako sa itsura ko, lumabas na rin ako ng kuwarto niya.

"Akala ko tumalon ka na sa balcony dahil sa sobrang kahihiyan," sarkastikong puna niya na ikinasimangot ko pero hindi ko na pinatulan.

"Kumuha pala ako ng damit, I hope you don't mind. Hindi ko kasi makita kung nasaan iyong dress ko kagabi," sabi ko habang naglalakad papalapit sa puwesto niya.

"Kung ayaw ko, huhubarin mo ba at aalis ka nang nakahubad?"

"Bakit ba ang init ng ulo mo sa 'kin? Maayos na nga akong nakikipag-usap, ganiyan ka pa," reklamo ko bago kunin iyong sandwich na kakainin dapat niya. Akala ko magrereklamo pa siya pero binigyan niya lang ako ng hindi makapaniwalang tingin bago ulit gumawa ng para sa kaniya.

"Wala akong masyadong tulog at sobrang sakit ng ulo ko because of you. Dapat ko bang ikatuwa 'yon? Should I throw a fucking party for what you did?" he said sarcastically pero hindi ko iyon pinansin. Instead, I pouted my lips at nagpa-cute.

"Can I have another one?" mahinang tanong ko bago ininguso iyong sandwich. Nakalimutan ko, hindi nga pala ako nakapag-dinner kaya gutom na gutom na talaga ako ngayon.

He raised his eyebrow at bago pa siya magsalita, inunahan ko na siya.

"Wait, don't you have rice?" kagat labi kong tanong.

Well, alam kong nakakahiya na but what can I do? I'm famished! Isasantabi ko muna iyong inis at pagkapikon ko dahil kailangan talagang malagyan ng laman ang tyan ko. Mamaya na lang ulit ako magtataray at maiinis kapag napawi na iyong gutom ko. Hindi naman siguro siya madamot at walang puso, 'di ba?

Behind the MaskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon