Chapter 1

22 11 0
                                    


Hope's POV

"Ms. Alvarez, may quota ka ba every week kung ilang beses kang dapat mapatawag sa office ko?" nagtitimping bungad ni Dean habang bahagyang hinihilot ang sintido niya.

"Let's just cut the drama and just call my parents if you want to talk to them. Or just simply expel me if you've had enough. You know how I hate wasting time," bagot kong sagot bago ko siya tinapunan ng tinatamad na tingin.

"What happened to you? You were the best student back then. Halos lahat gustong maging estudyante ka. Ngayon, halos wala nang gustong tumanggap sa 'yo. Hindi ka na namin kilala," disappointed na komento niya na nakapagpangisi sa akin. Kaunti na lang, pati siya susuko na rin.

"Well, shit happened. And one more thing, I also don't know you. So, maybe, it's a tie?" kibit-balikat kong sagot bago pabalyang umupo sa upuan sa harap niya. Masyadong mataas ang suot kong heels at alam kong matatagalan ako sa pakikinig ng sermon kaya naupo na ako.

"You know you can talk to me if something's bothering you or if ever you have any problem, right? I am more than willing to help," sincere na sabi niya kaya tinitigan ko siya. More than willing to help? Really?

Bahagya akong natawa at nagbaba ng tingin. I'll pretend that I know nothing about their hidden agenda.

"What's funny?" kunot-noong tanong niya kaya binalik ko ang tingin ko sa kaniya bago bahagyang ngumiti.

"You are," walang kaabog-abog na sagot ko. Mas lalo pang lumawak ang ngiti ko nang makita ko ang pagbabago ng ekspresyon sa mukha niya.

"You're hopeless," mahinang sabi niya pagkatapos suminghap dahil sa sagot ko. Ngayon lang niya na-realize? Ang hina naman niya sa comprehension. I am disappointed.

"Are we done here? Can I go back to my class now?" Tanong ko bago tumayo at inayos ang aking uniform.

"We're not yet done--" hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita dahil paulit-ulit lang naman.

"But I am done here. So, if you'll excuse me, I still have a class to disturb," paalam ko bago siya binigyan ng nakakalokong ngisi.

Nawala ang ngiting nakapaskil sa mukha ko nang maisarado ko ang pinto ng office niya. Hm, so what's next?

Pangwalong eskwelahan ko na ito dahil palagi akong na-eexpel. Dapat nga mas marami pa, kung hindi lang dahil sa pera at koneksyon nila Mommy, hindi ako hahayaan na magtagal sa mga eskwelahang napupuntahan ko.

"Bitch, what's with the blank expression? Nakakatakot ang susunod mong gagawin tuwing ganiyan ang ekspresyon sa mukha mo." Still with a blank expression, tinitigan ko siya at hindi nagsalita. Mabilis naman siyang nagtaas ng kamay, as a sign of surrender, but still with a bitchy expression.

"Lilipat na naman ba tayo ng school?" walang ganang tanong niya like it wasn't a big deal. Sanay na rin naman siya. Bitbit ko kasi siya kung saang school man ako mapadpad.

"I don't think so. Mukhang mahirap i-convince ang isang 'to na patalsikin ako," bagot kong sagot.

Ewan ko ba sa kaniya. Maayos naman ang academic standing, pero daig pa ang buntot sa kakasunod sa 'kin.

"Why don't we just settle here then? You know, finish our studies?" mataray niyang suhestyon kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"Why don't you settle here and don't bother me? I never force you to come with me every time they kick me out,"

"That will be boring. You know how it amuses me every time you bitch around and suffer the consequences," kibit-balikat niyang sagot.

"Pero ano ba kasing trip mong gaga ka? Pati ako nahihilo sa mga desisyon mo sa buhay," bwisit na tanong niya nang manahimik ako.

"Wala lang. I just want to spice things up. Boring life is making me sick," I answered, disgusted.

"Tara na nga. Pumasok na lang tayo sa klase habang nag-iisip ka pa ng bagong way para mapatalsik dito," sabi niya bago ako hinila papunta sa classroom.

Nang makapasok kami, pinagtinginan ako at pinagusapan. Wala namang bago. Parte na ng buhay nila ang pag-usapan ako. Hindi ko naman sila masisisi. Masyadong boring ang mga buhay nila para mag-focus sila sa mga sarili nila.

I decided to sleep nang makaupo ako sa upuan ko. Boring naman sila magturo eh. Hindi nakaka-enganyong makinig. Mas effective pa nga silang lullaby, kaya nga nakakapasok akong puyat pero nakaka-uwing sobra-sobra ang tulog.

Hindi ko alam kung gaano na ako katagal nakaka-idlip nang maramdaman ko ang bahagyang pangangalabit ni Ria.

"Tawag ka ni Miss Trina," pasimpleng bulong niya kaya pupungas-pungas akong tumingin sa harapan.

Hindi na ako nag-abalang ayusin ang pagkaka-upo ko at tinatamad na tumingin sa kaniya.

"Kung matutulog ka lang sa klase ko, dapat hindi ka na pumasok," may halong gigil na sabi niya.

"You should be thankful I attended your boring class," inaantok kong sagot. Ni hindi ko na tinago ang paghikab ko kaya mas lalong nanlisik ang mga mata niya.

"Get out of my class," nanggagalaiting utos niya.

"School was supposed to be our second home, am I right? So, why can't I sleep here?" bagot kong tanong sa kaniya.

"School is a place for studying even if it is considered as a second home," pangangatwiran niya.

"Home is a place to rest, enjoy and bond with our family but still, nagbibigay kayo ng mga homeworks that is due the next day. Kung kaya niyong bigyan kami ng gawain na dapat ay sa eskwelahan ginagawa, why can't we do the same thing?" paghahamon ko. Though alam ko naman ang sagot sa mga katanungan ko, tinanong ko pa rin. Gusto ko lang mang-asar. Sinira niya ang tulog ko eh.

"Stop wasting both of our time and get out of my class," galit na utos niya, pilit pinipigilang sumigaw.

"Why should I? You don't even have a proof that I am not listening," sagot ko before dangerously smirking.

"Really? Then answer the problem on the board," hamon niya saka mayabang na ngumisi.

Tinitigan ko pa siya ng ilang segundo bago ko binaling ang atensyon sa nakasulat sa harap.

Nagbigay siya ng amount ng personal assets, personal liabilities at partnership capital balances nila John, Gino and Paul. Tinatanong kung ano ang capital balances no'ng tatlo after applying the doctrine of marshalling of assets.

"Ano? Tititigan mo na lang? Lumabas ka na kung wala ka rin namang isasagot," mayabang niyang sabi kaya napayuko ako at bahagyang natawa.

"54,000, 0 and 61,000 respectively." sagot ko saka ngumiti nang mapang-asar.

"Almost all of your classmates answered 56,500, (5,000) and 63,500. Care to explain why you have a different answer?" karagdagang hamon niya kaya napabuntong hininga ako. Hindi ba't trabaho niya 'yon? Ang ipaliwanag sa 'min ang sagot? Tsk, pinapasa pa sa 'kin trabaho niya eh. Sana ako na lang ang binayaran ng mga kaklase ko kung gano'n. Psh.

"When the partnership and/or one or more of the partners are insolvent, the doctrine of marshalling of assets is used. It stipulates that partnership assets must be used to settle partnership debts first. Any surplus is applied to the debts of individual partners up to the amount of his interest. While personal assets are used to pay off personal debts, any excess is applied to partnership creditors before being added to the debit capital balance of the partners. So basically, John and Paul should absorb the negative balance of Gino. As simple as that," walang gana kong sagot saka siya blankong tinitigan.

Napangisi naman ako nang makita siyang bahagyang nakanganga habang nakatingin sa 'kin. Pati mga kaklase ko, hindi napigilang humanga dahil hindi ko na kinailangan gumamit ng calculator o kahit papel to compute for the answer.

"Now, can I go back to sleep?" inaantok kong tanong na naging dahilan ng pagsarado niya ng bibig niya.

Wala sa sarili siyang napatango kaya napangiti ako bago ulit yumuko para bumalik sa pagtulog. Istorbo, psh.

Behind the MaskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon