Ria's POV"Reign, himala at hindi kayo magkasama ni Hope?" bungad na tanong ng lalaking hindi ko kilala pero namumukhaan ko.
"Mukha bang hindi ko kayang mabuhay nang wala siya? Psh," mataray kong tanong bago inisang shot iyong alak na inorder ko.
Hope and I aren't friends so bakit kataka-takang makita kaming hindi magkasama? Geez, I don't even think we can be in the same place at the same time back then. I was the Queen Bee of the South Bay High when suddenly, she showed up and caused a ruckus.
Reign Ivory Alcazar vs. Hope Felicity Alvarez. Sa pula, sa puti. Araw-araw kaming nagkakainitan at halos magpatayan kami sa tuwing nagkakasalubong. Hanggang sa napagod akong patulan siya because I realize that she's bitching around hindi dahil gano'n talaga ang ugali niya. I don't know why but I think she's not causing a mess to ruin everything or everyone around her but she's doing it to destroy herself. It sound so pathetic but who am I to judge? I don't know anything from her point of view to invalidate her feelings.
Akala ko nga dati, she's nothing but a spoiled bitch na nakukuha ang lahat ng gusto because of the power, connection and authority na nakakabit sa pangalan niya. But something in her eyes tells me otherwise.
Pero kahit gano'n, wala pa rin akong pakialam sa kaniya. I don't give a damn even if she dies right now. Pero dahil sa kaniya, nagkaroon ako ng paraan to somehow ease my boredom. Kaya nga pinipili kong sumama kung saan man siya lilipat sa tuwing na-kikick out siya. I can't afford to lose the only thing that entertains me right now so I don't care if maubos namin ang eskwelahan sa mundo sa kakalipat.
"Bakit nag-umpisa ka na agad? Hindi mo man lang ako hinintay," reklamo ni Hope na kararating lang.
"Kaya kong bumili ng kahit na anong alak kahit wala ka so why the hell would I wait for you? You're not that special," walang gana kong sagot bago ko ulit inisahang inom iyong bagong order ko.
Mabilis siyang umorder ng alak para sa kaniya saka walang sabi-sabing nagsalin sa baso saka ininom. Isang bote kasi ang inorder niya. Sinilip ko pa kung ano ito kaya nalaman kong Johnnie Walker Blue ang inorder niya. Dahil do'n, kaya ko naisip na mukhang hindi maganda ang naging pag-uusap nila ng lolo niya.
"Won't you ask me what happened?" tanong niya after niyang ubusin ang pangatlong salin niya sa baso niya.
"Are you that important to me, for me to be curious?" nakangisi kong tanong bago muling uminom.
"Harsh," nakangising komento niya kaya napailing ako.
"Go on. Tell me what happened. Mamaya hindi ka pa makatulog dahil diyan," sabi ko na lang saka tinuon ang atensyon ko sa pag-inom.
"Nah, it's not something I can't deal with," nakangiting sagot niya kaya hinayaan ko na.
Ang hilig-hilig niyang ngumiti kahit na peke naman. Akala niya maganda, 'di niya alam nagmumukha lang siyang tanga. Akala naman niya pipilitin ko siyang i-share ang nangyari. Asa siya.
"Hey, Hope! Long time no see," bati ng isang bagong dating na lalaki saka siya inakbayan.
Imbis na sagutin niya, kinabig niya ang batok nito at marahas na hinalikan iyong lalaki. Hindi na ako nagulat dahil hindi naman na ito bago sa paningin ko. Hindi ko alam sa babaeng 'to, ultimate goal yata ang sirain ang buhay niya sa kahit na anong paraan.
Everyone, except from me, thinks she's a harlot dahil kung sino-sino na lang ang kalampungan niya. I mean, I used to be a slut and she's far from being one. Not that I am defending her or something, sinasabi ko lang ang nakikita ko.
Tinigilan ko na ang pag-inom dahil duda akong makakauwi kami ni Hope kung malalasing ako. Sa nakikita ko kasi, mukhang hindi siya uuwi until she's totally wasted.
Nagsindi ako ng sigarilyo at tinignan si Hope na parang nasisiraan ng bait na sumasayaw sa dance floor. Wala siyang pakialam kahit na nag-tatake advantage na iyong mga siraulong lalaking nakapaligid sa kaniya. Napabuntong hininga na lang ako saka inilabas ang phone ko para i-entertain ang sarili ko.
Kakilala ni Hope ang may party ngayon at ilan lang sa kanila ang namumukhaan ko kaya ako mag-isa ngayon. Though I don't mind. Gabi-gabi na kasi naming nakasanayan gumimik, may party man o wala. Kaya rin siguro sanay na ako sa kagagahan ng babaitang 'yon. As long as I am not bored with what's happening, hindi ako makikialam.
Mabilis akong napatayo nang makita kong bitbit na si Hope ng isang hindi kilalang lalaki. Mabilis akong sumunod nang makita kong tinatahak nila ang daan palabas.
"If you are planning to do something with her, I won't stop you. Just know that she is the most treasured person of the Alvarez Family so be prepared for the consequences," kalmadong sabi ko bago tumalikod.
Babalik na sana ako sa loob para uminom pa ng kaunti dahil may mag-uuwi naman na pala kay Hope nang marinig ko ang mahinang tawa ng lalaking nasa likod ko.
"I know her because who doesn't? But she doesn't do squat for me," he said, a little disgusted about the thought of him, doing something to Hope. The nerve!
"No need to sound so defensive. I told you, I don't mind. I won't talk about what I saw tonight pero kahit na hindi ako magsalita, alam kong malalaman at malalaman ng pamilya niya ang mangyayari sa kaniya," sabi ko pa dahil baka natakot lang siya sa balak niya dahil nahuli ko siya. Nasabi ko naman ng maayos, 'di ba? Mukha ba akong concern sa babaitang 'yan? Kadiri.
"Look, I know you are aware of what happened inside. Nagmagandang loob lang ako and save her from those perverted drunkards," nakasimangot niyang paliwanag kaya napataas ang kilay ko. Do I look like I care?
"Alam mo, ang dami mo pang satsat. Just continue what you are supposed to do or whatever. I don't care," sabi ko na lang dahil naaasar na ako.
"Wait, hindi mo ba kukunin itong kaibigan mo or something? Hahayaan mo talaga siya sa hindi mo naman kilala?" nagtatakhang tanong niya kaya natawa ako. Friend? Nah. Hope and I, we don't do friendships.
"She is not my friend and vice versa. So, yeah. Feel free to do whatever you want with her," nakangising sabi ko bago tuluyang pumasok ulit sa club. I need to get some drink because Hope is stressing me out tonight.
BINABASA MO ANG
Behind the Mask
Teen FictionHope Felicity is the only daughter of the famous Dra. Kate and Dr. Matthew Alvarez. She is also the granddaughter of Governor Benjamin Alvarez. Ito ang dahilan kung bakit bata pa lang, wala na siyang privacy. Isa rin ito sa dahilan kung bakit pinip...