Hope's POV"What are you saying?" tanong niya. Halata rin sa itsura niya na naguguluhan siya sa inaasta at sinasabi ko. Iniisip na rin niya sigurong may pagkabaliw ako.
"I mean," malawak ang pagkakangiting umpisa ko bago lumapit sa kaniya. "I told you that giving me food earlier is not enough, right? Hindi gano'ng suhol ang tinatanggap ko," I informed him while still smiling sweetly.
"So?" gulong-gulo pa rin na tanong niya kaya mabilis kong hinablot ang susing hawak niya. Kumunot lang ang noo niya pero hindi naman niya inagaw pabalik ang susi niyang ngayon nga ay nasa akin na.
"Isn't it a great timing? Kailangan ko ng motor for an event later tapos ikaw, gusto mong bumawi sa akin. Do you understand the situation now?" ngiting-ngiting paliwanag ko bago ako sumampa sa motor. Mukha ba akong tumatanggap ng sagot na hindi umaayon sa gusto ko? Syempre, wala siyang choice. He's talking to The Great Hope Felicity Alvarez!
Ngumisi siya saka umiling-iling, ngayon lang siguro niya na-gets kung anong nangyayari.
"But I don't let anyone use my things," sabi niya pero nakangisi naman na tila na-aamuse siya.
"And I don't take no for an answer," nakangiti ko ring sagot.
"I am not one of your underlings and I don't care about your surname or family background. You are not the boss of me so excuse me, I still have some important things to finish," mayabang niyang sinabi saka inilahad iyong kamay niya.
"Give me my keys tapos bumaba ka na rin diyan. Baka kapag inagaw ko sa 'yo 'yan at pinababa kita, iba na naman ang isipin mo. Baka akalain mo na namang type kita, mahirap na," dugtong pa niya saka nangaasar na ngumiti. The nerve!
Kahit na naasar ako sa pinagsasabi niya, ngumiti pa rin ako dahil kailangan ko talaga ng motor niya.
"I won't get offended at hindi rin ako maiinis ngayon," pilit na pilit ang ngiting tinuran ko.
'Hope, timpi-timpi lang. Para hindi na hassle pang bumili ng motor na i-coconfiscate lang din naman ni Gramps kalaunan,' pagkausap ko sa sarili ko habang unti-unting pinapatay sa utak ko ang lalaking nasa harapan ko.
"Even if you are, I really don't care," seryosong sabi niya bago ginalaw-galaw iyong kamay niyang inaabangan ang pag-abot ko ng susi sa kaniya.
"Grabe naman. Para namang wala tayong pinagsamahan niyan. Hihiramin ko lang naman. I will give it back in good condition, without a single scratch. I promise!" pangungulit ko pa. The audacity! Kung hindi ko lang talaga kailangan ng motor niya, hinding-hindi ko na gugustuhin pang magkrus ang landas namin.
"Wala naman talaga and I bet you don't even know my name," sabi niya before crossing his arms na parang naghahamon.
Ano nga ba ang pangalan niya? Sinabi niya iyon kanina eh. Tsk, hindi naman kasi siya importante para alamin ko pa iyon. Pero talo ako kapag pinahalata kong totoong hindi ko alam ang pangalan niya kaya I need to act fast!
"I don't need to know your name coz I can just call you baby," panglalandi ko bago ko siya kinindatan.
"I told you, you are not my type. Kahit anong gawin mo, walang epekto kaya 'wag mo nang ipahiya ang sarili mo," iiling-iling na sabi niya.
"Fine. Psh! But at least let me try it." Inirapan ko siya bago ko isinaksak ang susi. Pinaingay ko pa ito saglit bago tanggalin sa pagkakastand nito.
Nakabantay lang siya ng tingin nang umpisahan kong paandarin ito ng mabagal. Nang mailayo ko ito ng bahagya kung saan ito naka-park ay nginisian ko siya.
"If you want your motorcycle back, go with Ria. Mauuna na ako!" Sigaw ko with an evil smile bago ko ito pinaharurot paalis. Wala naman na siyang nagawa kaya lalo akong natawa. Sinilip ko lang siya sa side mirror hanggang sa tuluyan akong nakalayo.
As usual, what Hope wants, Hope gets.
Saglit lang akong bumyahe dahil na rin sa walang masyadong bumabyahe ngayon. Saka kahit naman there is a severe traffic congestion, magaling naman akong lumusot-lusot.
Ipinakita ko lang ang card ko sa bantay, pinapasok na nila ako. Hindi kasi basta-bastang nagpapapasok kung sino-sino rito. Kailangan may card ka, or may ipapakitang invitation from a member. Gano'n sila kahigpit dahil hindi basta-basta ang mga members dito. Kaya lang, bigatin nga sila, mga wala namang binatbat. Walang challenge dahil alam ko naman nang ako pa rin ang tatanghaling kampeon. Tsk, basic.
"Hope!" bati sa akin ni Phoebe. Siya iyong kapatid ni Percival na siyang pasimuno ng racing event na ito.
"Fibs!" ganting bati ko bago yumakap sa kaniya. Mas bata siya sa akin pero ayokong magpatawag ng ate. Nakakatanda.
"Kanina ka pa hinahanap ni Kuya. Iyong mga bossing ata galit na dahil sa delay. Kanina pa kasi dapat naguumpisa iyong event pero hindi tinutuloy dahil isa sa opening match si Ria. Hindi nga namin alam kung bakit kanina pa kayo tinatawagan, hindi kayo macontact. Maglilimang oras na kasing nagaantay ang mga tao," mahabang paliwanag niya pagkatapos niyang kumapit sa braso ko.
Iyong tinutukoy niya na mga bossing, sila ang mga sponsors ng event na ito. Pero kahit na sila ang sponsors, alam kong mas pipiliin pa rin ni Percy na antayin ako dahil walang thrill kung puro mayayabang na mayayaman lang ang kasali sa pakulo niya. Kaya nga kahit na may sinusunod akong sariling schedule, dahil madalas akong late rito, ay hindi niya magawang tanggalin kami sa line up.
"Don't worry, she'll be here any minute now," nakangiting sabi ko bago marahang tinanggal iyong kamay niyang naka kapit sa akin.
"Hanapin ko lang si Percy, baka mas lalong kumulubot ang mukha no'n at sa akin pa isisi ng kumag," natatawang sabi ko bago tapikin ang balikat niya bilang paalam.
"I really like you to be my sister-in-law, Hopie. My brother might be an ass sometimes but he really cares for you more than a friend does," nang-aasar na banat niya na ikinailing ko lang.
Not that I don't like Percy or I am picky, it's just that, I am one hell of a hopeless romantic kind of bitch. Hindi halata pero that's the damn truth at walang kahit na isang nakakaalam nito.
"Hopie, darling! You really get me in trouble every single time, huh? Now, where's that bitch so we can finally start the event," stress na stress na reklamo niya.
"Well I miss you too, Percy," sarkastikong bungad ni Ria na kararating lang.
"Where the fuck is my baby?" gigil na bulong ng lalaking nakasunod kay Ria. Argh! Ano nga ba ang pangalan niya? Tsk, hindi ko talaga maalala.
"I'm right here, baby," nang-aasar kong sagot bago siya nilingon at bahagya ko pang hinimas ang braso niya.
Mabilis pa sa alas kwatro siyang lumayo at binigyan ako ng nagbabagang tingin. Geez! Diring-diri? Bakla yata 'to eh.
Hindi ko na lang siya pinansin dahil hindi naman niya malalaman kung nasaan iyong hinahanap niya. Iniwan ko na siya do'n at pumunta sa area kung nasaan ang mga kasali. This area is off limits for nonparticipants kaya alam kong hindi niya ako masusundan dito kaya wala siyang choice kung hindi ang antayin matapos ang event na ito. Poor him.

BINABASA MO ANG
Behind the Mask
Teen FictionHope Felicity is the only daughter of the famous Dra. Kate and Dr. Matthew Alvarez. She is also the granddaughter of Governor Benjamin Alvarez. Ito ang dahilan kung bakit bata pa lang, wala na siyang privacy. Isa rin ito sa dahilan kung bakit pinip...