Chapter 7

3 0 0
                                    

RIO

"WELCOME to Gloran University and  I'm glad na kayo ang napili para makapag aral dito. Medyo malayo na ang natalakay sa klase pero alam kong masasabayan niyo iyon. As of now, you can go to your assigned room dormitories and rest. Bukas maaari na kayong pumasok."

Lahat kami ay isa isang tinanggap ang mga susi bago lumabas. Tiningnan ko ang mga kasama kong sobra ang hanga sa nakikita nila. Sino ba naman kasi ang hindi hahanga?. Malaki at napakaganda ng eskwelahan na ito. Makikita mo talagang mayayaman lang ang pwedeng makapasok dahil kaya nila bayaran kung magkano man ang gastusin sa paaralang ito.

"Makinig kayo sa akin." panimula ni Lady Shin.

Lahat kami ay nakatutok sa kung anong sasabihin niya. May halong saya at lungkot siyang ngumiti sa harap namin.

"Masaya ako na studyante ko ang nabigyan ng karangalan na makapasok dito. Nakakalungkot nga lang dahil hindi na tayo magkikita sa sunod na pasukan, pero ito ang tatandaan niyo. Wag na wag ninyo kakalimutan ang mga tinuro ko mula sa kilos at asal. Ayokong may masamang mangyayari sa bawat isa inyo rito. Kahit na wala ako rito ay babantayan ko parin kayo. Kung anu man ang matutunan at makuha ninyo dito sa paaralan o sa buong norte ay huwag sana ikabago iyon ng pagkatao ninyo, naiintindihan?."

"Opo, Lady Shin." bigkas naming lahat.

Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwalang isa ako sa nabiyayaan ng ganito. Lahat sa aming baryo ay hindi makapaniwala at higit sa lahat ay naiinggit.

Bawat taon ay may limang estudyante ang mabibigyan ng pagkakataon makapunta sa norte at makapagaral sa Gloran University ng libre. Matagal na itong ginagawa kaya lahat ay pursigido magaral at makakuha ng mataas na marka para lang doon.

Para sa akin ay ayos lang na hindi ako mapili basta't makatapos ako ng pagaaral at magkaroon ng sariling lupang taniman. Lahat naman ng pangarap ay matutupad basta't pursigido ka at masipag.

Nung una ay hindi ko tinggap ito dahil baka may mas kailangan nito kaysa sa akin pero hindi pumayag si Lady Shin dahil kung sino ang napili ay siya ang dapat tumaggap maliban na lang kung tutol ang magulang. Ang kaso lang ay hindi tutol ang pamilya ko bagkos ay sobrang tuwa pa nila kaya wala akong nagawa at sumangayon.

Sinamahan kami at inihatid ni Lady Shin. Nasa kabilang parte lang ng eskwelahan ang mga dorm at napapaligiran ng mga puno kaya mabilis kaming nakarating. Ako ang medyo malayo layo kaya ako ang huli niyang sinamahan.

"Oh, heto na ang tutuluyan mo." turo niya sa pinto.

"Alam kong nag dadalawang isip ka parin hanggang ngayon, Rio. Karapat-dapat lang sa nangunguna kong studyante ang makatanggap nito. Isa ka sa hahanap hanapin ko sa klase, at ang iyong hindi maubusang opinyon o suhestiyon." ngumiti siya sakin saka binuksan ang pinto.

Kahit na may katandaan na ang hitsura nito ay sobrang ganda niya parin. Ako rin naman, mamimiss ko ang pagaaral sa skwelahan namin.

"Bago ako umalis, ngumiti ka rin kahit minsan dahil sayang ang ganda mo kung nakasibangot ka araw-araw at para narin magkaroon ka ng maraming kaibigan."

Ngumiti ako sa biro niya. Kahit kailan ay talagang may ipapabaon siyang kailangan mong gawin dahil tama naman iyon.

Kumaway siya sa akin bago umalis. Yumuko ako bilang paggalang sa kaniyang pag alis.

Nilibot ko ang aking tutuluyan. Unang bubungad ay ang maliit na sala at ang dibisyon ng kusina. Sa kanan naman ay may dalawang pinto at ang isa'y may pangalan ko.

Pumasok ako para narin makapag ayos ng gamit. Nagtaka ako sa maleta at tatlong kahon sa sahig. Ibinaba ko sa kama ang malaki kong bag at umupo.

Una kong binuksan ang tatlong kahon na ang laman ay mga libro at kung anu-ano pang gamit sa eskwela. Sunod kong binuksan ay ang  di kalakihang maleta na ang laman ay tatlong pares ng uniform, dalawang pares ng p.e uniform, isang varsity jacket at isang school hoodie. Namangha ako sa uniform nila dahil ang ganda. Sa amin kasi ay walang ganito puro pantalon at t-shirt.

PerceivedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon