Chapter 8

4 0 0
                                    

RIO

BUMUNGAD ang isang napakalaking gusali sa aking harapan. Karamihan ngayon ay tuwang tuwa o di kaya'y kinakabahan sa hindi malamang dahilan. Gusto ko sanang magtanong kaso nga lang ay wala pa akong makita na katulad kong may pulang manggas dahil lahat ng nakikita ko ay puro asul.

Nagsimula nang tumunog ang bell. Hudyat na para ang lahat ay mag unahan pumasok sa loob. Sumunod narin ako dahil baka mapagalitan pa ako dahil sa pagiging late.

Lalo akong napahanga sa laki at aliwalas dito sa loob. Maraming mga taong magaganda ang kasuotan at may dala-dalang mga papel o kaya mga nakaputing coat na parang doktor.

Lahat ay nagkakagulo sa kung saan kaya mabilis akong pumunta roon para malaman. Nakita ko silang nag sisiksikan sa loob ng otomatikong pinto.

"Doon na lang tayo sa hagdan dumaan. Hindi na tayo aabot kung dito pa tayo sa elevator makikipagsiksikan."

"Tara na!."

Nabawasan ang nandito kaya may pagkakataon na akong makisiksik. Nagaalangan pa ako pero dahil sa may tumulak sakin ay napasama ako sa loob. Napahawak ako sa dingding nang bigla itong gumalaw.

May natatawang tumitingin sa akin dahil sa reaksyon ko. Pinabayaan ko na lang sila at tumingin sa taas dahil nagkulay green ito. Bumukas ang pinto at ang lahat ay nag takbuhan sa isang pinto sa kanan.

Nahuli ako dahil sa pagkakadapa. Kunot noo kong tiningnan ang tumulak nanaman sa akin. Siya yung humila ng kwelyo ko kanina sa cafeteria. Natatawa siyang tumakbo at pumasok sa pintuan.

Napabuntong hininga ako sa ginawa niya. Hindi ako makapaniwala na sa unang araw palang ay may ayaw na agad sakin kahit wala namang akong ginagawa. Higit pa sa lahat ay patalikod itong nananakit. Sa school namin kahit na may ayaw sa akin ay hindi ako nakakaranas ng pisikal na pananakit. Mahalagang bilin kasi sa lahat yun.

Binuksan ko agad ang pinto dahil pangalawang bell na ang narinig ko. Pero sa kasamaang palad ay ayaw bumukas ng pinto. Napalingon ako sa tatlong bagong dating. Sila yung narinig kong gumamit ng hagdanan.

Nagtataka silang nakatingin sa akin at sinubukang buksan ang pinto.

"Bakit ayaw bumukas?."

"Ha? walang pwedeng mag lock niyan."

"Baka si Sir ang nag lock?." tumahimik sila sa sinabi ko.

"Hindi nag lo-lock ng pinto si Sir Ariel kahit na malakas topak niya." sagot sakin ng babaeng maiksi ang buhok.

Sinubukan ko ulit buksan pero ayaw talaga. Kaya wala akong choice kung hindi gawin ang paraan na alam ko. Kinuha ko ang isang hair pin nung babaeng kulot saka pinasok yun sa loob ng doorknob. Nagulat silang tatlo ng biglang bumukas ito at hindi nag atubiling pumasok.

Unang sumalubong sa akin ang maaliwalas na hangin. Napakusot ako ng mata dahil may mga alikabok pang natatangay at masakit yun.

Napadilat ako ng husto ng may maramdamang isang manipis na hanging papunta sa akin. Agad akong umiwas pakanan pero hindi ko naiwasang madaplisan sa pisngi dahil mabilis talaga ito.

Pumalakpak ang lalaking nakatayo sa isang stage.

"Mahusay para sa isang scholar ang makaiwas agad. Gamutin mo muna 'yang sugat mo bago ka pumarito." ipinasok niya ang dalawang kamay sa loob ng pantalon at umupo sa nag iisang upuan sa stage.

Nakita ko naman agad ang malaking paskil na 'MEDICAL AREA' at ginamot ang sugat ko. Sa totoo lang wala naman sakin ito at pwedeng mamaya na lang gamutin. Pero dahil baka mapagalitan ako, sinunod ko na lang.

PerceivedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon