Chapter One
Sinusubukang imulat ng dalaga ang kanyang mga mata dahil ramdam niya ang pagkabigat ng talukap nito. Maski na gusto niyang ipikit ang kanyang mga mata ay pilit niya pa rin itong binuksan dahil bigla na lang siyang nakaramdam ng kakaibang kaba.
Nang makita ng dalaga ang kanyang paligid ay nagtaka ito at mula sa pagkakahiga sa malambot na kama ay umupo ito at palinga-linga na sa kwarto.
"Teka hindi ko naman kwarto 'to ah?" aniya.
At mas lalo pa siyang nagtaka ng makita ang kanyang suot. Sa pagkaka-alala niya ay isang pajama at t-shirt ang kanyang suot pero ngayon ay isang itim na palda na napaka-ikli at isang sando na itim rin. Kaya naman tumayo na ito at lumabas ng kwarto, namangha ito sa paligid, isang napakalaking kwarto na may magandang desenyo, isang sala ito wari niya pero nagtaka uli ito. Tumakbo siya sa isang pintuan at binuksan ito, nakita niya na lang ang kanyang sarili na pinagmamasdan ng mga limang nakaitim na damit na babae, at wari mo'y isa silang anime.
"B-bakit ako nandito?" Nabubulol na tanong ng dalaga.
"Buti't gising ka na Shiki, tamang tama at dito ka dumaretso sa conference room natin" ani ng isang babaeng mahaba ang buhok at kulay brown ang mata.
Hindi niya pinakinggan ang dalaga at sinigawan pa niya ito, "Bakit nga ako nandito?! Ipaliwanag niyo nga sa akin ang lahat!"
"Oh sige pero kumain ka muna, Jia ipaghain mo na siya" ani ng pinuno sa babaeng nagngangalang Jia. Umupo na si Shiki sa isang upuan at pinagmasdan ang apat na babae.
"Sabihin niyo, bakit ako nandito?" mahinahon na tanong nito sa mga babae.
"Sabihin nalang natin na hindi ka na mahal ng magulang mo" ani ng pinuno.
"Ano? Ano bang pinagsasabi mo diyan? Edi kayo rin, hindi kayo mahal ng magulang niyo?At teka nasaan nga pala ako?"
Ngumiti lang sila.
"Nandito ka sa Shin-Bae High" nag-isip isip muna si Shiki hanggang sa mapagtanto nito na,"..kung ganon nandito ako sa impyernong lugar na ito?"
"Tama at kailangan mong pumatay para lang makalabas dito" mga ilang segundong napatanga si Shiki hanggang mag-salita uli ito.
"Bakit ako ipinasok ng magulang ko dito!?"
"Sabi ko nga kanina, hindi ka na mahal ng magulang mo well dahil nakipagpalitan lang naman sila sa may ari ng school na'to" walang katakot takot na ani ng pinuno.
Naguluhan ito, "Anong ibig mong sabihin? Anong nakipagpalitan?"
Ngumiti ang pinuno, "Nalulugi na ang inyong kumpanya kaya bilang kapalit ng pagtulong ng may ari ng school na'to sa inyong kumpanya, ay dapat isa sa pamilya niyo ang mag-aral dito pero sa kamalas malasan ikaw lang ang maaari sa inyo."
"Ano'ng mga pangalan niyo?" mukhang naiintindihan naman ng dalaga kaya hindi na ito nagtanong muli kahit na nagpipigil pa ito ng galit.
"Yung kanina ay si Jia, ang pinaka masipag sa lahat, eto si Hikaru ang parang kidlat kung kumilos, si Hoshi ang pinaka sikat sa ating grupo at si Riko ang pinaka makulit at matalino sa lahat,"
"At ikaw?" sabay turo niya.
"Ako si Megumi ang inatasang mamuno ng ating grupo"
"Wait, okay? What's with the leadership? This is a school of assassins so it means wala na dapat ganyan-ganyan diba?"
"Tama pero," naputol siya sa pagsasalita.
"Nandito na ang pagkain mo" dumating na si Jia at dala-dala ang isang tray na may Ramen, Tempura, kimchi at tea.
BINABASA MO ANG
Shin-Bae High
Action[REVISING] Paano pag-gising mo hindi na ang kwarto mo ang masisilayan mo? Paano kung isang umaga ay magising ka na lang sa isang hindi pamilyar na kwarto? Kwarto ng isang school... Paano pag gising mo nasa Shin-Bae high ka na pala? Paano ka makakaal...