(14)

410 11 0
                                    

Chapter Fourteen - Half Sister

Blood is thicker than water.

Shayna's POV

Pagkatapos kong makuha ang badge ng pagiging elite ko ay agad akong nagtungo sa likod ng gym, doon kami magkikita.

Kung kumilos ako'y parang isang magnanakaw, dahil kapag nakagawa ako ng kahit anong maling galaw, maaaring may mag-suspetsa.

"Kambal!" Napangiti ako ng marinig ko ang kanyang boses. Agad akong nagtungo sa pwesto niya. Yinakap ko ito, siya si Lalaine, hindi ko siya kakambal dahil wala naman akong kakambal ano, siya ang half sister ko pero kambal ang tawagan namin dahil pareho lang ang edad namin.

At kung natatandaan niyo pa, siya ang sadista mula sa section C, siya ang may damit na nakakabit na Tottie.

"May badge ka na?" Magalakgalak na tanong nito, tumango ako bilang sagot.

"Great! Magman-man ka lang sa mga kagrupo mo't ganun rin ako, ah lalo na ang mga Bae" aniya saka ako tinap sa braso. Napatigil kami ng may marinig kaming yapak na papalit sa amin. Agad kaming ngumisi saka umakto na nag-aaway.

Nakita ko kung sino 'yun, si Takeshi ang taong papalapit. Bigla siyang ngumisi kaya kinabahan ako. Pinanlisikan naman ako ng mata ni Lalaine kaya ayun umakto na lang ako.

Di kaya narinig niya? Hindi pwede 'to. Dapat magawa ko na ang kahilingan ni Elk dahil pabor na pabor sa akin 'yon.

Nang makalampas na ito, agad kong binulungan si Lalaine.

"Ikaw munang bahala sa mga Bae, may tatapusin lang ako" ani ko sa kanya at tumango naman ito bilang sagot.

Sinundan ko si Takeshi at nagulat na lang ako ng makitang kasama niya ang bago naming kagrupo na elite. Keita?

Lalaine's POV

Nandito ako ngayon sa bleacher, ngayon kasi sasabak ang pinuno ng The Darks, walang iba kundi si Ji. Ayos na rin para mamanmanan ko kung paano siya makipaglaban.

Ang makakalaban niya ay 'yung isa pang kagrupo ni elk.
Basta, di ko kilala masyado 'yung lalaking 'yon.

Same rule ang ginawa nila, pinauna ni Ji yung kalaban niya at nang makarating na 'yung lalaki sa lamesa ay agad siyang kumuha ng maso. Aww masakit ata 'yon.

Sumugod 'yung lalaki pero naiiwasan naman ni Ji ang mga hataw nito, nang mapagod ang lalaki ay agad na kumilos si Ji at binugbog ng solid ang kawawang lalaki.
Pagkatapos niyang bugbugin ay pumunta ito sa may lamesa at kumuha ng revolver, itinutok niya ito sa ulo ng kalaban niya na nakahiga and ... bull's eye!
Sakto sa gitna ng noo ng lalaki. Ngumisi ako sa nasaksihan ko.
Mukhang mapapalaban nga kami.

Ilang minuto pa ay napatigil ako sa pagtitig sa magkapatid ng biglang sumulpot si Shayna na nagtatatalak.

"Hoy ikaw! Ikaw yung sa section C di ba?! Humanda ka!" Sigaw nito at hinila ako paalis ng bleacher na 'yon.
Nagtungo kami sa labas.

"Bakit ba?" Iritadong tanong ko.

"See this?" At may ipinakita siya sa camera niya na nagpakunot ng noo ko.

"Let us kick him out of my group" napataas ako ng kilay doon at magsasalita na sana ako ng may sumabat sa amin.

"Oh really huh?" Shit.

Third Person's POV

Namangha si Shiki sa napanuod, ganoon pala makipaglaban si Ji. Pasimple pero medyo agresibo.

"Uy" nawala si Shiki sa pag-iisip ng biglang sumulpot si Keita.

"Saan ka galing?" Tanong ni Shiki sa binata, nagkibit balikat lang muna ito saka sumagot.

"Comfort room, nakita ko si Takeshi tapos binalaan niya ako - I mean tayo kay Shayna"
Napakunot noo si Shiki sa narinig.

"Bakit naman daw? Baka sinisiraan ng lokong 'yon si shayna" nagkibit balikat lang ito at isinawalang bahala ang sinabi ni Shiki.

Biglang sulpot rin sina Mamoru at Shayna.
Anong kayang meron sa dalawang ito? Si Mamoru kasi'y nakangisi habang si Shayna - hindi maipinta ang mukha.

Biglang inalapit ni Mamoru ang kanyang mukha kay Shiki at pabulong na sinabing,
"Payong kaibigan at payo ng iyong protector, umiwas - ay hindi, tanggalin niyo na siya, blood is thicker than water Shiki" bakas sa pag-aalala ang boses nito, napatingin naman siya kay Shayna na nakangisi, alam niya na ang ibig sabihin ng binata.

"Hoy Makiguchi! Anong sinasabi mo kay Shiki?" Sabat ni Tadashi.
Sinamaan lang ng tingin ni Shiki si Tadashi.

"Oo nga? Anong sinasabi sa'yo ng ISA sa mga rosas?" Mapang-asar na tanong ni Shayna.

Ngumisi naman si Shiki sa kanya at tinaasan pa ng kilay.

"None of your business" malditang ani Shiki.

Shin-Bae HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon