Chapter Two
Nagising ang dalaga na may kirot sa kanyang katawan, inilibot niya ang paligid at tanging puting ilaw at mga salamin na kung saan ay makikita mo ang sariling mong repleksyon ang nakikita ng dalaga. Tumayo ito mula sa pagkakaupo, nagtaka ito kung bakit wala ang coat niya, tinignan niya ang kanyang sarili sa salamin. Nangilabot ito ng makita ang tattoo ng isang malaking itim na paru-paro sa taas ng kanyang dibdib. Sa pagkakaalala nito sinaksak siya nung lalaki at doon mismo sa may bandang tattoo niya iyon.
Masakit ito at medyo makirot pero tumayo ito at palabas na sana ng mahagip niya ang coat niya na nakasabit, kinuha niya iyon at umalis sa silid na iyon.
Hindi niya alam kung saan siya pupunta pero gayunpaman ay naglakad pa rin ito ng naglakad hanggang sa mapagtanto niyang nasa labas na siya ng gusali, at isa lang masasabi niya sa lugar na iyon, maganda.
"Ang ganda naman ng garden na'yun" ani niya.
Papasok na sana siya sa hardin ng may tumawag sa kanya.
"Shiki"
"Megumi!"
"Ba't ka nandiyan, lumayo ka riyan at may pupuntahan pa tayo" seryosong saad ni Megumi.
"Pero ang ganda dito! Kung sanang dala ko yung camera ko edi sana mapagyayabang ko pa ito sa mga.. classmates ko" napayuko ang dalaga ng mapagtanto niya na hindi na siya kabilang doon.
"Tara na" sabi ni Megumi at nagpati-una na. Sumunod na lang si Shiki.
Umalis na sila doon at nagtungo sila sa Cafeteria ng school. Habang naglalakad sila papunta sa Cafeteria ay nagtanong si Shiki.
"Megumi bakit ayaw mo kong papuntahin dun sa garden kanina?" Inosenteng tanong ni Shiki.
"Delikado ang hardin na 'yon, 'yun ang teritoryo ng top 1 ng SB High, ang pinaka magaling na assassin na si Akaike Ren o mas kilala bilang Sky,kabatch natin siya - senior na rin, anyway once na pumasok ka na doon sa teritoryo niya hindi ka na makakalabas pa ng buhay"
Napabuga sa hangin ang dalaga.
"Kung ganun siya ang pinaka magaling na mamatay tao? Aish. Kabanas, pati ba sa academics siya pa rin?" naiiritang sabi ni Shiki.
"Lahat" sagot naman ni Megumi.
"Hay, kailangan kong maging katulad niya sana maging maayos ang pag-aaral kong pumatay dito"
"Walang maayos dito, lahat magulo ah.. Nandito na tayo" seryosong saad ng pinuno.
Nagtungo sila sa counter at nag-order na si Megumi ng makakain nila, si Shiki ay biglang namutla dahil katabi lang naman niya sa kanan ang kaninang sumaksak sa kanya.
"Megumi..."
"Shiki, oh bakit?" Tinuro niya ang lalaki at napakunot ng noo si Megumi.
BINABASA MO ANG
Shin-Bae High
Action[REVISING] Paano pag-gising mo hindi na ang kwarto mo ang masisilayan mo? Paano kung isang umaga ay magising ka na lang sa isang hindi pamilyar na kwarto? Kwarto ng isang school... Paano pag gising mo nasa Shin-Bae high ka na pala? Paano ka makakaal...