(13)

358 11 0
                                    

Chapter Thirteen - She's unpredictable

No mercy.

Third Person's POV

Hindi muna inalala ng dalaga ang kilig na nararamdaman niya dahil nakuha ng emcee ang kanyang atensyon.

"Wag na nating patagalin 'to, students vs. Students ang laban, ang mananalo ay mapapabilang sa elites. At yung mga elites na, 'pag nanalo sila ay puwede nilang maging alipin ang kung sino man. So let's start, unang kalahok, Shinoyama Shayna ng The darks Vs. Madichi Elk ng Black Hearts. Pumunta na kayo sa gitna" pumunta na sa gitna ang mga kalahok.

Napakaseryoso ng mukha ni Shayna, para bang gustong-gusto niya ng pumatay. Nakatingin siya sa isang lamesa, puno ito ng iba't ibang armas na tatlumpong metro ang layo sa kanila.

"Easy girls, so heto ang rules, 'pag sinabi kong 'go' ibig sabihin ay mag-uumpisa na ang laban. Mag-uunahan kayo doon para makakuha ng armas para mas mapadali ang pag-patay niyo sa kalaban niyo. So girls ehem..." and he cleared his throat.

"Ehem..ehem..ah, eh- GO!"

Walang patumpik tumpik pa ay agad ng tumakbo si Shayna papunta doon sa lamesa ngunit, agad siyang dinambahan ni Elk at ngayon ay nakadapa na sa sahig si Shayna habang si Elk ay nasa ibabaw nito.

"B-itch! Kahit na wala ng sandata ay mapapatay kita!" Ani Elk na ngayon ay sinasakal si Shayna.

Ang mga manunuod naman ay sayang-saya sa nakikita, at kanya-kanya rin silang cheer sa kanilang mga pambato. Si Shiki naman ay nakahawak na sa balikat ni Keita dahil mas gigil pa itong labanan si Elk kaysa sa lumalaban na kagrupong si Shayna.

'Sh-it Shayna, go for it!' Cheer ni Shiki sa kanyang isipan.

BALIK tayo sa labanan, marahas na tumayo si Shayna kaya na patomba si Elk. Agad na sinunggaban ng dalawang suntok ni Shayna sa mukha si Elk. May lumabas naman na dugo sa kanyang ilong at pumutok pa ang kanyang labi.

"Yung totoo? Ako? Mapapatay mo ng ganun ganun lang? Huh!" Dinaganan ni Shayna si Elk saka sinakal, pero hindi nagpatalo si Elk.

Sinipa niya si Shayna kaya ngayon pinababawan siya ng napaka-agresibong si Elk.

"Oo mapapatay kita kaya humand-ackk!" Sinikmuraan na ni Shayna si Elk kaya napatomba ulit ito. Agad ng tumakbo si Shayna papunta sa lamesa na puno ng sandata saka hinanap ang paboritong sandata.

Ang pistol, pistol ang kanyang paborito. Bakit? Dahil pistol ang ginamit sa pagpatay sa kanyang ama, kaya pistol ang paborito niya. Napaka-abnormal ba? Eh ganun talaga.

"Masyado kang madaldal" saka niya itinutok ang kanyang baril na pistol kay Elk.

"Huling kahilingan?" Nakangising tanong ni Shayna. Ngumisi rin ito pabalik saka binaling ang tingin sa mga manunuod - kay Takeshi.

Ngumisi ito sa binata ngunit binigyan lang siya ng kunot-noo nito.

Bumaling na ang kanyang tingin sa dalaga, dalagang nagtutok sa kanya ng baril.

"Patayin mo si Takeshi!" At humahalakhak pa ito, wari mo'y nababaliw na siya.

"Wish will be granted"

Unang putok, sa kaliwang binti ng dalaga. Pangalawang putok sa kaliwang kamay. Pero, ibinaba niya na ang baril saka ngumiti ng pagkatamis tamis kay Elk. Nagtaka si Elk kaya naman lalapit dapat siya kay Shayna ang kaso binalaan na niya ito.

"Lalapit ka? Wag mo ng subukan. Papatayin pa rin kita kaya takbo!" Biglang naalarma si Elk kaya napatakbo ito ng mabalis kahit na may tama ito ng bala ay hindi niya ito ininda, marahil siguro sa adrenaline rush.

Hinayaan lang ni Shayna na tumakbo ang dalaga, malaki ang gym - siguro'y kasing laki ng dalawang foot ball field.

Pero makaraang minuto ikinasa niya na ang kanyang baril saka tumakbo papunta sa tumatakbong si Elk.

"Takbo takbo takbo! Bwahhahaha" mahahambing mo sa isang taong sinaniban ng isang demonyo ang tawa ni Shayna.

"Waah gosh! Ayaw ko pang mamatay!" Sigaw ni Elk.

'Nagkaroon ka na nga ng kahilingan tapos mabubuhay ka pa?' Ani ng dalaga sa isip.

"Wa-agh."

At, nalagutan na ng hininga ang dalaga, tinamaan niya ito sa likod, saktong sa may bandang puso pa.

Hinipan ni Shayna ang dulo ng baril saka pinakawalan ang kanyang malalim na buntong hininga.

"What a wonderful strategy from Shayna-chan. Well anyway let the royalties put the badge, Shayna follow them" binaling na ng emcee ang kanyang atensyon sa susunod na kalahok.

Sa kabilang banda si Shiki'y nag-aalala para kay Shayna, kahit na kakumpetensya niya 'raw' si Shayna ay di naalis sa kanya ang mag-alala.

Pero, nawala ito sa pag-aalala sa dalaga ng marinig ang kanyang pangalan. At heto pa, ang makakalaban niya ay nakangisi sa kanya, para bang alam niya na kaya niya ang dalaga. Imbes na matakot si Shiki ay tumayo na ito sa bleachers at pumunta na sa gitna.

'Muhkang mapapalaban ata ako ng sobra dito ah' nasabi ni Shiki sa kanyang isipan.

"Hey b-itch! Wala pang sampung minuto, tumba ka na!" sigaw ng makakalaban ni Shiki, siya si Takemura Kiki.

"Talaga? Tignan na lang natin" nakangisi pero kinakabahang ani ng dalaga.

Ngunit, pinutol na ng emcee ang matinding tensyon na namamagitan sa kanila ng magsalita ito. "Masyadong hot ang mga kalahok natin ah, nga pala may binagong rules ang mga royalties, ang top one na si Sky ang nagsabi nito, mas maganda raw na doon sa kabila si Kiki-chan, sa bandang dulo habang si Shiki-chan dito kumbaga paunahan silang makapunta sa gitna para makakuha ng sandata. Mas exciting naman talaga kung ganon diba students?" at nag-hiyawan pa ang mga baliw na mga estudyante.

Ang konsepto ng bagong laro na gagawin ay parang mahahambing sa palabas na Hunger games, 'yun bang unahan sila makapunta sa gitna para lang makuha ang inaasam na sandata.

"Ladies, get ready..." ani ng emcee na kung makatingin ay parang sira-ulo.

Napabuga muna si Shiki bago ihanda ang sarili, habang si Kiki naman ay ngingisi ngisi lamang.

"GO!" hudyat ng emcee.

Kumaripas ng takbo ang dalawa papunta sa lamesa na puno ng iba't ibang armas.

'Die you b-itch' sumpa ni Kiki sa isipan.

Dahil mas matangkad si Kiki - napakahaba ng biyas nito ay mas nauna siya kay Shiki papunta doon pero hindi naman masyado kalayuan si Shiki.

Magkatapat na silang dalawa, kapwa nagtititigan. May hawak na si Kiki, at ito'y isang baseball bat lamang.

"Hindi ka mahihirapan dito Shiki" ani Kiki habang pinapalo ng mahina ang kanyang palad.

"Talaga? Subukan mo nga?" Naghahamong aniya.

Ngumisi lamang si Kiki at agad na tinulak si Shiki, napatomba ito.

Sinimulan na ni Kiki na hampasin ng baseball bat ang dalaga.

Feeling ni Shiki ay namamanhid na ang katawan nito pero, naalala niya.

Walang papatunguhan ang pag higa niya sa semento habang ang kalaban niya ay patuloy siyang tinatadtad ng hampas ng baseball bat sa katawan.

Bigla niya itong tinulak, sinipa niya ito. Masyadong imposible pero nagawa niya, agad niyang kinuha ang baseball bat at hinataw ang ulo ni Kiki.

Sunod-sunod niya itong ginawa, hindi niya namalayan na halos mawala na ang mukha ni Kiki dahil sa nagawa niya. Tila ba nag-dilim ng husto ang kanyang paligid ng ginawa niya ito.

Shin-Bae HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon