Chapter Four
After akong hilain ng taong yun sa kung saan ay isinandal niya ako sa isang pader, at ngayon ko lang rin na noticed na si... Si Sky! Wahhh lagot ako nito, di ko na masisilayan ang bukas!
Kaya naman,
"Hey! Cool girl, wag kang hihimatayin" aniya, what? What did he call me? Kaya mula sa pagnenerbyos na pakiramdam ay naging masaya ang aking nararamdaman, wow na flattered ako dun ah, ang isang top 1 assassin ang nagsabi na cool girl daw ako. I cannot bilib it guys.
"B-bakit ba?" Tanong ko.
Hindi siya sumagot, bagkus ay ngumisi pa! Alam kong magaling siyang pumatay pero nakakaloko yung ngiti niya at yung labi niya ang sarap -- no! Tatalunin ko pa pala siya sa pagiging top 1!
Wait... he's smirking!?
Baka may balak siyang, "papatayin mo na ba ako?" Instead answering me, he laughed.
"What? Me? Hindi 'no, ikaw lang kasi ang naglakas loob na makipag-usap sa akin maliban sa mga kagroup ko kaya I found you cool so I'm inviting you in our dorm tomorrow""For what?"
He sighed, "it's my birthday tomorrow, only you and the 5 roses knew it." Napa ah na lang ako, pero nakaka-gay yun roses, eew para sa mga boys like them.
"Bakit naman ako ang inimbita mo e marami pa namang iba diyan?" baka balak niyo lang akong paslangin kaya no-way.
"Because..."
Nakatanga lang ako sa labi niya at hinihintay ang kanyang susunod na sasabihin pero tumalikod na ito.
I shrugged saka tumalikod na rin, pahakbang na sana ako ng naramdaman ko na lang na may yumayakap na pala sa akin. Oh em gee! Bakit niya ako yinakap!? Nabalik sa akin yung una kaming magharap ni Mamoru, baka may patalim din ito!
Hindi ako kumalas sa back hug niya pero nagsalita ako.
"Ba-bakit?""Shiki nasaan ka? Shiki!?" Si Mamoru 'yun ah? Walang kwentang protector, di niya ako nabantayan. Kumalas na si Sky pero linapit muna niya ang kanyang bibig sa tenga ko saka bumulong, "tomorrow 5 pm at my dorm but I'll tour you in my garden in the morning" Garden? Yung sinasabi niya e yung sinabi ni Megumi na napakadelikadong lugar. Pero si Sky na mismo ang nagsabing pumunta ako doon iniimbita ka ng kamatayan bulong na isa ko pang isipan. Magsasalita na ako ng biglang dumating si Mamoru, hindi ito lumapit bagkus ay tinignan niya lang kami ng pagtataka.
Lumayo na sa akin si Sky at naglakad na palayo pero bago siyang tuluyang umalis ay may sinabi pa ito, "Sayonara cool girl" napatanga lang ako sa dinaanan niya.
Naramdaman ko na lang na yinayakap na ako ni Mamoru!
"H-hoy-"
"Akala ko sinaktan ka na niya, nag-alala talaga ako- kami sa'yo" saka na ito kumalas."Tara na" ani nito kaya umalis na kami.
Hinatid na ako ni Mamoru sa dorm ko at umalis na. Sinabi ko lahat ng pinag-usapan namin ni Sky kay Mamoru kanina habang naglalakad kami pabalik, nagtaka nga rin siya e.
Sinabi ko ito kay Mamoru dahil after all he's my protector according to my leader. Well sana nga mapagkakatiwalaan siya.Nang nasa dorm na ako ay wala ng tanong tanong pa si Megumi dahil nareport na ni Mamoru, astigin lang?
†‡†
Kinaumagahan ay nagising ako sa isang haplos sa aking binti kaya napabangon ako.
At bumugad lang naman sa akin si Riko, "Hey girl someone is out there, you better check him out." Nagmadali naman akong nagpunta sa comfort room at naligo, nagpalit na rin ako, anong oras na ba? Maaga pa ah? Hmm. Makapag-ayos na nga.Lumabas na ako ng dorm at nagtaka, wala namang tao- shems!!! Meron pala at kinakalad-kad na ako palayo!
Hinila ko ang kamay ko sa kanya saka siya tinaasan ng kilay.
"Bakit mo ako hinila ha?!""Eh gusto kitang hilain e! Sumunod ka na lang para matapos na'to!" Sabi niya na parang inis na inis sa akin. Kung ganon! Mas inis ako sa kanya.
"Sino ka ba ha?"
"Hah, ako? di mo ako kilala? Tss transferee ka nga pala, well ako lang naman si Akihiko, Aida Akihiko"
"So? Bakit mo naman ako pinapasunod sa'yo? Ano ako Aso?" Sarcastic na wika ko.
"Pinapasundo ka ni Sky" ani naman niya, so eto na nga? Ang aga pa ah, excited? Excited na ata siyang patayin ako. Whoa! Goosebumps!
"Ang aga-"
"Wala siyang pake at ganon na rin ako, ah nga pala bakit hindi mo ako ginagalang!? Alam mo bang pang top 4 ako dito sa SB!" Sigaw nito sa akin habang naglalakad kami sa ewan ko kung saan.
"Oh..now alam ko na, sorry po your highness.. Okay na?"
"Aba't!" Dadapo na sana ang kanyang kamay sa pisngi ko ng may tumawag sa kanya.
"Akihiko"
"Ren-"
"Hey cool girl! Sige Prince alis na kami" saka ako inakbayan ni Sky at naglakad na kami palayo sa nakatangang Akihiko. Bakit ganito 'tong Sky na'to? Weird."A-anong problema mo?" Ani ko dahil hanggang ngayon ay nakaakbay pa rin siya sa akin.
"Wala lang bakit ba?" Sabi niya na nakangisi. Ugh mas creepy pa siya kaysa nung nasa cafeteria kami kahapon.
I shrugged but I was so nervous nang makita ko na yung teritoryo niya.
I stopped from walking and stared to his garden.
"Ngayon ka pa natakot sa teritoryo ko pero sa akin di ka naman natakot" if he knows, natatakot pa rin ako sa kanya 'no, duh he's top 1 here in SB High, it means he's a great killer.
"Of course I'm not" hanggang maaari ayokong mabulol, stuttering is the sign of being afraid of somewhat.
He just shrugged, pagkatungtong namin sa teritoryo niyang napupuno ng nakatanim na mga rosas ay may naramdaman akong kakaiba.I can smell the scent of the flower, dahil nakaakbay siya sa akin ay nakokontrol niya kung saan direksyon kami tutungo.
Kumanan kami at nagulat ako dahil parang maze ito, limang daan ang pagpipilian at tinahak namin ang pangatlong daan.Hindi ko siya tinitignan, sa halip ay ang daanan lang hanggang sa huminto siya kaya napahinto ako.
Hinarap niya ako at ako naman etong hindi makagalaw, parang robot na sunod ng sunod lang.
"You remind me of someone" and those words made me uneasy.
BINABASA MO ANG
Shin-Bae High
Action[REVISING] Paano pag-gising mo hindi na ang kwarto mo ang masisilayan mo? Paano kung isang umaga ay magising ka na lang sa isang hindi pamilyar na kwarto? Kwarto ng isang school... Paano pag gising mo nasa Shin-Bae high ka na pala? Paano ka makakaal...