(11)

394 15 15
                                    

Chapter Eleven - Mysterious mask man



Who are thou? In a white cracked mask? Are thou a mysterious guy from my dreams?

Shiki's POV

After umalis ng dalawa ay hinila ko si Mamoru at naglakad na papunta sa kabilang kwarto.

Bumungad sa akin ang nakahigang si Shayna na may kalmot sa mukha.

"What happened?" Panimula ko.

"Ay Shiki may nangalmot dito kay Shayna, yung section C na sadistang babae." Sabi ni In na.

"Oh really?"

"Oo nga! Hindi ko alam ang pangalan pero may nakasulat sa shirt niya, Tottie"

Ngumisi ako, "pag nakita ko yung Miss Tottie na 'yon, tch humanda siya."

"Yiii you care for me talaga eonnie" Shayna at gumiggled pa.

Pero napataas kilay ko.

I'm not doing that for her!

"Huh hindi ko gagawin 'yon para sa'yo, gagawin ko yun dahil crush ko si Ji, ikaw lang dapat ang kakupetensya k-" naputol ako dahil bigla silang tumawa.

"What's funny?!"I asked with full of curiosity.

Umiling lang sila bilang sagot, nakakatanga! Kanina pa 'yan, kanina sina Mamoru at Kenji, and now this three! At sumali pa nga si Mamoru!

But..

"Where's Ji?"

"Ay nagkasalisi kayo 'te hahaha" tapos narinig ko pa silang nagbulungan. Tss li'l stupid.

Inirapan ko na sila at umalis na ng clinic. Mula sa kinatatayuan ko may nakita akong napakagandang babae, tapos may isang lalaking nakatalikod, magkatapat sila nung babae. Likod pa lang alam ko na, si Ren. At, ang mas pumukaw pa sa'king atensyon ay ang pamilyar na pigura na nakatitig sa dalawa, si Ji. Blank face, cold, yan ang madedescribe ko sa mukha ni Ji, yung dalawa parang hindi nakikita si Ji. Hmm. Lumapit ako ng konti at nagtatago. Sorry may lahi rin ata kong pagkachismosa.

"...nang dahil sa'yo Sakura parang ayaw ko ng gamitin ang sarili kong pangalan! Ryu... sa tuwing tinatawag ako ng ganyan naalala kita, at ang ginawa mo sa akin! Kaya.. wala ng Ryu, Sky oo"

"Pero Ryu- Sky dinig ko sa ibang estudyante na Ren ang tawag nila sa'yo"

"Huh, Ren? Alam mo ba kung sinong nagpalayaw sa akin ng Ren huh? Yun ang first love ko! Yung minahal ko talaga, ikaw... haha pinaglaruan lang kita gaya ng paglaro mo sa akin, so leave this fucking school kung gusto mo pang mabuhay!"

May minahal pala 'tong gunggong na'to, di halata ah.

Nakita kong naglakad na ng husto si Ji, at nakalapit na sa dalawa. Pumalakpak ito ng mabagal,

"What a dramatic play" habang blangko pa rin ang mukha niya.

"Oh.. congrats bitch nandito na pala ang knight in shining black shoes mo"

"Don't call her bitch you bastard!!!" Oh em gee sasaksakin na ni Ji si Ren!!!

"Ah-hmp!" Pasigaw na ako ng may magtakip sa bibig ko. Tinignan ko kung sino 'yon.

Ang kaso, naka-maskara siya pero ang one-forth nito ay makikita mo ang mata niya, mukha niya. Nagtama ang mata namin, may kakaiba sa mata niya, kitang-kita mo ang pagkalungkot nito.

Dahan-dahang inalis niya ang kamay niya na nakatakip sa bibig ko. Gusto kong magtanong, ang kaso.. para akong nahipnotismo nito at tila ba naparalisa ako. At ang sunod na pangyayari ay ang tuluyang pagkaralisa ng katawan ko.

Itinaas niya ng konti ang kanyang maskara saka,.. naramdaman ko na lang ang paggalaw ng labi niya sa akin. Gusto ko siyang itulak pero wala, wala akong lakas.

Napabuka na lang rin ako ng labi at hinayaan siyang libutin ng kanyang dila ang dila ko. Napapikit na lang ako.

"Wahhh appa! Appa, nasaan ka? Appa?"

"Appa? Appa!H-hindi ako makahinga..."

Naitulak ko siya bigla, heto na naman sinusumpong na naman ako nun.

At dahil sa pagtulak ko sa kanya ay nahulog ang maskara niya pero di ko nakita ang mukha niya dahil naagapan niyang tumalikod at tumakbo paalis. At may nahulog siya, isang kwintas.

Kwintas na may letra, S at K?

Sino naman kaya 'yon, at ang swerte niya dahil nahalikan niya ako!!!

"Shiki?!" At ayon,nabisto ako!

"R-ren? Ah.. Ji? Ehehe-" kamot sa kaliwa, kamot kanan. Wah kuto! Kidding.

"Anong ginagawa mo dito?" Pagtatanong ni Ji.

"A-ah, gusto ko sana bumalik sa gym, titign-"

"Could you please shut up! Tapos na kanina pa 'yon! Masyado kang nakatulog eh, makaalis na nga!" And there he left, tss.

"Ryu-" tawag-takbo ng babae.

"Shut the fuck up!" At tumakbo na paalis si Ren, edi wow siya na ang habulin.

O-oh.

"Tara na Shiki, pagabi na rin" ani ni Ji. Medyo ngumiti ito pero agad binawi ng busangot at nagpati-una na.

At naglakad na rin ako pero kakaunting lakad pa lang ay may nakita akong nakasilip malapit sa labasan ng hallway. Yung nakamaskara!

"Hoy!" Sigaw ko kaya naman agad siyang naglaho.

"What's the problem Shiki?" Tanong ni Ji. Umiling lang ako.

"W-wala" at nag-umpisa na akong maglakad.

"Nakita ko..." aniya. Huh?

"Ano? Anong nakita mo?" Pagtatanong ko sa kanya.

Ngumisi lang ito at umiling, "wala.." saka niya ako inakbyan.

Biglang nag-init ang mukha ko.

At pasimple kong tinanggal ang pagkakaakbay nito.



A/n: Sorry ganyan lang ang UD ko :3 Unedited.

Shin-Bae HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon