Ashley POV
Ang ingay ng paligid
May mga taong wild na nagwawala sa dance floor
Ang lakas ng tugtog
May mga tao din sa isang sulok na naghahalikan
At oo tama kayo ng naiisip.
Nasa bar kami ngayon
Dito daw kasi gusto makipagkita nung tutor na yan. :3
Andito kami sa may counter ngayon nakaupo
"2 mojito please." tiffany said
"Okay miss coming up!" *wink* sagot nung bartender pero inirapan lang sya ni tiffany
Infairness ang gwapo naman nitong bartender.
Hindi din naman katagalan at inabot naman na din samin nung bartender ung mojito namin
Tumingin naman ako sa dance floor
Hindi ko akalain na magiging ganto ko
Yung simpleng ako simula nung pinanganak ako nabago lahat yun sa isang iglap lang. At dahil sa isang tao lang kaya ko nakapagbago.
Dati nung nakapagdesisyon akong magbago sa pagiging ganto mas tumaas ung self confidence ko.
Hindi na ko katulad dati na echapwera lang sa paningin ng mga lalaki
Ang daming lalaki na din na hinabol ako
Ang daming nagbago.
Ang laki ng pinagbago ko.
Miski mismong sarili ko hindi ko na din makilala dahil sa pagbabago ko.
Naging heartless ako pagdating sa pag-ibig
Pero ito ung ginusto ko. Kasi ito ung mas makakabuti sakin.
Tama naman sila e. Tumatanda nako. Kaya kailangan ko ng mabuhay sa henerasyon na meron ngayon.
Kelangan kong makipagsabayan sa mapusok at mapaglaro sa larangan ng pag-ibig
At kailangan kong subukan ung alok sakin ng pinsan ko.
Hindi ko naman siguro ikamamatay to pag sinubukan ko db?
Humarap naman na ulit ako sa counter at tumingin sa wrist watch ko
"Tiffany darating pa ba yun? 30 mins. na syang late." Pag aangal ko
"Just wait ash. Wag ka ngang excited." At nilagok ung mojito nya
Grabe 'tong babaeng to. Ako nga kalahati palang naiinom ko sa isang baso palang, pero sya nakakatatlo na.
Ang lakas talaga uminom :3
Humarap naman ako ulit sa dance floor
Hangga't sa may nahagip akong isang lalaki mula dun sa tinitignan ko.
Isang hayop di pala hayop. Isa syang demonyo! Demonyo na dapat nilalapastangan at inaalis na sa mundong ito.
Biglang bumalik lahat. Lahat lahat ng ginawa nya sakin!
Masakit! Sobrang sakit pa din!
Tatlong taon na ang nakalipas pero sobrang sakit padin pala!
Humarap ako sa counter at tinungga ang iniinom kong mojito
Humingi pa ko ng limang baso pa ng mojito.
"Ash anong problema?" Hindi ko sya pinansin at tuloy tuloy lang ako sa pag inom.
BINABASA MO ANG
Sex Tutorial (SLOW UPDATE)
RomanceIto po ay isang super duper SPG. Patnubay ng magulang ang kailangan dito. Be open-minded. Kasi kung green-minded ka mababastusan ka lang sa mga ia-updated ko. :)