Chapter 22

28.6K 342 36
                                    

Kirby's POV

Nakahanda na ang lahat.

Ang pagkain. Design ng Welcome Party para sa dalawa kong ate.

Gabi na din ng dumating na sila.

Laking gulat ko ng makita ko si Claire na nasa likuran nila.

Wait. Anong ginagawa niya dito?

Halata sa muka niya na nagulat din siyang makita ako.

Teka may sikreto bang tinago tong kambal na to sakin?

Impossible namang nakita lang nila sa daan yan si Claire?

At kasama din si Tif?

Lumapit sakin si Ate Kath at tinapik ako

"Bro! Long time no see huh? Did you missed us?" nakangising tanong niya sakin

"Bakit nyo kasama si Claire?" Seryosong tanong ko sakanya

"Relax kapatid. It's a looong loong story. Bakit 'di ka muna mag enjoy sa party ngayon bago mo kami tanungin about sakanya" sabay nguso kung saan naroon si Clara.

Nakatitig lang ako sakanya ako.

Napakaganda niya talaga.

Alam kong na awkward-an sya kasi hindi siya makatingin sakin ng deretso.

Dahil ba to sa last na pagkikita namin?

Lumapit sakanya ang ibang tropa at kinausap siya na parang hindi nila kilala si Claire.

Ramdam ko din na lahat sila nagulat dahil bitbit nitong kambal na to ang dalawang mag pinsan.

After the party kelangan kong malaman bakit kasama ng kambal to ung dalawa.

Ibig sabihin ba habang nasa States sila kilala at nakakasama na nila si Clara?

Bakit di nila sinabi sakin?

Ano bang plano talaga nila?

Ash POV

Alam kong parehas kami nagulat ni Kirby dahil nakita namin ang isat isa dito sa pa house party nila Ate Keith

Pero bakit nga ba sya nandito?

Bakit kilala sila ni Ate Kath?

Kaibigan din ba nila si Kirby?

Isa isang lumapit ung mga iba pang tao dito

Nagpakilala sila at nakikipagkwentuhan samin

Pero occupied ung utak ko dahil kapag napapatingin ako kay Kirbs nakatitig lang siya sakin.

"Hey, what's your name?" Tanong nung lalaking mukang ang daming pinaiyak na babae. Mukang babaero talaga.

"I'm ashley. You can call me ash." Sagot ko nagulat naman ako at bigla nya kong inakap at bineso

"Welcome back ash. Namiss ka namin." mas naguluhan ako sa sagot niya.

"Ha?" pinakawalan na nya ko sa pagkakaakap niya

"I mean welcome ash. Nice to meet you. I'm drake. And this is migs" sabay turo sa katabi niya sa kanan. Tumango lang naman sakin ung pinakilala niyang migs.

"So by the way clara" sabat naman ni Ate Kath sa usapan

"Ate Kath it's ash. Don't call me clara." sagot ko

"Whatever. For me mas maganda yung name na clara. Right Kirby?" nagulat naman si kirbs sa tanong ni Ate Kath sakanya.

"Ha? A-ah O-oo sinaunang pangalan. Simple pero maganda." Sagot ni kirbs

Napansin ko naman na nakatingin silang lahat saming dalawa lang ni Kirbs

Naguguluhan ako. May nararamdaman akong kakaiba. At heto na naman ako sumasakit na naman ulo ko.

Sino ba talaga sila?

______________

Happy 426K readers mga mahal ko!♥️
Sobrang natutuwa ako na dumadami na kayo.
Sisikapin kong matapos 'tong story na 'to. Binigyan nyo ko ng inspiration para matapos to.
Enjoy reading!!♥️

♥️♥️♥️

Vote|Comment|Share

Sex Tutorial (SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon