Chapter 27

22.9K 201 8
                                    

Kirby POV

Masayang masaya ako ngayon kasi nakalabas na sa hospital si Claire.

Halos apat na araw na rin nung nakalabas siya at okay na ang lagay niya.

Sabi ng Doctor niya eh iwasan muna ang mga bagay na makakapag stress sakanya.

Grabe talaga yung pag aalala ko sakanya nung makita ko siyang nakahiga sa sahig at walang malay.

Bigla namang nag flasback sakin lahat simula kung papaano ko siya unang nakita at nakilala.

*FLASHBACKS*

"Kirby kailangan ako ng Dad mo sa pilipinas. We need to go back there." Seryosong sabi ni Mom sakin.

"Bakit kelangan pati ako kasama Mom? Eh ikaw lang naman yung need ni Dad para sa company." Pakikipagtalo ko sakanya.

We're here sa UAE dual citizenship kami.

Hindi naman ako dito pinanganak.

Napunta kami dito 8 yrs old ako and 13 yrs old naman yung ate kong kambal.

Nag migrate kami dito dahil nag expand yung business ni Dad. Naging partnership sila ng kapatid niya at naisipang mag start ng business dito sa UAE.

Umuuwi naman kami ng pinas pag summer vacation na namin kasi andun naman yung mga grandparents namin.

10 years na rin kaming andito.

Tapos etong si Mom bigla biglang magsasabi na sa pinas na ko mag college dun na daw ako mag enroll at babalik na ulit kami for good.

Masaya na yung life ko dito. So pag bumalik ulit kami ng pinas mag aadjust na naman ako sa environment na meron dun?

"Sa ayaw mo man o gusto mo wala kang choice Kirby. I'm your mother. Ako pa din masusunod. Kami ng Dad mo. Tsaka na enroll na din kita online sa Montessori East University." seryosong sagot ni Mom.

So wala pa din akong nagawa kundi sundin ang gusto nila. No choice nga ako. -___-

Nag start na ang school year.

Syempre yung iba may mga friends na yung iba namang mga students mag isa lang.

Pero dahil sa may pinsan ako si Jake may kakilala ako dito sa school.

Same course and class din kami.

Pagkapasok namin ng first class namin and may introduce yourself na nagaganap sa harap ako di naman ako interesado sakanila.

Hanggat sa may isang babae na mukang nerd mahaba ang buhok at naka braces ang nasa harapan na nagpapakilala.

"Hi everyone. I'm Ashley Claire Sanchez Frei. My hobbies are listening music, travels, watching and reading romcom stories."

Ang cute niya the way siya mag talk and kumilos ang hinhin niya.

Para siyang si Maria Clara. Mga sinaunang babae.

*END OF FLASHBACKS*

"Bro ano ngingiti ngiti mo dyan?" biglang sulpot ni Ate Kath

Ano na naman bang ginagawa neto dito sa kwarto ko -______-

"Di ba uso kumatok sayo?" masungit kong sabi sakanya

"Hoy fyi, kanina pa ko katok ng katok walang nagreresponse so binuksan ko na ung door at nag woworry ako sayo baka ano na nangyari sayo. Tapos makikita ko para kang baliw dyan na nakangiti." nakangisi niyang sagot

Ang daldal talaga netong kapatid ko -____-

Minsan iniisip ko kung sila ba talaga unang pinanganak ni Ate Keith o ako. Mas matured pa ko sakanilang dalawa -_-

"Oo na. Dami mo agad sinabi. Bakit ano ba kelangan mo ate?" tanong ko sakanya

"Wala lang naman. Iinform lang sana kita na pupunta kami mamaya ni Keith sa bahay ng mag pinsan. Wanna come with us?" pag aaya niya

"Anong gagawin nyo dun? Tsaka di naman ako ininvite ni Claire." sagot ko sakanya

"Alam mo kapatid ang arte mo. Ikaw na nga tong sinasama eh. Bahala ka kung ayaw mo di wag. Sabi pa naman ni Clara na ayain ka daw namin. Eh mukang ayaw mo naman kaya bahala ka alis nako" akmang aalis na siya ng kwarto ko ng bigla ko siyang hinila

"Wait ate sinabi ni Claire yun? Talaga?" Di makapaniwalang tanong ko

"Ulet ulet? Oo nga diba sinabe ko na nga diba?" Sungit naman neto -_-

"Sige sasama ako. Ano oras tayo aalis?" tanong ko

"7pm kelangan naka ready kana." sagot niya at tuluyan ng lumabas ng kwarto

Tumingin ako sa orasan. 4pm na pala may 3 hours pa ko para mag ready.

Excited na kong makita ulit si Claire.<3



To be continued...

Sex Tutorial (SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon