Chapter 37

14K 187 30
                                    

Ash POV

Nandito ako ngayon sa isang photoshoot kung saan kinuha akong ambassadress.

Ang bilis lumipas ng buwan.

Halos 9mons na rin pala kami dito sa NY. At kabuwanan na nga ni Tiffany.

Inaayusan ako dito sa dressing room at malapit na rin mag start yung shoot.

"Madam ang ganda ganda mo talaga. Hindi talaga ko nahihirapan ayusan ka." Sabi ni Jean habang nilalagyan nalang ako ng lipstick.

Si Jean na yung naging make up artist ko dito. Filipina din kasi siya nagkakilala kami sa mall nung bumili ako sa isang branded ng cosmetics. Matagal na rin siyang nagwowork dito sa NY. Kaya pag may shoot ako tinatawagan ko siya. Dagdag raket rin daw niya kasi 'to.

"Nako ikaw talaga! Hayaan mo marami akong shoot this month mapapadalas raket mo sakin." sagot ko sakanya.

"Talaga Madam!? Thank you talaga po. Sobrang laking tulong talaga ng pagkuha mo sakin mas malaki na napapadala ko sa pamilya ko." masayang sabi niya

Natutuwa talaga ako sakanya. Sobrang sipag niya at machika siya. Nagtataka na nga ibang mga staff dito kasi kami lang nagtatagalog dito habang nag uusap.

"Hi Ashley. How are you?" biglang dumating naman si Janel.

Lumapit siya sakin at nakipag beso.

Siya yung may ari ng JDC Trendsetter.

Nagkakilala kami sa mall nung pumasok ako sa botique niya. Tapos she offered me if I want to be a model daw. Eh sayang naman wala naman akong gagawin dito extra income din yun dagdag sa savings ko XD

"Hello Janel. I'm fine. How about you? Hows the business trip?" nakangiting sabi ko sakanya

"Super fun. I enjoyed my Hawaii trip. The beach and especially the night life there. There's a lot of hot and handsome guys. Next time come with me you will enjoy it. Promise!!!" excited na kwento niya

Ganyan talaga siya marami siyang kwento lalo na kapag nagbabakasyon tapos nagkikita kami sa set.

Mahilig kasi siya mag travel. Sa pagtratravel kasi rin niyang yun pinaka business trip na rin niya at may mga minemeet siyang client.

"Oh really? I am happy that you enjoyed your business vacation trip. Don't worry if I'm not busy I will come with you on your next trip." sagot ko sakanya at natuwa naman siya

Nag chikahan pa kami hangga't sa maayos na yung set.

Nasa kalagitnaan na kami ng shoot bigla namang sumenyas sakin si Jean at hawak yung phone ko.

Si Jean kasi humahawak ng phone ko and important things pag nag start na ang shoot. Sabi ko sakanya pag sila Mom, Auntie or si Tiffany ang tatawag senyasan niya ko.

"Excuse me. Can I answer my phone call first?" pagpaalam ko

"Okay 15 mins break." sabi naman ni Luke yung photographer.

Sinagot ko ang tawag ni Mom.

"Hello Mom?" bati ko sakanya

[Anak si Tiffany manganganak na. We're going to the hospital right now. Sumunod ka nalang doon. Bilisan mo at hinahanap ka ng pinsan mo. Mag iingat ka ha?] Mom said. Magsasalita pa sana ako kaso binaba naman agad niya.

Nagbasa pa ko ng messages ko and ang dami ngang text ni Cous.

Magandang Buntis❤

CLARA WHERE ARE YOU? MANGANGANAK NA ATA AKO.

COUS I NEED YOU SUNOD KA NALANG SA HOSPITAL.

PAPUNTA NA KAMI SA HOSPITAL. GUSTO KO ANDUN KA PAG MANGANGANAK AKO HINDI KO ILALABAS YUNG BATA KAPAG WALA KA.

INGAT COUS LOVE U!!!

Tignan mo 'tong babaeng 'to loka loka talaga.

Pero omg manganganak na si Tiff. I need to go. Kailangan kong makausap si Janel para makapagpaalam na sakanya.

Nakakadalawang set naman na ko.

"Janel I'm sorry but I need to go. I have emergency right now." sabi ko at natataranta na rin ako.

"Oh why? You okay?" nag aalalang tanong niya.

"Yes. But Tiffany is not. She is about to give birth to her baby now. I really need to go." sagot ko sakanya and pati rin sya nagulat

"Omg!!! Okay okay you go. I'm so happy for her." Janel said.

Nag beso na kami at nagmamadali na ko lumabas ng studio.

"Be careful Ashley!" rinig ko pang sigaw ni Janel.

Mabilis akong pumasok sa kotse ko at di nako nakapagbihis.

Inistart ko na yung kotse at kumaripas na ng alis.

Medyo malayo rin ang hospital dito kaya kailangan kong bilisan.

Sa sobrang bilis ng pagpapatakbo ko hindi ko namalayan ang intersection lane.

May palabas na kotse mabilis din ang patakbo niya.

Tinapakan ko ang brake kaso ayaw gumana.

Oh my god!! Nagpapanic na ko. Magkakabunggo kami. Anong gagawin ko?

Umiwas ako sa kotseng makakasalubong ko at sa poste bumangga.

Sa sobrang lakas ng pagkakasalpok ko hindi ko na alam.

Nanghihina na ko at ramdam kong punong puno ng dugo ang muka ko.

Sira rin yung salamin ng kotse ko.

Bakit ngayon pa nangyari 'to kung kailan kailangan ako ng pinsan ko.

Nararamdaman ko na yung sakit hindi ko kaya kumilos. Narinig kong may mga rescue na rin na dumating.

Hangga't sa tuluyang nawalan na ko ng malay.

To be continued...

--------------
A/N: OMG!!! HAPPY 1M READERS!!! HINDI AKO MAKAPANIWALA NA AABOT NA NG 1M 'TO HUHUHU. SOBRANG TEARS OF JOY TALAGA T.T THANK YOU SA MGA NAGBABASA AT SA MGA BAGONG READERS!! MALAPIT KO NA SIYANG MATAPOS 15 CHAPTERS NALANG MAG EEND NA YUNG STORY. SANA WAG KAYONG MAGSAWANG SUPORTAHAN YUBG STORY KO. THANK YOU GUYS LOVE YOU ALL!!!<3

Sex Tutorial (SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon