Chapter 47

10.2K 132 31
                                    

Ash POV

Lumipas ang isang buwan.

Walang araw na hindi ako pinupuntahan ni By.

Kapag may business trip naman sila lagi siyang nag vivideocall sakin.

Minsan pa hatid sundo niya ako kapag may schedule ako ng photoshoot sa manila.

Bumili rin siya ng condo na dito sa tagaytay para kapag late na kami nakakauwi hindi na siya byabyahe ng manila.

"Ang blooming natin ngayon ha? Iba talaga pag inlove!" pangangantsaw ni cous sakin habang bitbit ung popcorn.

Nandito kami sa sala ngayon nagkayayaan kasi kami mag movie marathon.

Sobrang dalang ko na rin kasi mapirme sa bahay dahil sa mga endorsment na pinupuntahan ko tsaka busy din ako sa café shop ko dahil nagtayo ako ng 2nd branch ko dito sa tagaytay.

Minsan nga nagtatampo na sakin si Nia kasi palagi nalang daw ako umaalis.

"Baliw ka talaga. Matagal na kong blooming noh!" sagot ko sakanya.

Natawa naman kami parehas.

"Mimi I want belle." pagsalita naman ni Nia.

Nasa gitna kasi namin siya and usual na pinanunuod talaga naming tatlo is mga Disney Princess.

"Okay we will watch Beauty and The Beast." ngiting sabi ko

Ang saya saya tignan ni Nia nang i-play ko na yung movie with matching palakpak pa siya.

Kinalibat ko naman si Tiffany at napatingin naman siya sakin.

"What?" tanong niya.

"Kamusta na yung mag ama?" tanong ko sakanya.

Napakilala na kasi si Nia kay Drake.

Every sunday nga pinupuntahan ni Drake sila dito at nilalabas si Nia.

Punong puno nadin ng mga toys yung playroom ni Nia pati yung closet niya ng mga damit kasi kada labas nila kung anong gusto ni Nia binibili agad niya.

Kulang na nga lang na bilhan na niya pati kotse si Nia kapag nag request yung bata. -___-

"Okay naman sila. Nakikita kong masaya si Nia cous kapag magkakasami kaming tatlo." ngiting sagot niya.

"Eh kayo kamusta?" tanong ko ulit

Super busy ko kasi talaga kaya ngayon nalang kami nakakapagchikahan ng ganto.

"Okay naman din. Sinabi ko sakanya na bumawi nalang siya at magpakatatay para sa anak namin. Kahit wag na yung samin." sagot niya.

"Wala na ba talagang chance maging kayo ulit?" pag uusisa ko.

"Hindi ko alam. Masyadong kumplikado pa ang lahat. Next next month ikakasal na sila ni Nika." malungkot na sabi niya.

"Kaya pa yan! Hindi pa naman sila kasal. Yung iba nga diyan kasal na naagaw pa." pagbibiro ko saknya.

"Gago ka talaga hahaha." sabi niya at binato ako ng unan.

"Eh kayo kamusta na? Mag jowa na ba kayo?" siya naman ang nag tanong.

Napabuntong hininga naman ako.

"Hindi pa." sagot ko sakanya.

"Bakit? Ano pa inaantay nyo? Maging pink ang mga uwak?" pataray niyang sabi.

"Eh kasi naman cous. Hindi naman niya ko tinanong pa ulit." nakanguso kong sagot.

"Hala siya. Ang arte niyo. Nagdedate na nga kayo. Magkasama kayo araw-araw. Kulang na nga lang dalhin ni Kirby nga damit niya at dito na tumira eh." sabi niya.

"Ehh syempre iba naman kapag tinanong niya ako. Ayoko naman siyang pangunahan." sagot ko sakanya.

"Whatever. Kung ako sainyo wag niyo ng patagalin yan. Duh ilang taon na ang nasayang noh. Hay nako bahala na nga kayo malaki na kayo."  sabi niya at bumalik na ulit siya sa panunuod.

Tama nga naman siya eh kaso sa hindi pa naman nga nagtatanong ulit si Kirby anong gagawin ko?? >-<

Nanuod nalang kami hanggang sa natapos na yung movie.

Nang matapos na ang pinanunuod namin sakto rin ang pag tawag ni By sakin sa messenger.

Sinagot ko naman at bumungad ang kagwapuhan niya.

"I miss you, My Claire!" salita niya at naka pout pa siya.

Napangiti naman ako at apaka cute niya kasing tignan.

"I miss you more. Ano ka ba 3 days pa lang tayong hindi nagkikita hahaha." sagot ko sakanya.

"Kahit na ang tagal na ng 3 days na yun feeling ko taon na lumipas." sabi niya.

"Ang exagg ng taon By ha! Hahaha." sagot ko.

"Kamusta naman ang business trip niyo diyan? Kelan ang balik niyo dito?" tanong ko sakanya.

"So far maayos naman hindi pa naman kami nagkakaproblema. Mamaya may meeting ulit kami sa isang investor para ipakita yung location ng tatayuan na bar dito sa Korea then after that contract signing nalang. Sa saturday flight namin pauwi. Gustong gusto ko na nga matapos 'to para makabalik na kami diyan at makasama na ulit kita." sagot niya sakin.

Ang busy talaga masyado ni By. Mas naging successful kasi ang business nila na bar. Ang alam ko meron na silang 4 branches ng bar sa labas ng bansa. UAE, Japan, NY tapos ito ngayon sa Korea.

Ang galing nga kasi nag simula lang sila sa maliit na bar ni Migs before dito sa Makati hangga't sa naging magbusiness partners na silang tatlo nakapg open na din sila sa BGC.

"Maganda naman kung ganon. Malapit na rin naman mag saturday makakauwi na ulit kayo." sabi ko.

2 days nalang naman aantayin at makakabalik na sila. Magkakasama na ulit kami~ ^___^

"How about you? Kamusta yung House of Café Blogger branch mo diyan sa tagaytay?" tanong niya.

"Mamaya may meeting ako sa mga suppliers and applicants. Malapit na rin naman siyang matapos kulang nalang talaga ng mga furniture." sagot ko sakanya at nakita ko namang tumango tango siya.

"Sounds good. So bale susunduin kita diyan sa Saturday pagkarating namin ha?" sabi niya.

"Pero pagod ka pa non. We can meet naman the next day." sagot ko.

Masyado siyang pagod sa flight non tapos biyabiyahe pa siya ng ilang hrs para umakyat dito sa tagaytay.

"No it's okay. Ikaw naman yung pahinga ko pag napapagod na ko." banat pa niya.

Hindi ko mapigilang hindi kiligin. >//<

"Masyado mo na naman akong pinapakilig. Sige na mag trabaho ka na muna diyan hahaha." sabi ko sakanya.

"Okay will call you kapag may free time na ulit ako. Take care okay? I love you Claire." sabi niya.

Napangiti ulit ako.

Inend na din namin yung call kasi may pupuntahan pa sila.

After ng call pumunta ako sa room ko.

Nag organize muna ko ng mga need kong dalhin mamaya. Mga notes na dapat ko pang bilhin at i-order na furniture para sa shop.

Pagtapos ko gawin lahat ng yon nakaramdam ako ng antok.

Makaidlip nga muna para may energy ako mamaya sa mga agenda na kailangan ko gawin today.

To be continued...

Sex Tutorial (SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon