Chapter 43

9.3K 105 3
                                    

Ash POV

Habang naglalakad ako
Ang ganda ng kapaligiran.

May mga bulaklak sa kaliwa't kanan ko. May mga fairy lights kung saan mas lalong nakadagdag ng ganda ng kapaligiran.

May naaninag akong tao sa pinakadulo ng lalakaran ko pero hindi ko makita kung sino.

*poke*

Bigla akong nagising.

"Morning mimi~" sabi ng batang apaka ganda habang kinukusot kusot pa ang kaliwang mata niya.

"Morning baby angel ko. Kiss mimi." umakto naman akong nakanguso para makiss niya.

"Eww. Tootbrush first Mimi." sabay harang ng palad niya sa nakanguso kong labi.

Natawa naman ako bigla.

Inakap ko naman siya at sumiksik naman siya sa leeg ko.

Simula dumating si Nia sa buhay namin ni Cous palagi kaming magkakatabi sa kama pag matutulog.

"Mimi where's Mommy po?" tanong niya.

Nagising kaming dalawa na wala na sa tabi namin si Tiffany.

Baka nasa kusina na siya. Pero infairness ang aga niya magising.

*tok.tok.tok*

"Cous! Let's eat na. Do you have an appointment pa sa Alabang diba? Sumunod na kayo ni Niah sa kusina nakapag prepare na kami ng foods natin." sabi ni Tiffany at hindi na pumasok sa kwarto.

Tumayo naman na kami ni Nia at ginawa ang morning routine namin before kumain.

Pag baba namin sa kusina amoy na amoy namin ang mabangong sinangag ni Cous. Kabisado ko na kasi mga amoy ng luto niya hahaha!

"Ang aga mo naman gumising madam. Ano meron?" tanong ko.

Usually kasi pag ganto siya may favor siya or may gusto siyang sabihin sakin pero syempre susuhulan niya muna ako para hindi ako magagalit agad.

"Wala! Nag asikaso lang ako para hindi tayo malate sa photoshoot mo noh." sagot niya pero naiilang siyang tumingin sakin.

"Nako Tiffany Shane kung hindi kita kilala baka naniwala pa ko. So ano ngang meron?" tanong ko ulit.

Si Nia pinapakain na ni Nanay Bel sa sala dahil kailangan may tv na napapanoodan siya habang nakain.

"Promise to me hindi ka magagalit sakin?" sabi niya na halatang kinakabahan.

"Hmm" sagot ko habang tumatango.

May laman kasi bunganga ko kaya hindi ako makasagot ng maayos.

Tumabi naman siya sakin at napatingin naman ako sakanya.

"Kasi cous pinakealaman ni Nia yung phone mo kagabi and nasagot niya yung tumawag sayo sa messenger." sabi niya.

Ako naman nalilito.

"Ha? May tumawag sakin? Bakit hindi ko nakita nag check naman ako ng phone ko." sagot ko sakanya.

"Binura ko kasi ung conversation namin kaya hindi mo nakita." pagpapaliwanag pa niya.

"Teka sino ba yung tumawag?" tanong ko sakanya.

"E-eh si-i" utal na sabi niya at napayuko.

Napatingin naman ako sakanya at nanlaki mata ko ng ma-realize ko kung sino yung tumawag.

"WHAT!?! TIFFANY SHANE!?! TAMA BA NASA ISIP KO????" Napatayo ako bigla at sigaw sa gulat.

"Cous calm down. You promise me kanina na hindi ka magagalit. And wag kang sumigaw baka isipin ni Nia nag aaway tayo." pagpapakalma niya at hinihila niya ko para umupo na ulit.

Umupo naman ako at wala pang minuto may batang tumatakbo patungo samin at nasa likod naman niya si Nanay Bel.

"Mimi Mommy fighting?" takang tanong niya.

"No baby. Nag uusap lang kami ni Mimi. Don't worry okay? Balik ka na ulit dun kay Nanay Bel." maayos na sabi ni Tiffany.

Sumunod naman si Nia at humarap ulit sakin si Tiffany.

"Cous kalma lang okay? Nataranta na kasi ako kahapon nung nakita ko yung muka ni Kirby na kausap ni Nia. Tapos sabi niya gusto niya tayo makausap kasi litong-lito na rin siya." pag explain pa niya.

"Ano sabi mo sakanya?" nakataas na kilay kong tanong sakanya.

"Sabi ko kikitain natin siya sa ATC after ng photoshoot mo." sagot niya.

"What?! Cous naman eh!" pagmamaktol ko.

"Ashley Claire ito na yung sign. Hindi naman pwedeng tatakbuhan nalang natin sila o tataguan." sabi pa niya.

"Pero hindi pa ako ready!" sagot ko sakanya.

"Ako rin naman. Hindi pa ako handa. Pero napag isip-isip ko na baka ito na yung tamang timing para ipakilala ko si Shanniah sakanila. Lalo na sa Daddy niya." mahinang sagot niya.

Napabuntong hininga nalang kami parehas.

Nalulungkot ako at kinakabahan bigla.

Naaawa ako para kay Tiffany. May point naman rin siya. Mas mahirap sa part niya lalo na yung ipapakilala na niya sa anak niya kung sino ang tatay niya.

After ng conversation naming yun nagkanya kanya na kaming asikaso ng mga sarili namin para makaalis na.

Mabilis rin naman akong natapos mag asikaso kasi naihanda ko na yung mga dadalhin ko kagabi.

While waiting for Cous and Nia nag check muna ko ng phone ko at nag facebook muna.

Napatigil naman ako. Napatulala sa screen ng phone nang makita kong nagpalit ng cover photo si Kirbs.

Picture nila ng family niya nung kasal ni Ate Kath.

Bigla namang bumilis ang tibok ng puso ko.

After a long long years magkikita na ulit kami.

Papano ko siya kakausapin?

Papano ko sasabihin lahat sakanya?

Ni hindi pa nga nila alam na naalala ko na lahat. Hindi rin niya alam yung car accident na nangyari sakin.

Napabuntong hininga nalang ulit ako ng malalim.

Bahala na.

Kakayanin ko 'to. This time hindi na dapat namin takasin at taguan sila ni Tiffany.

Fighting, Claire!

To be continued...

Sex Tutorial (SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon