Chapter 35

15.7K 142 13
                                    

Tiffany POV

Nagising ako kasi parang may mabigat na nakadagan sakin.

Pagdilat ko ng mata nakita ko ang gwapong lalaki sa tabi ko na nakaakap sakin.

HAAAAAA?

WAIT!?! SI DRAKEY TO HA!?!

Napabangon naman ako bigla at iniisip kung anong nangyari kagabi at bakit katabi ko 'to?

Mga 5mins din akong nakatulala para alalahanin ang mga nangyari kagabi.

Nang bigla namang may nag back hug sakin.

"Good morning, Shane~" masayang pagbati sakin ni Drakey

"Don't tell me may nangyari satin kagabi?" Seryosong tanong ko sakanya

Wala talaga akong maalala. Masakit din ulo ko.

Shocks. Ilang bote ba naubos namin kagabi?

"Grabe ka Shane ha nakakaoffend na yan ha! Hindi mo matandaan? We both enjoyed last night. Do you want to make me remember what happened last night?" Mapilyo nyang sabi.

"Shocks Drakey stop it! Kung ano mang nangyari last night satin nalang yun at kalimutan na natin." Sabi ko at tuluyang kinalas sa pagkakaakap niya.

"Why Shane? Bakit hanggang ngayon pinagtutulakan mo pa rin ako kahit na alam naman natin na mahal mo rin ako." This time seryoso na siya.

Hindi ako kumibo.

"Shane simula mga bata palang tayo alam mo na mahal kita. At hanggang ngayon ikaw parin yung mahal ko. Oo marami akong kinakamang babae. Pero hindi ko sila kayang mahalin. Dahil iba ka sakanila. Dahil gusto kong ikaw lang yung makakasama ko hanggang pagtanda. Ikaw yung gusto kong maging Mommy ng magiging anak ko. Pero bakit Shane? Bakit hindi mo kayang gawing iwan siya at ako nalang piliin mo?!" Pasigaw niyang sabi.

Ramdam kong nasasaktan siya.

"Stop Drake. Please leave now. Kelangan paglabas ko wala ka na dito. Ingat ka sa pag uwi." Maiksi kong sagot at pumasok na ko ng cr.

Hindi ko rin alam anong isasagot ko sakanya.

Gusto ko lang ulit tumakas sa problema at sakit na binigay ko na naman sakanya.

Hindi madali sakanya tanggapin pero mas lalong hindi rin madali itong ginagawa ko para sakanya.

Alam kong masasaktan ko na naman siya sa ginawa ko ngayon. Pero ito lang yung tamang gawin para sa ikabubuti namin parehas.

Sorry Drake.

I hope you will forgive me someday.

I hope you will find someone na kaya kang panindigan hindi kagaya ko...

_____

Ash POV

Nagising ako sa sigawan na naririnig ko galing sa kabilang kwarto.

I guess gising na sila cous.

Hinayaan ko lang sila hangga't sa makarinig ako ng malakas na pag sarado ng pinto.

Sumilip naman ako sa bintana ko at tama nga ako. Umalis na si Drake.

Kitang-kita sa mga mata niya na nasasaktan siya.

Lumabas naman na ko ng kwarto ko at pinuntahan si Tiffany sa kwarto niya.

"Cous? Where are you?" Deretso lang akong pumasok at umupo sa sofa niya.

Lumabas naman siya ng cr habang umiiyak.

"What happened?" I asked her.

"Nasaktan ko na naman siya cous. Hindi ko naman gusto gawin sakanya 'to pero ito kasi yung kailangan sa ngayon." Sabi niya habang umiiyak pa rin siya.

Niyakap ko nalang siya to comfort her.

Hayy. Bakit kasi napaka kumplikado ng love noh?

Bakit kasi kailangan umabot pa sa puntong masasaktan rin tayo para sa sarili nilang kapakanan?

Eh gusto lang naman nating lahat maging masaya lang makasama yung taong mahal natin.

Kaso ganun talaga pag mahal mo kailangan mo i-sacrifice lahat para sakanya.

"Magiging okay din ang lahat." Yan nalang ang tanging nasabi ko sakanya.

Humarap naman siya sakin.

"Kaya ikaw claire maswerte ka. Kasi yung lalaking mahal ka magmula noon nagagawa ka parin niyang antayin ngayon hangga't sa maalala mo siya. Sana bumalik na yung mga nawawalang alaala mo. Gusto ko na kahit ikaw man lang makita kong masaya kasama ang taong mahal mo at sobrang mahal ka." Seryosong sabi niya.

Hindi ako sanay na ganto kaseryoso si Tiffany.

Pero naguguluhan pa rin ako sa sinabi niya.

Lalaking mahal ako magmula noon?

Inaantay pa rin niya ko hanggang ngayon? Ibig sabihin halos tatlong taon na. Tatlong taon na niya kong inaantay na maalala ko ulit siya?

Pero sino siya?

Hindi ko naman pwedeng itanong kay Tiffany ngayon dahil nakikita kong nahihirapan siya sa sitwasyon niya.

Patuloy pa rin ang kanyang pag iyak.

Wala akong ginawa kundi yakapin lang ulit siya.

Gusto ko na maging maayos ang lahat.

Sana magkaroon ng himala. Magkaroon ng magic.

Na isang araw maalala ko na lahat ng mga bagay, lugar at tao na mga hindi ko pa maalala sa ngayon.




To be continued...

Sex Tutorial (SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon