Zain's P. O. V
Mabilis pa sa alas-singko akong nagtago sa mga babaeng nag sisikumpulan. Paano ba naman kasi nakita ko lang naman yung walang hiyang lang modo na yun. Naguluhan pa ngang napapatingin sa akin sina Cc at Liz. Sumunod naman sila sakin. Sumilip pa muna ako kung nandun pa ba sila. Nang ma sure kong wala na ay umalis na din ako sa mga nagsisikumpulan.
" Sino ba yung tinataguan mo? " Nagtatakang tanong naman sakin ni Liz.
Nag palinga-linga pa ako sa mag kabilang dulo kung wala na talaga sila.
Hay! Salamat at wala na din sila.
" Ah— wala naman. Tara na. " Aliga-ga ko namang ani.
Papasok na sana ako ng room namin ng pagtingala ko ay nasa harapan ko na pala si lang modo.
Napangiti pa ako ng mapakla. " Hi. " I said. Tatakbo na sana ako palabas ng room ng mabilis nitong nahawakan ang palapulsuhan ko. Kaya napaharap uli ako sa kanya.
' Bad trip naman oh! =_= '
" Are you hiding from me? " Sambit nito sabay lapit ng mukha niya malapit sa mukha ko.
Nakipagtitigan rin ako sa kanya. Akala niya siguro maiilang ako. Like duh! Ako pa talaga hinamon mo.
" N—no. Syempre hindi. At bakit ko naman yun gagawin, may naging kasalanan ba ako sayo? Wala naman diba? So bakit kita pag-tataguan. " Ani ko sabay cross-arm.
Tumango naman ito at inilayo na niya ang kanyang mukha.
" Defensive? " Nakangising ani niya.
Ano daw? Ako? Defensive? Nek nek niya.
" Ako defensive? Mukha mo. " I said. Nilagpasan ko na lang ito at tuluyan nang pumasok ng room namin.
Nakita ko pang naguguluhang nakatingin samin yung apat. Sino ba naman kasi ang mag-aakala na kinaka-usap namin ang isat-isa. Di rin naman kasi kami close nitong si lang modo. At nag-usap lang kami nun nang gumawa ako ng deal na yun, at talagang pa fc ako nung araw na iyon. Tanga din kasi ni self e. Tsk tsk tsk.
Pumunta na din ang mga ito sa kina-uupuan nila at na upo na din si lang modo sa upuan niya na katabi ko lang naman. At ganun din yung dalawa kong beshi and barkada ng lang modo na ito sa kani-kanilang mga upuan. Ilang sandali lang naman kasi ay dumating na yung teacher namin. At mabuti na lang ay nakapag advance reading ako kahapon sa bahay kaya may naisagot ako sa quiz namin ngayon sa Math. Hayst! Nakaka- bobo lang talaga.
4 subject yung sunod-sunod namin na klase. After ilang hours ay sa wakas natapos na din.
Sininyasan ko na lang sina Cc and Liz na sumunod sa akin kaya napatayo din sila at sinundan ako.Ng makalabas na silang pareho ay nakatanggap pa ako ng batok galing ki Cc. Ang brutal talaga ng isang toh.
" Ano yun kanina pa entrance? At may pa Are you hiding from me pang nalalaman. At makatago ka kanina akala mo may utang na tinatakasan, yun pala, yung Clyde lang na yun ang pinagtataguan mo. " Asik pa ni Cc.
" Yeah. Tama ka, at tyaka paano kayo naging close nun e hindi nga man lang kayo ni minsan nag-usap nun? " Tanong ni Liz
Nagkibit balikat lang ako. Nangunot pang pareho ang kanilang mga noo.
" Huh? Ano yun. Nagkita lang kayo kanina tapos naging close lang kaagad kayo? " Cc.
" Ah basta mahabang kwento. " Sagot ko.
" Di paiklihin mo. " Cc tas tumango pa yung isa.
" Basta. " Yun lang yung isinagot ko at nilagpasan ko na silang pareho. Hinabol naman kaagad nila ako.
YOU ARE READING
My Dream Boy Boyfriend(HIGHSCHOOL SERIES #1)
Teen FictionSabi nga nila kahit ano pang mangyari at nag kalayo kayo eh mag tatagpo parin kayo. Matagal mo na syang hinahanap..... Matagal mo na syang gustong makita.... At matagal mo narin syang gustong makasama. Something unexpected happened in your life. You...