Chapter 12

0 1 0
                                    

Zain's P. O. V

Kinabukasan ay maaga akong nagising kaya nag jogging na muna ako sa labas. Nakasabay ko pa yung kapit-bahay namin na si Charles Ortiz. Actually crush ko nga toh e. Heheh! O M G! Sobrang gwapo niya. Yung tipong makalaglag panty talaga. Pero syempre hindi naman ako ganun. At kahit pawisan ang gwapo padin niya. Halata ring alagang-alaga niya yung katawan niya. Minsan ko na din yang na stalk sa insta. My gosh! Gwapo na nga may abs pa. Kaloka noh? HAHAH!

Bago nga kami umuwi ay nilibre niya pa akong magkape sa malapit na coffee shop dito sa village namin. Hay! Mabuting napaaga yung gising ko at nakasama ko ngayon yung crush ko. Naglakad na lamang kami pauwi at malapit lang naman kasi. Habang pauwi ay nag-uusap lang kami. Natanong pa nga niya kung saan ako nag-aaral e. So sinabi kong sa High university. Siya naman ay sa LEU or Lewell Elite University. Same age lang din kami and matanda lang siya sa akin ng 3 months. June kasi ako and siya ay April. Nabanggit niya din kanina yung favorite food niya. Yung adobo daw na laging niluluto ng Lola niya and Lola's boy pa nga siya e, and also sinabi ko din sa kanyang Chapsuy yung favorite ko and bitter gourds or ampala. Kung yung iba hate ang ampala kasi mapait, ako naman at favorite ko. Lalo na pag maraming itlog hmmm sarap! Nagutom na tuloy ako.

Napahinto naman kami ng nasa tapat na kami ng bahay.

" Sige. Pasok na ko. And thanks dun sa kape. " Ani ko habang ngiting-ngiti.

Nginitian niya din ako. " Sus! Wala yun. So next time uli? HAHAH. " Saad pa ni Charles.

O my gosh! May next time pa daw? Whaaaa!!!!

" Oo bah. " Sagot ko. Hoy Zain. Wag kang kiligin.

" HAHAH. Sure, Sige uwi na din ako. " Ani Charles. Kinaway pa nito ang kamay sa akin kaya kumaway na din ako.

Pumasok na lang din ako sa bahay.

Naligo na muna ako at pinatuloy ko yung pinapanood ko kagabi. Halos boong araw lang akong nasa bahay. Tinawagan ko nga si Liz kung di ba siya busy kaso wala daw kasing magbabantay sa mommy niya, nasa work kasi si Tito George. Si Cc ganun din, may family reunion daw sila kaya hindi din pwede. So boong araw lang akong nasa bahay. Lalabas  lang ako ng kwarto pag kakain na at babalik na naman uli sa kwarto at mag mu-mukmok. Ako nga lang dito mag-isa sa bahay kasi si kuya maagang pumunta ng trabaho, yung ate may pinuntahan din, tapos si bunso nasa kina Lolo at Lola. Si daddy at mommy may business trip din sa Korea. So mga maids lang talaga mga kasama ko dito ngayon. Si nanay Nina nga wala din dito e. Umuwi kasi sa kanila dahil manganganak yung anak niyang babae.

Pinatay ko na lang din yung pinapanood ko kasi parang inaantok ako at nakakapagod mag basa ng subtitle. Kaya bumaba na lamang ako at kumuha ng mga chi-chirya. Cheat day ko naman ngayon so ok lang na kumain ako ng mga ito. Kumuha na din ako ng ice cream na chocolate and cheese flavor.

Ng mga bandang alas-dos ng hapon ay nag-ayos ako at mag ma-mall kahit mag-isa lang ako. I can manage my self naman e.

Habang pumipili ako ng mga dresses ay may naka-usap pako. Kaagad naman kaming nag kasundo kasi parang halos sa dress, make-ups, heels, and other stuff ay parehong-pareho lang kami ng taste. I'm sure magkakasundo din kaagad sila ni Cc and Liz.

Ang ganda pa nga nang name niya e. Blyte Storm. Same age lang kami at sa SCU naman siya nag aaral. Sapphire Celestial University, isang All girls' school yun.

Inaya niya pa akong kumain sa restaurant nila. Tyamba dahil libre.

Habang kumain nga kami ay daldal lang siya ng daldal. Natatawa na lang din ako. Parehong-pareho kasi sila ni Cc yung parang walang preno ang bunganga pag nagsasalita. Nag excuse muna ito at mag c-cr lang daw kaya naiwan akong mag-isa sa table. Habang kumakain ako ay nahagip naman ng mga mata ko yung lalaking naka itim na polo na nasa counter.

My Dream Boy Boyfriend(HIGHSCHOOL SERIES #1)Where stories live. Discover now