27⛅

50 3 0
                                        



"Love, pahinga ka lang diyan." Miko said while taking out the food we bought earlier.


Kanina ko pa gustong tumulong pero kaya na niya raw kaya nakaupo lang ako sa bench at nagpapahinga. 


Tumayo ako at lumakad lakad, ang ganda ng tanawin. You can hear the sound of the birds and the trees. Maganda pa ang panahon, perfect for a day. 



Inilabas ko ang camera ko at nag take ng mga picture at videos. May isang video na nakatapat sa langit then hinarap ko kay Miko na nag aayos ng pang campfire namin mamayang gabi. 


Hindi niya napansin na nakatapat sa kaniya ang vid kaya seryosong seryoso siya. He then take his cap off before pushing his hair back using his hands. Ang attractive niya panoorin, lord boyfriend ko 'to 'di ba? 


Nang makatagal ay napansin na niyang nakatapat sa kaniya ang camera kaya nag smile siya at nag peace. Lumapit pa siya sa akin at isinuot sa ulo ko ang cap na suot niya kanina, tumatawa pa bago bumalik sa pwesto niya kanina.



Nang matapos na niyang ayusin ang campfire ay sinet up na niya rin ang hihigaan sa kotse, may tent siya sa ibabaw ng kotse. Doon 'ata kami matutulog, na e-excite ako! 


Kinuha ko si Dally at tinuturo ko pa sa kanya ang scenery. Tumatahol naman siya kapag may mga ibon na lumilipad sa harapan namin.



I felt an arms in my waist and it was Miko. Naka back hug siya sa akin kaya isinandal ko ang ulo ko sa balikat niya, kalong pa rin si Dally.


We stood like that for a minute before he asked, "Gutom ka na?" 


Nakapikit lang ako at nakasandal sa kaniya, so comfortable. "Ikaw?" I also asked. Hindi pa naman ako gutom na gutom.


"Hindi pa." Sagot niya at mas hinigpitan ang yakap sa bewang ko. Tama nga siya, malamig dito but his hug is giving me so much warmth, hindi na kailangan ng jacket, joke!



"Mas masarap kapag may crackers 'tong marshmallow, love. Can you get it in the car please?" I said, nag pout pa ako para mapapayag siya. 


"Okay, you're cute." Sabi niya bago tumayo at nag kiss pa sa pisnge ko. Magnanakaw talaga, oh!



Nag tutunaw kami ng marshmallow habang tumitingin sa scenery, ang ganda ngayon lalo na't lumulubong ang araw. Si Dally naman ay hawak ko ang tali niya at nakaupo lang siya sa sahig.


"Baby, we need to watch this." Sabi ko at tinapik siya bago hawakan ang kamay at higitin patayo. 


"Ang ganda ng sunset!" Sigaw ko habang nakaturo sa langit. Nakanganga pa ako sa ganda.


Heaven's Cloud (EDITING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon