9 - The Suitor

10.5K 408 53
                                    

"Are you alright, miss?" Tanong sa akin ni Ivan nang makabalik kami sa playground. Sakto namang nandoon na din pala si Rosan at nakikipaglaro sa mga bata.

"Yes, I'm alright." Sagot ko at inalagay sa bulsa ko ang panyo na binigay ni Nixon.

"Miss!" Tawag ni Rosan at kumaway sa amin kaya nga lumapit kami sa kanila.

"Bakit ka umiyak? Sinaktan ka na naman ba ng tiyuhin mo?" Tanong ni Rosan sa bata. Tumango naman ito bilang sagot. So, uncle pala ng bata ang hayup na iyon? But still, wala siyang karapatan na saktan ang bata. How dare him. Pero napaisip din ako, ano kayang ginawa ni Nixon sa lalaki na iyon?

"P-Pero po may dumating na lalaki, n-niligtas niya kami ni ate Victoria." Sagot ng bata.

"Lalaki?" Rosan asked. That's when I realized na hindi pa pala nagkkrus ang landas nila ni Nixon. Sa pagkakaalam ko dito sila magkakakilala eh at ililigtas ni Nixon si Rosan sa isang lalaki--Teka?! Yung lalaki! Yung lalaki kanina! Yung nangyari kanina, si Rosan dapat ang nasa posisyon ko dahil iyon ang magiging unang encounter nila ni Nixon ayon sa novel. Pero bakit ganito?! Bakit ako imbes na si Rosan?! What's happening?

"May mga taga-norte dito, Rosan. Do you know why they're here?" I asked pero umiling si Rosan.

"Hindi ko alam, miss. Pero baka nandito sila para mag-sponsor sa orphanage." Sagot ni Rosan.

"But we're in the East, is that possible?"

"Uhm, sa pagkakaalam ko pwede. As long as it's not about starting a war or conquering a territory they can do that." Sagot ni Rosan. Pero sa pagkakaalam ko kasi, once na gumawa ng mga tulong ang isang teritoryo sa hindi nila teritoryo it means a treaty of peace. Bagay na ginagawa if you want to stop the conflict between the two territories. Pero bakit dito sa East? Hindi ba dapat sa South nakikipag treaty of peace si Nixon kasi nandoon ang female lead niyang si Rosan? Pero hindi pa sila nagkikita ni Rosan at hindi pa narereveal ang tunay na pinanggalingan ni Rosan. In short, hindi pa dapat ito nangyayari ngayon. Nag-iba na ba talaga ang flow ng story?

Bago kami umuwi ay lumabas ang namamahala ng orphanage to see us off. Since hindi ako nakapag imbestiga dahil sa nangyaring commotion kanina ay minabuti ko na lang na batiin ito.

"Thank you for your hospitality," sagot ko saka kinamayan ito. Ngumiti ito sa akin at kinamayan din ako pabalik.

"No, I should be the one to thank you, miss. Thank you for helping the orphanage," sagot nito. Pero hindi ko alam parang may ibang meaning ang sinasabi niya.

"We should meet soon," sagot ko. She nodded. "As you wish, miss."

Nang makaalis na kami ay agad na kaming dumiretso pauwi. Hindi na kami nagkita ni Nixon after ng nangyari kanina. Siguro nauna na silang umalis kaysa sa amin. But oh well, who cares? Tch!

Nang makauwi kami ay saktong nakasalubong ko si Dad. Mukhang paalis siya kasama ang ibang tauhan niya. He looked at me kaya agad akong bumati.

"Goodevening, jefe." Sagot ko at saka nilagpasan na siya. Tila nagulat naman ang mga tauhan niya dahil dito. Pero hindi ko na lang ito pinansin. The Victoria in the novel craves for her Dad's attention. Kaya ginagawa niya ang lahat para mapansin siya nito. Every morning Victoria will go to his office to greet him. She always call him 'Dad' even though hindi niya naman ginampanan masyado ang pagiging ama niya kay Victoria. I realized na hindi ko dapat pag-aksayahan pa ng oras ang mga tao'ng wala namang pakialam sa akin. Ang paghahangad ni Victoria ng pagmamahal ang nag-udyok sa kaniya para maging masama siya. It's his fault that Victoria became like that.

-

A month has passed, hindi ko alam pero naging tahimik ang buhay ko. O baka dahil hindi nagkkrus ang landas namin ni Nixon? Hmm. Tama baka ganon nga. Once a week ay pumupunta din kami ni Rosan para bumisita sa orphanage at kamustahin ang mga bata.

You Should Hate MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon