31 - The First Encounter

4.8K 191 8
                                    

"I'm sorry po talaga, how can I repay you po?" Sabi ni Rosan.

"Ah, no need hija. It's really fine. Pauwi na din naman kami," nakangiting sabi ng babae.

"Just be careful, kid. You're lucky that my wife is nice." Sagot naman ng lalaki kaya napayuko na lang si Rosan.

"Dear it's really okay, don't mind me. Hindi niya kasalanan." Sabi ng babae sa asawa niya. Napabuntong hininga na lang ang lalaki saka napatingin sa akin.

"Miss Mera, sorry for the late introduction. I'm Gallante Fuego and this is my wife Mona," sabi niya sa akin saka inabot ang kamay niya para makipagkamay.

"Yes, it's an honor to meet the jefe and jefa of the South." Sagot ko saka nakipagkamay sa kaniya.

"We're sorry for what happened, jefe. I hope you won't take this to the heart," sabi ko.

"Ah, no. Since my wife said it's fine. Just tell your friend to be careful next time," sagot nito at bumaling kay Rosan. "We'll take our leave, just send my regards to your father," dagdag niya saka sinuot ang coat niya sa asawa niya.

"Will do, jefe." Sagot ko tapos saka na sila umalis.

"Miss, sorry hindi ko talaga sinasadya iyon." Sabi ni Rosan sa akin.

"Don't worry Rosan, I believe you. It's not your fault," sagot ko at tinap siya sa balikat.

"Para kasing nagalit sa akin ang jefe, miss."

"Ah, don't worry about him. He'll forgive you sooner," sabi ko kaya tila nagtaka naman si Rosan sa sinabi ko. He'll forgive you once he discovered that you are their lost child, Rosan.

"Po? Anong sabi niyo miss?"

"Ah, wala. Let's go, hanapin na natin si Heilee baka saan na nagpunta iyon." Sabi ko saka inaya na si Rosan na umalis doon.

Now that we encountered her biological parents, how should I tell her the truth? Hindi ko naman pwedeng sabihin agad-agad sa kaniya na, 'Hey alam mo ba nanay at tatay mo yung nakabangga mo kanina'. Eh ano iyon? For sure Rosan will ask me kung paano ko nalaman na iyon nga ang nanay at tatay niya. I can't tell her na nabasa ko ito sa novel kung saan sila ang mga characters. Tsk!

Like what I expected, Rosan's mother Mona is very gentle and caring. Sa kaniya namana ni Rosan ang soft features nito. While his father Gallante Fuego, is known to be strict and cold towards people except his wife. Sa kaniya naman nakuha ni Rosan ang kulay itim nitong buhok at medyo singkit na mga mata. Maybe sa tatay niya din namana ang galing niya sa fist fighting. Because Gallante Fuego is also known to be good at fist fighting. Meron siyang sariling techniques sa fist fighting na tanging ang pamilyang Fuego lang ang pwedeng makaalam. I'm wondering if Rosan can do that too?

Natanaw namin si Heilee sa may gazebo kaya nga nagpunta kami doon ni Rosan. She's currently smoking a cigarette while holding her wine, nang makita niya kami ay agad niyang tinapon sa sahig ang sigarilyo at tinapakan.

"You're the star of the party and yet you're here all alone?" Sabi ko.

"It's suffocating inside," sabi niya saka uminom ng wine.

"You used to love parties di ba?"

"Not a party like this! Geez. So boring!" Reklamo niya. Natawa naman ako.

"This is not the last party you will attend, Lee. Ikaw na ang bagong head ng Diaz kaya asahan mong marami pang ganito ang dadaluhan mo," I chuckled.

"Argh! Pwede pa ba magback out?" Nakangisi niyang sabi. Natawa na lang kami.

"We should party again like the old times, Tori. But this time isama natin si Rosan," suggest ni Heilee. Bigla naman akong napangiwi nang maalala ang nangyari nung huling nagparty ako.

You Should Hate MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon