57 - The Love of a Father

4.5K 164 44
                                    

Hello, guys may dinagdag lang po ako. Revised version po ito!

***

After I recovered ay pinayagan na din akong umuwi ng doktor ko. Pagkabalik na pagkabalik namin sa mansyon ay sinamahan agad ako nila Nixon sa grave ni Dad. Katabi niya din mismo ang grave ni Mom. Hindi ko alam na nandito lang din pala sa premises ng mansyon ang puntod ng nanay ko. My brother told me na ayaw daw ipasabi ni Dad sa akin for some reason. Hindi ko alam kung anong rason niya kung bakit niya tinago sa akin pero ang iniisip ko na lang ngayon ay ang pagkawala niya. I cried and cried in front of his grave. Akala ko naubos na ang luha ko, pero hindi pa pala.

Sinisisi ko ang sarili ko sa pagkawala niya. He saved us, he saved Luciana and I. Binuwis niya ang buhay niya para sa amin. At ako, wala man lang akong nagawa para sa kaniya. I fvcking hate myself for that!

I stayed there until the sun sets saka na bumalik sa mansyon. I'm still grieving kaya nagtungo ako sa kwarto ni Dad. Ang kwarto na ngayon ko lang mapapasukan dahil lagi niyang pinagbabawal ang pagpunta ko doon. Dahil wala na si Dad na magbabawal sa akin ay hinayaan na lang ako ng mga kapatid ko. I told them to leave me for a while dahil gusto kong mapag-isa. Gusto ko lang tignan ang kwarto na huling ginalaw ni Dad.

Nang makapasok ako ng kwarto ay kumalabog ang dibdib ko. Bumungad sa akin ang mga papel na nagkalat sa table niya, ang mga libro na hindi pa naibabalik sa bookshelf, ang kama niya na hindi pa naaayos at ang mga damit niya na nakalatag sa higaan. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at naiyak ulit. Ito ang huling lugar na pinuntahan niya bago siya mawala, and I can still feel him. Mukhang nag-effort talaga siyang mamili ng isusuot niya para lang samahan ako sa doctor's appointment ko dahil sa mga damit na nakabalandra sa higaan.

Nang maglibot pa ako sa kwarto ay napatigil ako bigla nang makita ang isang malaking portrait. Nang narealize ko kung ano ito ay napahagulgol ulit ako. The portrait. The portrait that they've been telling me. It's the portrait of our family. Ito ang sinasabi nila na portrait na lubos niyang tinetreasure. All along akala ko portrait lang ni Mom ang nasa kwarto niya. Iyon pala, portrait ng family namin. Why, Dad? Why are you hiding this? Bakit ayaw mong ipakita na you also care for our family? Bakit puro cold shoulder ang binibigay mo sa akin?

Natahimik ako nang mapansin ang isang box sa baba ng painting. It has lock on it. Kaya lalo akong nacurious kung anong laman nito. The lock doesn't have a keyhole or any buttons to unlock it. Kaya doon na pumasok sa isip ko ang isang ideya. Agad kong kinuha ang letter opener ni Dad sa table niya at sinugatan ang braso ko saka pinatak ang dugo ko sa lock. Nabuksan ang lock dahil doon. It's a blood lock gaya ng inaasahan ko. Good thing that we share the same type of blood. Yung dalawang kapatid ko kasi ay ang kabloodtype ni Mom. Ako lang ang kabloodtype ni Dad. So it means na wala nang iba pang makakabukas ng box na ito bukod sa akin.

Nang buksan ko ang box ay napakunot noo ako nang makita ang bracelet. Ang bracelet na kagaya kay Rosan at ang bracelet na binigay sa akin ng nanay ko from my other life. This bracelet is the reason why I came back here kaya nagtataka ako nang magising ako sa ospital ay hindi ko na ito suot, and then all along it's here? Ang pinagtataka ko ay bakit dalawa ang bracelet? Bakit tig-isa kami ni Rosan? Nang bumisita kasi siya sa ospital ay nakita ko pa ding suot niya ang bracelet na iyon. Ano bang meron sa bracelet na ito? Wait--does it mean that I'm Rosan's childhood friend? Ako ba ang sinasabi niya na kinukwento ng nanay niya sa kaniya? B-But how? I-I can't even remember anything about it. Wala pa ding pumapasok na memorya sa akin tungkol dito.

Dahil naghahanap ako ng kasagutan ay kinalkal ko pa ulit ang laman ng box ni Dad. Nakita ko pa ang ibang mga pictures ko nung bata at ang pictures kasama si Mom. Sa sobrang dami nito ay natabunan na ang mga laman ng box sa ilalim. Hindi ko alam pero habang tinitignan ko ang bawat picture ay nagsisimula na namang sumakit ang ulo ko. But I need to continue para masagot ang mga katanungan ko.

You Should Hate MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon