4 - The Necklace

11.6K 440 21
                                    

After the commotion about Nixon ay nagtagumpay ako sa plano ko na maging personal bodyguard si Ivan. Hindi na naging mahirap since isa siya sa pinaka skilled and trusted na tauhan ni Viktor Mera--I mean ng tatay ko. My father was very mad kaya grounded ako ng isang buwan. I don't mind actually. After what happened ay wala na din akong balak lumabas dahil baka magkrus na naman ang landas namin ni Nixon.

Nang maging personal bodyguard ko na si Ivan ay lagi na siyang nagbabantay sa labas ng kwarto ko. But since preoccupied ako sa nangyari ay hindi ko pa naasikaso na ibigay sa kaniya ang kwintas. Kainis kasi nasira na ang plano ko na iwasan si Nixon. Good thing hindi na din siya nagpaparamdam after what happened last week. Dahil I don't have plans on concerning myself to him further. Kung anuman ang nangyari sa amin ay dapat nang kalimutan.

Inis ko namang tinignan ang repleksyon ko sa salamin at pilit na binubura ang konting bakas pa din ng mga marka ng Nixon na iyon. Ano ba siya linta? Isang linggo na bakit nandito pa din?! Ugh! Dahil dito naaalala ko na naman ang katangahan ko ng paulit-ulit.

Napabuntong hininga na lang ako saka pinakalma ang sarili ko. Okay, hinga. Ang isipin mo na lang ay hindi mo na siya makikita ulit. Unlucky encounter lang iyon. Tama! Think positive. Sa ngayon, I need to continue what I have planned. Ang plano na ibalik kay Ivan ang kwintas.

Agad kong binuksan ang pinto at sinilip si Ivan na nakatayo sa gilid ng pinto ko. Sinalubong niya ako ng ngiti. "Do you need anything, Miss?"

"Uhm, can you come in for a moment? I need to discuss something with you," sagot ko. Agad namang sumunod si Ivan sa akin.

"What is it that you need to discuss with me, miss?" He asked. Agad ko namang inabot sa kaniya ang kahon kung saan nakalagay ang kwintas. Tinignan niya ako na tila nagtatanong kung ano iyon. Pero para masagot na ang tanong niya ay binuksan niya din agad ang kahon. Nang bumungad sa kaniya ang emerald necklace na alam kong inaasam niya ay nawala ang ngiti niya at napatingin sa akin ng seryoso.

"Miss, may I know the reason why you're giving me a jewelry all of a sudden?" Tanong niya na may pilit na ngiti sa mga labi niya. Ano ba iyan? Wala man lang bang thank you muna? Duh? Iyan kaya ang pinakamahal na alahas ni Victoria.

"I believe that's not really mine so I'm giving it back to the rightful owner," sagot ko. Pero laking gulat ko nang bigla niya akong tutukan ng baril. Teka? Bakit may paganito? Binabalik ko na nga eh. Huhu!

"How much do you know, Mera?" Madiin niyang tanong. Hala! Oo nga pala naka disguise siya dito. Huhu. Since isa akong Mera at kilala si Victoria bilang isang spoiled brat na masama ang ugali ay talagang hindi siya agad magtitiwala sa akin.

"Don't worry I won't tell anyone about your real identity. I just want to return the necklace to you. That's all!"

"Why should I trust you?"

"Uh? Well, duh. Iyan ang pinakamahal na alahas na nabili ko sa auction but look I'm giving it to you for free," sagot ko. Dahan-dahan niya naman nang binaba ang baril niya kaya nakahinga na ako ng maluwag.

"How did you know about this?" He asked while intently looking at the necklace.

"I just know," kibit balikat ko at naupo sa higaan ko.

"Ngayong nakuha mo na ang pakay mo dito, you should go back Ivan. Once na malaman ng tatay ko or ng mga kapatid ko na isa kang Suarez, they will kill you on the spot."

"Why do you care that much?"

Well, duh? Iyang kwintas na iyan ang lifeline ko. Kaya please kunin mo na iyan at lumayas ka na dito nang wala nang maging kasabwat si Nixon sa pagpatay sa akin. Huhu!

"Stop asking too much questions at gawin mo na lang ang sinasabi ko," inis kong sabi.

"No," maotoridad niyang sabi.

You Should Hate MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon