When Rosan told me na napromote na ngayon si Ivan as commander in chief ng mga Mera ay agad kong pinuntahan si Ivan to congratulate him. Rosan told me that he's in the training grounds right now kaya doon ako nagtungo. Para makausap ko na din siya about sa text messages.
"Ivan!" Tawag ko nang nakita siyang busy na nag-aayos ng mga weapons.
"Miss," bati niya kaya agad na akong lumapit. Buti naman binabati niya na ako. Akala ko iiwas pa din siya eh.
"Congrats on your promotion, Rosan told me."
"Thank you, miss. It's all thanks to you." Napakunot noo naman ako nang marinig iyon. Ha? Dahil sa akin? Bakit? May ambag ba ako?
"We can talk freely now," nakangiti niyang sabi. Napatango na lang ako saka ngumiti din.
"I have something to say," sabay naming sabi kaya parehas kaming natawa.
"Okay, miss. You first," he chuckled.
"Hahaha! Sige ako na mauna." Sagot ko.
"I want to talk about the text messages I sent you last time. Ayokong iba isipin mo, but that messages was supposed to be to Nixon. Na-wrong sent lang ako. Hehe. Akala ko ikaw siya. I'm really sorry kung anuman ang nasabi ko." Paliwanag ko. Hindi ko alam pero parang biglang nawala ang ngiti ni Ivan? Hindi ba dapat matuwa siya kasi yung mga bad messages ko na iyon ay hindi talaga para sa kaniya?
"Ahh, right. It's okay. I understand, miss." Neutral niyang sagot saka binigyan ako ng isang pilit na ngiti.
"Uhm, it's your turn. Anong sasabihin mo sa akin?" I asked pero umiling siya.
"Ah, wala." Sabi niya.
"Ha? Sabi mo may sasabihin ka sa akin?"
"Wala, miss. It's not necessary already." Sagot niya. Napakunot noo naman ako.
"Really? Nacurious tuloy ako kung anong sasabihin mo sa future fianceé ko," nagulat ako nang biglang dumating si Nixon. Lumapit siya sa akin at inakbayan ako saka tinitigan ng masama si Ivan.
"It's none of your business," seryosong sagot ni Ivan at saka sinabayan din ang masamang titig ni Nixon.
"Oh really? Look how your commander in chief disrespects your fianceé, chestnut." Sabi sa akin ni Nixon.
"Stop this, please." Sabi ko. Iba na kasi ang aura na bumabalot sa paligid. Hindi na ito yung normal na barahan nilang dalawa.
"I disrespect you, because you disrespect me." Sagot ni Ivan. Napasmirk naman si Nixon.
"Should I respect you then? Oh! I forgot. You're from a noble blood," sabi ni Nixon. Bigla naman akong nabigla. Teka? Alam ba ni Nixon?
"What are you saying?" Sabi ni Ivan.
"You know what I'm saying, Ivanoff SUAREZ." Sagot ni Nixon na pinagkadiin pa ang apelyido ni Ivan. Biglang nanlaki ang mata ko dahil sa isang iglap ay nakatutok na ang baril ni Nixon kay Ivan. What the fvck. Ang bilis ng kamay niya! I didn't see him pulled his gun from his pocket.
Hindi sumasagot si Ivan. Nakatitig lang siya kay Nixon with an expressionless face. How did Nixon knew about this?
"Actually, the first thing I saw you alam ko na agad na Suarez ka. Pero hinayaan lang kita since you're not in my territory. But if you're in the North, I can kill you on the spot Suarez." Sabi ni Nixon. So, iyon ba ang rason kung bakit niya pinatanggal si Ivan as my personal bodyguard kasi alam niya na Suarez talaga si Ivan?
"I spared your life, but this time it's different. You're crossing the line," sabi ni Nixon. Teka ano bang ibig niyang sabihin? Eh kinakausap lang naman ako ni Ivan? Ganito ba siya kaseloso?
"Nixon, what do you mean? We're just talking casually," sagot ko.
"Oh no, chestnut. I think you should know what this man did," sabi ni Nixon kaya napakunot noo ako.
"This man, is the one behind the incident in the endless maze. He's the reason why your brother was harmed and the reason why you and your friends almost died." Nakangising sabi ni Nixon. Biglang nanlaki ang mata ko at di makapaniwalang tinignan si Ivan. But he didn't say anything to defend himself. He remained silent.
"I-Ivan, is that true?" I asked. I can't believe this. My brother was harmed and my friends almost died because of me. Because I trusted him!
"He's here disguising his self as one of your people to spy on you and your family. His dear daddy sent him here," sabi ni Nixon. Pero parang hindi pa din ako makapaniwala. I know Ivan. But, do I really know him that much? Ang alam ko lang he's disguising his self as one of our people because of her mother's necklace. Pinlano niya iyon nang mag-isa without the consent of his father. Iyan ang nalalaman ko galing sa novel. May nakaligtaan ba ako from the novel or sadyang dahil ito sa pagbabago ng plot?
"So, what should I do to him chestnut? It's up to you since I'm in your territory and this man is one of your people. Isang utos mo lang, I'll make his skull explode," sabi ni Nixon na nakatutok pa din ang baril kay Ivan.
"Put down your gun, Nixon."
"What?"
"Put down your gun, Nixon. Please." Sabi ko. Napatitig lang siya sa akin in disbelief pero sinunod niya ako at binaba ang pagkakatutok ng baril niya kay Ivan.
"Ivan, it's better if you leave the Mera's mansion if you still want to live." Sabi ko without looking at him at saka naglakad na paalis. I can't look at him after what he did. He fooled me. And I feel disappointed and betrayed.
"Chestnut, why did you spare his life? I'm so eager to kill him. Una pa lang nagtitimpi na ako." Daing ni Nixon.
"Killing him will worsen the situation, Nixon. I just don't want to start a war." Sabi ko. Napabuntong hininga naman siya. Nagulat na lang ako nang punasan niya ang gilid ng mata ko. Hindi ko napansin na may tumutulo na palang luha sa mata ko.
"Okay fine, I respect your decision." Sabi niya at niyakap ako. Doon ako lalong naiyak nang yakapin niya ako. Ganito pala feeling ni Victoria non when she was betrayed? Ang sakit pala talaga. Yung akala mong tao na mapagkakatiwalaan mo ay isa pa lang kalaban. Bakit nga ba ako nagtiwala kay Ivan? He's a Suarez after all. My family's enemy. Dahil ba nagbase ako sa pagkakakilala ko sa kaniya sa novel?
"How did you know it was him?" I asked habang nakakulong pa din sa bisig ni Nixon.
"I know all my enemy," he answered while wiping the tears on my cheeks.
"Then why didn't you tell me na alam mo na pala," sabi ko at kumalas sa yakap para tignan siya.
"I was observing his actions at first, since I'm in your territory ay wala akong karapatan na pumatay on the spot. Should I just bring him to the North and kill him there?" Sagot niya.
"Ang dali talaga para sa iyo sabihin ang salitang pumatay ano?" Sarkastiko kong sabi.
"Of course, it was part of our living chestnut. If we don't kill, we will be the one who gets killed." Sabi niya saka dinampian ako ng halik sa noo. Pero hindi ako umapila. Parang nasasanay na lang ako sa mga gestures ni Nixon.
"I can kill anyone for you, chestnut. I don't mind tainting blood on my hands when it comes to you," sabi niya.
"Should I be worried or should I be thankful?" Tanong ko. Natawa naman siya at ginulo-gulo ang buhok ko.
"You're cute as ever," sabi niya.
"Thank you for telling me the truth, Nixon." Sabi ko. Kung hindi dahil sa kaniya baka hanggang ngayon ay nagpapaniwala pa din ako kay Ivan.
"That's nothing and you deserve to know. I despise him for fooling you, if I could just kill him I'll do it in an impulse." Sabi niya. Napangiti na lang ako sa mga hinaing niya about killing Ivan. Ngayon ko lang narealize na ang taong nasa tabi ko pala all along ang taong dapat kong pinagkakatiwalaan. Ang lalaking balak kong iwasan una pa lang dahil siya ang nakatakdang pumatay kay Victoria sa dulo, ay ang lalaking pinagkakatiwalaan ko ngayon.
Nixon Gonzalez, I hope your female lead Rosan won't mind if I fall for you right now.
BINABASA MO ANG
You Should Hate Me
Romance"I am Victoria Katherine Mera! I am the villainess of this story, you should hate me!" After facing death, Ciara was reincarnated to a romance novel entitled, 'Roses & Thorns'. But she didn't expect to be reincarnated as Victoria Mera, the main anta...