🌹Chapter 3🌹

30 0 0
                                    

"WHO ARE YOU?"

Ilang minuto ang nakalalipas at walang natanggap na sagot si Andrew. Muli siyang napabuntong hininga. Hindi siya mapakali at may nakakilala sa kanya dito sa App.

Hindi niya naalalang nagbigay siya ng personal information sa mga naka hook-up niya sa app. Lahat ay puro pagpapanggap at lahat ay pawang isang gabi lamang.

Binalikan niya ang profile ng ka chat kanina, at ngayon ay hindi na ito naka online. Napasulyap si Andrew sa wallclock na nasa loob ng silid. Alas dose y medya na ng madaling araw.

Napaisip siya na marahil ay nakatulog na ang ka chat niya kanina. Bumangon si Andrew at pumasok sa loob ng banyo. Halfbath lang kanyang ginawa. Pagkatapos nito ay agad siyang bumalik sa ibabaw ng kanyang kama.

Bago humiga. Sinilip muna niya ang kanyang cellphone, nagbakasakaling naka online ulit ang ka chat. Ngunit bigo siya.

Humiga siya't pinikit ang mga mata. Bago tuluyang nakatulog muling bumalik sa kanyang isipan ang tungkol sa hiling ng Ina. papaano nga ba niya gawin ito? Hanggang sa tuluyan ng nakatulog si Andrew.

Kinabukasan. Mag-aala sais na ng umaga siya ng magising. Mabilis siyang naligo at nagbihis. Pagkatapos ay agad din na bumaba. Dumeretso siya sa kusina at doon naabutan niya ang mga magulang.

Nanibago si Andrew. Kakaiba ang tingin sa kanya ng mga ito. Ang Ama niya ay tila galit sa kanya habang ang Ina naman nito ay halatang dismayado ang mukha. Nagtataka si Andrew.

"Mom. Dad. Is there something wrong? ang aga-aga ba't ganyan ang mga awra n'yo,?" biro na may halong katutuhanan na bigkas ni Andrew.

"Sit!" madiing wika ng Ama. Nanibago nga si Andrew. Hindi ganito kung e approach siya ng kanyang Ama.

"May sasabihin ka ba sa'min?" pasaring ng ama habang kumuha ng ulam at nilagay sa plato.

Nalito si Andrew. Wala siyang alam na nais sabihin sa mga magulang.

"Ang ayaw namin ay ang magsinungaling!" sabat ng Ina.

Napatingin si Andrew sa gawi nito. Tinitigan lamang siya ng matalim ng Ina.

"Bakla ka ba Andrew!?" deretsong tanong ng Ama.

Hindi nakasagot si Andrew. Natameme siya sa prangkang tanong ng Ama. Napaisip naman siya kung bakit iyon natanong ng Ama sa kanya.

Pilit na kinalma ni Andrew ang sarili at umastang normal.

"Dad. Of course not, Bak-," hindi natapos ni Andrew ang nais niyang sabihin nang biglang dumapo sa nguso nito ang kamao ng Ama.

"Sinungaling!" galit na sigaw ng Ama at biglang napatayo.

Dahan-dahang humarap si Andrew sa Ama habang hawak ang ngusong nasapak. Di nagtagal ay nalasahan ni Andrew ang dugo sa kanyang bibig.

"D-Dad!" tanging nasabit niya at akmang tumayo ngunit dumapo muli ang kamao ng Ama sa kanyang mukha.

"Sabihin mo ang totoo! Bakla ka ba!?" galit na hiyaw ng Ama.

Samantala ang Ina nito ay napahagulgul na sa iyak habang pinanood ang Mag-ama.

"N-No Dad, I'm not!" giit ng binata.

"E paano mo ito ipaliwanag!?" anas ng Ama at inabot kay Andrew ang kanyang cellphone.

Nanginginig na kinuha ng binata ang cellphone ng Ama upang tingnan ang nais ipakita ng Ama.

Laking gulat ni Andrew nang makita ang isang larawan. Siya at isang lalaking kahalikan. Hindi lang halikan. Kun'di hubo't hubad silang dalawa mula sa ibabaw ng kama.

The Hook UpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon