🌹Chapter 4🌹

17 0 0
                                    

Matapos sabihin ni Andrew ang lugar na pagtatagpuan nila. Masaya siyang nilapag ang cellphone sa ibabaw ng kanyang working table.

He don't know... Something is inside him na nagbigay tuwa at excitement na makilala ang kausap.

"What's with you?" anito sa isip habang nakasandal sa kanyang upuan at nakatitig sa kanyang laptop.

Sumapit ang alas singko ng hapon. Mabilis na tinapos ng binata ang kanyang trabaho at agad na pumunta sa isang coffee shop na napagkasunduan nila.

Matapos ipark ni Andrew ang kanyang kotse. Binuksan niya ang kanyang cellphone at nagpadala siya ng mensahe sa katagpo.

"I'm already here!" aniya.

Tinangal niya ang kanyang seatbelt at mayamaya nagreply sa kanyan ang kausap.

"Coming!" saad nito. Napangiti si Andrew kasabay ng pagbukas niya sa pinto ng kotse.

Lumabas siya at dumeretso sa loob ng coffee shop.

Naghanap siya ng puwesto. Mas pinili niya ang pinakasulok kung saan hindi masyadong dinaanan ng mga customer.

Maganda ang puwestong ito pagkat makikita niya ang mga naglabas pasok sa coffee shop.

Habang hinihintay ni Andrew ang kausap bigla siyang napasulyap sa kapapasok lang ng shop. Napansin niya ang isang pamilyar na mukha.

"What is he doing here?" tanong nito sa isip habang sinundan niya ng tingin. Hindi siya nito nakita pagkat abala ito sa kanyang cellphone hanggang sa lagpasan lamang siya nito.

Nabaling ang kanyang atensyon nang biglang nag vibrate ang kanyang cellphone na hawak sa kamay. Binuksan niya ito at tiningnan.

"I'm here now," ang nabasa niya.

"Where?" anito.

"At your back!" saad naman ng kausap.

Biglang kinabahan si Andrew. Dahan-dahan siyang lumingon at laking gulat niya sa nakita.

"Hi! Sorry at pinaghintay kita," may ngiting bigkas ni David. Yes, si David ang kanyang ka hook up.

"Y-You?" nautal na litanya ni Andrew.

Tumango-tango lang si David kasama ang ngiti. Humakbang ito sa tapat niya.

"Puwede mo ba akong ayaing umupo?" puna nito.

Biglang nagbalik ang huwistyo ni Andrew mula sa shocking moment niya.

"O-Of course! H-Have a seat!" nauutal pa rin niyang bigkas.

Bahagyang natawa si David. "Come on! Relax... I'm not with your auntie. I came here alone, so there's nothing to worry," anito kasama ang pagkibit sa balikat.

"N-No. That's not what I meant. I just can't believed na ikaw 'yun. H-How? P-Paano mo ako nakilala? Tanong agad ni Andrew.

Napangiwi si David.

"Nakipagkita ka lang  ba sa'kin because of that?" may kahulugang wika nito kasama ang kunot sa noo. Agad itong napansin ni Andrew.

"No! Of course not! Okay let's talk about that later. Come on lets have coffee first!" aya nito dahil ayaw niyang ma offend ang kaharap.

Natawa naman si David. "Biro lang, masyado ka namang seryoso, Ano'ng kape ang gusto mo? lemme care of it," anito.

"No ako na, my treat! Ano'ng kape ang gusto mo?" kambyo naman ni Andrew.

"Ako ang nauna so dapat ako ang masusunod! So what's yours?" mauturidad na anas ni David.

Tila natigil naman si Andrew at sinabi na lang ang nais niyang inumin na kape.

The Hook UpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon