Mula sa terrace ng kanyang silid ay mabilis na bumalik si Andrew sa loob ng kanyang kuwarto.
"Sure! I'll pick you up." agad niyang nilapag ang cellphone sa ibabaw ng kama matapos maipadala ang mensahe kay David.
Habang naka harap sa kanyang aparador. Nakita niya ang sarili sa malaking salamin nito. Napatitig siya sa sarili at biglang natawa sa inasta. Nagmistula kasi siyang isang bata na sobrang nasiyahan nang malamang isasama siya ng ina sa Mall.
Ganu'n paman tinuloy pa rin niya ang pamimili ng damit na isusuot sa pagkikita nila ni David.
Khaki shorts at puting polo ang napili niyang isuot. Simple ngunit ang lakas ng dating sa kanya. Lalo na nang isuot na niya ang puting sneakers.
Wala siyang sinayang na sandali. Matapos maayos ang buhok nag spray na rin ito ng pabango. Pagkatapos ay dinampot ang susi ng sasakyan sa ibabaw ng side table na nasa loob ng kanyang kuwarto.
Bago tuluyang lumabas ng silid. Kinuha niya ang Cellphone at muling nagpadala ng Minsahe kay David.
"On the way."
Sa kanyang pagbaba ay nakasalubong niya ang isa sa kanilang kasambahay.
"Manang, pag hahanapin ako nina Mommy mamaya. Paki sabing umalis ako at babalik din agad," bilin nito. Wala pa kasi ang mga magulang niya.
"Opo sir." tanging turan ng kanilang kasambahay.
Bitbit ang mga ngiti ay nilisan ni Andrew ang bahay at nagtungo sa unit ni David.
Wala lang trenta minuto ay narating agad ni Andrew ang unit ng binata.
Nang maihinto na niya ang sasakyan. Nagpadala muli siya ng mensahe kay David.
"I'm downstairs," anito.
Mayamaya ay sumagot si David.
"Coming."
Hindi inalis ni Andrew ang tingin sa entrance ng building kung saan naroon ang unit ni David. hinihintay niya na bumungad ang mukha ni binata.
At 'yun na nga. Ilang sandali lang ay lumabas na si David. Napa tsk at napa iling na lang si Andrew nang makita ang binata.
Iba ang karesmang dala ni David. Malakas ang sex appeal. Sakto ang pangangatawan hindi mataba at hindi rin mapayat. Talagang nakabibighani sa mga katulad niyang hindi straight.
Sa kabilang parte ay agad nakilala ni David ang kotse ni Andrew kaya dumeretso na agad siya dito.
Sa kanyang paglapit ay biglang bumaba ang bintana ng kotse. Sumilay ang nakangiting si Andrew. Biglang bumukas ang pinto at agad siyang inaya nitong pumasok.
"Come on in," aniya kasama ang sinyas sa kamay. Walang namang pagdadalawang isip si David at agad na pumasok sa loob.
Mabilis na kinabit ni David ang seatbelt at sumulyap kay Andrew na kanina pa nakatingin sa kanya.
"So, where are we going?" tanong ni Andrew kasama ang ngiti sa labi.
"Ikaw bahala, wala akong ideya," tanging saad nito.
"Okay," wika naman ni Andrew habang inayos ang pagkaupo. Hindi nawala sa labi ni Andrew ang mga ngiti na siyang kanina pa napansin ni David.
"Tigilan mo nga ako sa mga ngiti mong 'yan, I just wan't to talk to you with regard to your job offer," aniya at binawi ang tingin.
Binuhay ni Andrew ang makina ng sasakyan pagkatapos ay dahan-dahan nang pinausad ang gulong.
Hindi pa rin nawala ang ngiti ni Andrew.
BINABASA MO ANG
The Hook Up
RomanceMay mga SEKRETO tayong TAKOT mabunyag sa ibang tao pagkat Isa sa mga dahilan ay dahil sa mapanghusgang mata ng mga ito. And the worst thing is... Kung manggagaling pa mismo sa PAMILYA mo. But what if kung mali ka? What if kung sang-ayon pala sa'yo a...