Nakarating si Andrew sa kanilang bahay habang iniisip pa rin ang nangyari kanina.
Hindi niya alam kung bakit gano'n ang atake sa kanya ni David. Bakit tila mautoridad pa ito kesa sa kanya.
Labis ang kanyang panghihinayang na hindi sila natuloy kanina. Akala kasi niya ay sasang-ayon lang si David sa gusto n'ya ngunit nagkamali pala siya.
Naulit naman sa kanyang isip ang huling sinabi nito.
"Hindi lahat ng gusto mo ay makukuha mo!"
Napabuntong hininga na lang si Andrew. Kinuha niya ang kanyang cellphone at bunuksan ang App. Nakita niyang online si David ngunit hindi man lang nito pinansin ang kanyang mensahe.
Napaiisip si Andrew na galit nga sa kanya si David.
"No!" angil niya at naiinis sa sarili.
Bumaba siya at dumeretso sa dining room. Kumuha siya ng baso at nagsalin ng Whiskey. Tumunga siya at muling tiningnan ang cellphone. Ngunit gano'n pa rin hindi pinansin ni David ang kanyang mensahe.
Samantala. Habang nasa kanyang condo si David nag-iisip din ito kung rereplayan naba niya si Andrew.
Simula pa lang ay may gusto na siya para sa binata. Kaya nga laking tuwa niya no'ng nahuli niya itong gumagamit ng dating app na ginagamit din niya.
No'ng birthday ni Andrew. Minsang napadaan si David sa likod ng binata habang busy ito sa kanyang cellphone. At dahil matangkad si David at sa liwanag ng screen ng cellphone ni Andrew hindi nito maiwasang mapasulyap sa ginawa ng lalaki. At laking gulat niya sa nakita. Hindi siya sigurado kaya ang ginawa niya ay umalis at lumabas ng bahay. Sa labas ng bahay kinuha niya kaagad ang kanyang cellphone at binuksan ang app. Hindi niya alam ang profile picture na ginamit ni Andrew. Meron siyang nakikita na gumagamit ng app malapit sa kanya ngunit ang pinili niyang e message ay yung pinakamalapit sa kanya. Nag reply nga ito ngunit hindi pa kompermadong si Andrew nga ito. Hanggang sa sumapit ang uwian. Nag-iwan siya ng mensahing nagpapagulat dito. Sa bahay ay laking tuwa niya nang may clue na itong siya nga si Andrew dahit sa sagot nitong nagpapahiwatig na ang binata nga ito.
Nadagdagan ang lakas ng loob ni David. Kaya nung ayain siya nitong e meet-up ay agad siyang pumayag. Unang pagkakataon niyang pumayag agad sa isang alok lang. Sa lahat ng nag-aalok ng hook-up sa kanya ay dapat sigurado siya. Ang iba ay umabot pa ng isang lingong pag-uusap bago siya pumayag. Ngunit ito iba. Gusto rin niyang masigurado pa ang kanyang hinala. At kinabukasan nga sa meeting place nila. Naunang dumating si David. Mula sa di kalayuan nakita nga niya ang pagparada ng sasakyan ni Andrew kasabay ang pagkatanggap nito ng mensahe na naroon na siya. Confirmed. Ang nasa isip ni David. napangiti siya at excited na magpakilala kay Andrew. Kaya ilang minuto muna ang kanyang pinalipas bago sumunod dito. At yun na nga ang mga nangyari.
Wala siyang balak tanggihan ang hiling ni Andrew pagkat siya rin ay nais ito. Ngunit ayaw lang ni David ipakita kay Andrew ang pagiging marupok niya kaya ang nasa isip niya ay #holdback. Pinigilan niya ang sarili kahit gustong-gusto nya na ito. Tama na muna sa kanya ang nangyari sa kanila at isa pa kailangan niyang paghandaan ang dambuhalang kargada ni Andrew. Nagulat kasi siya kanina nang makita niya ito ng buo. Hindi lang siya nagpahalata kay Andrew.
Samantala patuloy na hindi pinansin ni David ang mensahe ng Andrew. Hanggang sa may naisip siyang gawin.
Kinuha niya ang kanyang cellphone at habang naka ngiti. Nireplyan lang naman niya si Andrew ng isang galit na emoji.
Sa kabilang dako, sobra namang na excite si Andrew basahin ang mensahing natangganp mula kay David. Ngunit kumunot lamang ang kanyang noo nang makita ang galit na emoji.
BINABASA MO ANG
The Hook Up
RomanceMay mga SEKRETO tayong TAKOT mabunyag sa ibang tao pagkat Isa sa mga dahilan ay dahil sa mapanghusgang mata ng mga ito. And the worst thing is... Kung manggagaling pa mismo sa PAMILYA mo. But what if kung mali ka? What if kung sang-ayon pala sa'yo a...