"What? Pero, he's my assistant here. Siya lang ang pinagkakatiwalaan ko dito," paliwanag ng tiyahin.
"Please Tita. Three months lang naman. I saw a potential from him. Alam ko matalino siya madali lang niyang makukuha ang mga bagay-bagay," paliwanag din ni Andrew.
Hindi sumagot ang tiyahin.
"I assumed it's a yes," amused na bigkas ni Andrew matapos ang sandaling katahimikan ng Tiyahin.
Bahagya namang napailing si Evelyn.
"Kakausapin ko si David, but promise! Three months lang ha," anito.
Para namang lumutang sa tuwa si Andrew. Sumilay ang kanyang matamis na ngiti.
"Yes Tita! But if he refuse, please convince him. I need him badly," aligagang mungkahi ni Andrew.
Napakunot naman ang noo ni Evelyn. Nagtataka siya sa ikinikilos ng pamangkin. Nagtataka siya kung bakit tila gusto na niyang kunin agad si David.
"Dear, kung ayaw niya hindi ko siya mapipilit. But I'll try to convince him," saad naman nito.
"If he agreed, he can start tomorrow," deretsong hirit nito.
Natawa ng bahagya si Evelyn.
"That's not posible, maghahanap din ako ng papalit sa kanya," pag tanggi nito.
Napaisip naman si Andrew.
"Okay then, next week will do," aniya.
Napabuntong hiningang bumalik sa pagkakaupo si Evelyn.
"Ano ba yan Andrew, pipilayan mo naman ako," mahinang bigkas nito.
Umupo na rin si Andrew sa harapan ng tiyahin at hinawakan ang kamay nito.
"Don't worry, Ibalik ko rin naman siya kaagad sa'yo," may ngiting pangako nito.
Inismiran siya ni Evelyn. "Hmm... Kung 'di ka lang malakas sa'kin, hindi talaga ako papayag," bigay nito.
Muling sumilay ang mga ngiti ni Andrew.
"Thank you so much Tita!" aniya. Tumayo ay niyakap ang Tiyahin.
"But I have something to remind you," ani Evelyn. Bumalik sa pagkakaupo si Andrew at masinsinang nakinig sa Tiyahin.
"Please huwag mo siyang gagalitan, Mabait si David. At sana naman huwag mo siyang turuan magbulakbol, baka pagbalik niyan dito chickboy na! Naku Andrew! Kung ano si David nang kunin mo, dapat ganu'n din nang ibabalik mo!" mahabang paalala ng Tiyahin.
Natawa naman sa kanyang isipan si Andrew. Never na mangyayari 'yun. Never niyang hayaang makuha ng iba si David.
"Of course Tita, aalagaan ko siya," may ngiting pag sang-ayon nito.
"At paano naman siya maging chickboy kung ako ang kasama n'ya? Nabalita n'yo bang marami akong babae?" pabirong dagdag nito.
Natawa naman ng pagak ang tiyahin.
"Basta! Sundin mo na lang ang bilin ko," anito.
Nagkibit balikat lang si Andrew.
Matapos ang usapang iyon, nagpaalam na si Andrew sa Tiyahin. Lumabas siya sa opisina ng Tiyahin na tuwang-tuwa dahil sa isip niya ay masosolo na niya si David.
Ngunit ang tuwang iyon ay napalitan ng kunot sa noo. Kasalukuyan siyang naka abang sa elevator habang nakapamulsa sa kanyang pantalon ang magkabilang kamay. Bumukas ang pinto ng elevator at bumungad sa kanya si David na kasama pa rin ang lalaki kanina.
Bahagyang nagkatitigan ang dalawa. Walang imikan na tila hindi magkakilala. Simpleng bati lamang ang binigkas ni David at ng kasama niya bago lumabas ng elevator na siya namang pagpasok ni Andrew. Ngunit bago tuluyang nakalabas si David biglang hinawakan ni Adrew ang kamay nito dahilan at medyo napahuli siya sa kasama.
BINABASA MO ANG
The Hook Up
RomanceMay mga SEKRETO tayong TAKOT mabunyag sa ibang tao pagkat Isa sa mga dahilan ay dahil sa mapanghusgang mata ng mga ito. And the worst thing is... Kung manggagaling pa mismo sa PAMILYA mo. But what if kung mali ka? What if kung sang-ayon pala sa'yo a...