08 : Construction Worker

2.3K 6 0
                                    

CONSTRUCTION WORKER

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CONSTRUCTION WORKER

Ako si Marlon tubo ako sa probinsya namin sa ilo-ilo at nakipagsapalaran ako sa manila para maghanap at tumanggap ng trabaho para sa aking pamilya sa probinsya lalo na ang mga kapatid ko na sa akin lang umaasa. Mga highschool at isang elementary palang sila.

Iyong pangalawa sa akin nakapag-asawa siya pero kulang na kulang ang kinikita ng asawa nito para sa aming lahat. Hindi naman puwedeng hindi ako gagalaw dahil kailangan din namin mabuhay.

Kaya naman nag-apply ako bilang isang contraction worker mula sa isang subdivision. Nakakontrata kami saka malaki ang kikitain. Iyon ang naging chance ko para i-grabbed ang oppurtunity na iyon. Kaya naman nagpaalam ako sa medyo matanda sa kapatid ko na iyon namay asawa na alaagan niya at siya na lamang bahala sa iba pa naming kapatid so bale apat kasi kami magkakapatid.

Aaminin ko bilang breadwinner sa pamilya namin ay napakahirap lalo na may sikreto ako na hindi tanggap nang isang trabahong in-apply-an ko. Isa akong gay na nagtatago sa closet, piniling maging pa-men o paminta dahil sa diskriminasyon. Aminin na natin. Ang mga kagaya ko talaga ay madalas at madali para sa iba na husgahan. Kapag alam nilang gay tapos gustong makapasok sa trabaho ng lalake. Its either ang tingin sa iyo ay weak ka para sa trabahong iyon or may hindi ka gagawing tama.

Kaya naman simula noong mapunta ako sa manila at makuha ko ang trabahong iyon ay itinago ko ang tunay ko na kasarian. Ayaw ko lang na masamain nila ang tingin sa akin at ayaw ko lang i-judge ako saka natatakot ako na dahil lang sa sekswalidad ko ay masayang ang good oppurtunity na dumadating.

Marami na akong nagiging kaibigan na kasamahan sa trabaho na puro mga barakong-barako and they treat me well. Madali lang kasi ako pakisamahan kahit medyo out of place ako sa kanila minsan. Tunay din ang tingin nila sa akin na kaibigan. Mababait sila sa akin. Iyon ay dahil sa alam ko namang barako din ang tingin nila sa pagkakilanlan ko.

Siguro kung sabihin ko ang totoo? Malabong ganito pa ang magiging trato nila sa akin next time.

Pero out of 10 sa mga kasamahan ko sa trabaho at construction site na naging kaibigan ko at napakabait sa akin ay nag- stand out ang ka-contruction worker ko na si Kenneth. Nasa kaniya na ang mata ko una pa lamang. Dahil una pa lamang din ay siya na ang taong una ding nag-approach, naging mabait sa akin, at kaibigan ko noong mga panahong kakarating ko lang sa manila galing ilo-ilo.

Naalala ko pa nang wala akong kaalam-alam dito sa manila at nangangapa pa ako, kaya naman I have no friend. Unang araw na nagla-lunch ako tapos ulam ko lang fishball kasi napakamamahal ng bentang ulam, biglaan niya ako nilapitan at sinaluhan kumain.

"Iyan lang ba ulam mo bro?" tanong niya saka lang ako tumango.

"Ako nga pala si Kenneth!" sabay niyang pakilala sumagot naman ako na Marlon tapos patuloy lang ako nakatingin sa pagkain ko habang kumakain.

"Gusto mo ba ng lechon manok? Kuha ka. Huwag ka mahiya!"

Hindi ako tumugon sa inaalok niya. Siyempre nandoon parin iyong hiya ko. Kaso agad ba naman siyang kumuha ng lechon manok sa baon niya para ilagay sa plato ko.

SEKSWALIDAD 🔞 | Erotic Stories • COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon