SI CITY BOY
Isa ang lugar namin sa napakalayong puntahan mula sa siyudad. Pero kilala naman ito sa isa sa mga may pinakamagandang talon, ilog, view, mga ipagmamalaking gawang kamay na bagay na kung sasamuin ay napakamura lang sa amin ngunit pagdating naman sa siyudad ay inaabot ng malalaking halaga, at pinaniniwalaan din na may angking tinatago daw ang tulay sa amin na kung sino man ang hihiling ay matutupad. Pinaniniwalaan kasing ang tulay sa amin ay lagusan papatungong mundo ng mga elemento o engkanto.
Ayaw ko sana maniwala doon pero bilang buhay at kabuhayan narin namin ito ay nirerespeto ko ito, na kahit kakarampot na kitaan ay napagtiyasagaan na naming mga tao dito. Sanay na kami sa buhay na ganito at wala na kaming pinangarap pa na panlalamang sa iba o umunlad. Pantay-pantay, masasaya, at magkakaibagan ang mga tao dito sa amin.
Kaya naman kahit napakalayo ng lugar namin ay isa kami sa mga dinarayo nila bukod sa mga nabanggit ko na makikita at matatagpuan sa amin. Gusto din ng mga taong siyudad na makita at iparanas namin sa kanila ang pagkakaisa at masayang pagsasamahan namin dito sa lugar namin.
May ilan na ngang mga vloggers at mga reporters sa mga istasyon sa kapatagan ang nadadalaw din kami at ini-interview upang maisalaysay ang mga kuwento namin o maisa dokumentaryo. Upang mas makilala pa kami at malaman ng mga taong hindi pa alam ang lugar namin.
Ako nga pala si Lusmiminda isa ako sa mga kababaihan dito sa lugar namin na sumasama sa mga kalalakihan upang i-tour guide ang mga dayo o bisita sa mga ipinagmamalaki namin dito aa lugar namin. Ang kaya nga lang napakahigpit sa akin ng aking itay sapagkat kami na lamang ang magkasama sa buhay kaya naman mas pinaghihigpit niya ako na sa aming tirahan na lamang manatili.
Bukod kasi sa kaming dalawa na lamang sa buhay ay may bali-balita kasi sa amin noon na may mga ilang kababaihan na sa amin ang nawawala o naglaho nalang na parang bula at ang mas nakakatakot naman ay namatay. Usap-usapan ng mga matatandang kalalakihan ay may mga masasamang loob na dayo o bisita galing siyudad ang humalay sa mga babae o kaya naman ay tumatangay at pinasasama sa kanila.
Hindi narin nakakapagtaka dahil mas marami ang populasyon nang aming lugar sa mga kababaihan at mga lalaki naman ay kakaunti lamang. At nakatatak narin kasi sa isipan ng mga kababaihan sa amin na kapag may natipuhan silang city boy ay hindi na nila ito papakawalan pa at gusto nila itong mapangasawa.
Hindi kasi maaalis na may mga taong sawa narin sa aming pamumuhay at may agam-agam sila at pag-iisip na kung lalabas sila sa aming lugar ay ano kayang buhay ang maghihintay sa kanila sa siyudad. At sigurado naman sila na ang buhay na naghihintay sa kanila ay napakasayang bagong mundo't pamumuhay.
Akala ko naman sa aking sarili ay hindi ako mag-iisip ng mga katulad sa kanila dahil ipinangako ko sa sarili ko ito na hinding-hindi na ako maghahangad ng iba. Sapat na sa akin ang lahat ng mga natatanaw ng aking mata pero sa hindi sinasadya ng kapalaran sa akin ay nagkaroon ng puwang sa puso ko at inibig ko ang isang city boy. Si Walter.
BINABASA MO ANG
SEKSWALIDAD 🔞 | Erotic Stories • COMPLETED
RomanceSEKSWALIDAD - is a completion of purely fictional one shot erotic romance, that discusses each person with a stories to tell. A love and their experience. In any sexuality. STATUS : Completed START : February 06, 2022 END : February 11, 2022