JOURNEY 10

45 30 0
                                    

Ikasampung Paglalakbay:
Sea War

[ Jaiyana’s Point of View ]





Daglian kaming nagtungo sa kinaroroonan nila Maui. Mula sa himpapawid ay kitang-kita ko ang ilang mga barko, mga malalaking bangka na kasalukuyang nakapaligid sa aming munting bangka na binili pa namin ni Maui mula sa unang isla na napuntahan naming dalawa.

So bali, may tatlong barko at limang malaking bangka ang ngayon ay nakaharang sa bangka namin. Mayroong mga bandila sa bawat barko at doon ay napatitig ako sa nakita kong mga simbolo.

“Ebba tribe...” wala sa wisyong anas ko nang makita muli ang isang pamilyar na tribe sign mula sa mga bandilang ngayon ay sumasabay sa hampas ng hangin.

“Audra,” gatong ni Alev sa naunang sinabi ko. Saglit akong tumahimik. Huminga ako nang malalim.

Napapaisip tuloy ako kung trap ba ito o ano. Bakit alam nilang narito kami sa islang ‘to? At paano nila kami natunton? Anong kailangan nila sa amin?

Nakipagtitigan pa ako sa ilang mga tao na naroon, hindi nila kami nakikita sapagkat nasa ibabaw kami ng ulap ni Alev.

Awtomatikong nanlaki ang dalawa kong mata nang makita ko muli ang dalawang pamilyar na tao. Ang dalawang iyon...




“Kailangan na nating umalis, Lakan.”

“Mas maigi pa nga,” tugon no’ng matandang lalaki na tinatawag nilang lakan at tuluyan na nga silang tumalikod sa akin.

“Siguraduhin n’yo lang na walang matitira sa kanila,” seryosong wikang pa nito sa mga kasamahan niya na sa pakiwari ko naman ay taga-Ebba tribe.





Napakuyom ako at pinilit ang sarili na kumalma. Hindi ito ang tamang oras upang magpadalos-dalos ako ng kilos. Mas importante pa rin ang kaligtasan ng mga kasamahan ko ngayon kaysa sa damdamin ko. Gustuhin ko mang gumanti ay hindi ito maaari.

Hindi ko puwedeng isasakripisyo ang iba para sa sarili kong kagustuhan.

Matalim akong tumitig sa dalawang pamilyar na mukha na iyon. Sisiguraduhin kong hustisya pa rin ang mananaig sa huli.

Iniwas ko ang aking paningin at natuon sa gawi nila Maui at Osiris. Nasa likod ni Maui si Osiris, halatang natatakot siya at balisa sa kasalukuyang nangyayari.

Napabuntong-hininga ako. Nakahinto kami ngayon ni Alev dito sa itaas na bahagi ng bangka namin. Sinadya naming tumapat dito upang mabantayan ang kilos ng mga kalaban at ng mga kasamahan namin.

Ilang sandali pa ay tumingala sa puwesto namin si Maui. Iyong tingin niya parang nagsasabi na, kunin ko si Osiris sa kaniya. Tumango ako at bumaling kay Alev.

“Bumaba na tayo,” malamig kong utos kay Alev.

“Sigurado ka?” naniniguradong aniya. Tumango ako bilang tugon sa nasabi nito.

“Kaysa naman iwan ko sila riyan? Pasakayin mo sa likod mo si Osiris at ilayo mo siya rito. Susunod na lamang kami ni Maui sa inyo,” dagdag paliwanag ko pa sa kaniya.

“Subalit, gusto kitang samahan. . . kayong dalawa ni Maui.”

“Kaya namin ni Maui ang mga sarili namin, si Osiris na lang talaga ang aking inaalala sa ngayon.”

“Pero—”

“Huwag ka ng umangal at ibaba mo na ako,” pagtatapos ko ng usapan namin. “Sige,” usal pa nito saka lumipad pababa sa bangka namin.

The Last Warrior Killer [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon