CHAPTER 1

53 8 3
                                    

Pleated skirt, crop top shirt, rubber shoes. It's my outfit today, I got tired of jeans, hoodies or oversized shirts.

I applied lotion bago mag bihis ng damit.

After changing my clothes I blow dry my hair and went downstairs for breakfast.

''If you don't sacrifice for what you want then what you want will become sacrifice'' pagbasa ko sa note na nakalagay sa breakfast ko.

Alam kong may quotation lagi na nakalagay sa breakfast ko na hinahanda ni mommy pero bakit parang may mali sa isang 'to.

Hindi ko na pinansin ang quotation at itinabi ito sa gilid. Ilalagay ko 'yon mamaya sa box kung saan nandoon ang maraming notes galing kay mommy.

Pagkatapos kong kumain umakyat na ako ulit para mag toothbrush at mag make up. Eyeliner, kaunting blush and liptint lang naman ang nilalagay ko. I still want to look good even though haharap lang naman ako sa laptop at mga libro buong maghapon.

''It's time to call Erine. Siguro naman gising na sya'' I grabbed my phone and start dialing her number, magpapasundo ako as usual. Ayaw ako payagan ni mommy mag drive tsaka ayaw ko naman mag commute, luckily I have Erine.

pipindutin ko na ang call ng biglang tumawag si Erine ''tatawagan pa lang kita'' sabi ko agad nang sagutin ko ang tawag ni Erine

''kita tayo may sasabihin ako send ko na lang address. Right now!'' halata sa boses nya ang inis pero ang arte padin ng tono nya.

''okay... ibibili ba kita ng-''

''What the hell?'' nagtataka kong tanong sa sarili, tiningnan ko pa ang cellphone ko para macheck kung pinatay naba talaga nya ang tawag at pinatay nya nga. Itatanong ko kung gusto nya ng agahan. Im trying to be nice at her kahit hindi nya ako susunduin.

Did she want to irritate me or she's really having a bad day. Wait how can a spoiled daughter experience a bad day tsaka umaga pa lang...

My lips formed an O as I start thinking about 'what if's'

''emergency'' sabi ko at agad na kinuha ang bag ko

Naglakad ako hanggang sa may tapat ng KFC kung saan mas maraming dumadaan na tricycle.

Tinaas ko ang kamay ko bilang senyas ng pagpara.

Nang tumigil na sa harap ko ang tricycle biglang may sumakay na lalaki at nagsabi ng lugar sa driver. Lumingon pa sya sakin bago tuluyang makaandar ang tricycle. Akala ba nya hindi ko sya maaalala dahil mabilis lang yung paglingon nya tss.

"hoy! teka, teka!" napailing na lang ako dahil sa nangyari. Bakit ba may mga lalaking ganoon? Gwapo nga ansama naman ng ugali. Mali din yung driver, ako nga pumara sa kanya tapos pumayag na iba ang sumakay. Mga lalaki nga naman oh, kelan ba ako maka kakilala ng iba sa kanila.

Nag antay pa ako ng kaunti at sa wakas nakapara din ako ng tricycle.

I'm now standing infront of a coffee shop, maganda naman dito. Sana masarap ang cappuccino.

''Welcome to Alone Caffè'' pagbasa ko sa nasa pinto. "Alone Caffè...." nanlaki ang mata ko ng maalala na dito pupunta yung lalaki kanina. Hindi ako pwedeng magkamali narinig ko talagang Alone Caffè ang sabi nya.

Pumasok ako at luminga-linga dahil baka nandito nga sya pero wala naman. Ang nakita ko ay si Erine na parang pinagbagsakan ng langit at lupa.  

Naupo ako sa harap nya at ibinaba ang bag ko sa kabilang upuan. Hindi parin maalis ang tingin ko sa kanya. Kaya pala parang iba sya kanina ng tumawag sya sakin.

''ano ba I know na maganda ako pero wag mo naman akong tingnan ng ganyan'' reklamo nya

''the thing you like the most is being stared by—''

Falling Into Your Plan Where stories live. Discover now