CHAPTER 13

8 4 0
                                    

"Hospital?" tanong ko agad ng magising dahil sa sinag ng araw mula sa bintana

"Lory you're awake na pala, kamusta pakiramdam mo?" tanong ni Erine, inalalayan nya ako at pinasandal sa headboard

"Okay lang..." sagot ko "bakit ako nandito?"

"hmm last night you—"

"you don't remember what happen?" sabat na tanong ni Ayla

"magtatanong ba ako kung alam ko?"

"nalasing ka lang ng sobra" nagkibit balikat sya

napakunot ang noo ko "bakit naman ako mag lala—" napatigil ako sabay ng pagbago ng ekspresyon sa mukha habang naalala ang nangyari kahapon

"n-naalala mo na?" kinakabahang tanong ni Erine

"Hindi pa..." pagsisinungaling ko "mahalaga ba 'yon? kung hindi wag na alalahanin. Pwede na ba ako umuwi doc?"

"Dapat lang mahal magpa-hospital" ngumiti sakin si Ayla, nginitian ko din sya bago bigyan ng naiinis na itsura

"ako na magbabayad"

"bayad na nga wag mona intindihin umuwi ka na lang bago pa malaman ng mommy mo na nandito ka" pagpapaalala ni Ayla

"tss! wow ha salamat sa paalala"

"Let's go na, saan mo gusto kumain?" tanong ni Erine

Nasa apartment pa kaya si Kaizen? Bakit wala sya dito? Talaga bang ginagamit lang nya 'ko?

Tangina! Obvious naman na ginagamit lang nya ako bakit ayaw kong maniwala?

"Lory, babe?"

"ha? kahit saan."

"ahh.. change your clothes na" tumango ako at dumeretso sa cr para magpalit

Sa KFC na lang kami kumain ni Erine dahil mas malapit 'yon. Starting today suki na ulit ako ng mga fast food restaurant.

"Saan... kita ihahatid? Apartment or bahay?" tanong nya ng makapasok ako sa sasakyan

"RLS."

"kakalabas mo lang ng hospital tapos mag wo-work ka agad. Be kind to yourself please"

"I have a lot of books to sign."

"okay... to the RLS! your seat belt Ms. Instant Celebrity"

"Anong instant celebrity?" tanong ko habang nagsu-suot ng seat belt

"don't tell me di mo knows na famous ka?"

"yung stories ko ang famous hindi ako"

"you're too naive. magbasa ka kaya ng comments at post. Search mo #IamgLory"

Sinearch ko sa Facebook ang sinabi nya. IamgLory is my pen name.

"Kung hindi mapapasakin si Hera, yung writer na lang po nya" pagbasa ko sa isang post, Hera is one of my characters.

"I'm not into reading but I'm into Lory"

"Kung ang ruler ay nababaliko, malamang ako din. Sino ba namang hindi babaliko eh ganito sya kaganda tapos successful at magaling magsulat" pagbasa ko sa caption ng picture ko na naka collage "saan nila nakukuha mga pictures ko?"

"sa.... IG ko siguro..." agad akong napalingon kay Erine

"ginawa kitang model before, remember?" hindi na ako sumagot at nag patuloy na lang sa pag scroll. Napakunot ang noo ko "bakit nila ko gusto" sabay iling

"I mean who will not? Nasa'yo na ang lahat."

"But he still fooled me"

"What?"

Falling Into Your Plan Where stories live. Discover now