05

159 12 0
                                    

Tinatamad akong bumangon, masakit ang likod, at masakit ang mga hita at kamay. Naalala kong naglaro nga pala kami ng bato-bata kagabi dahil na bored sila. Nakisali narin kami nila tita dahil para makapag exercise daw (exercise sa gabi)

Kahit masakit ang likod ay tumayo ako at pumunta sa banyo para mag toothbrush, pagkatapos mag toothbrush ay kumuha ako ng mga damit ko at kinuha ko rin yung tuwalya na nakasampay sa veranda. Pumasok na ako sa loob ng CR at nagsimula nang mag ritwual sa loob.

Nung matapos ako ay bumaba na ako para kumain dahil maaga akong nagising maaga ding nagising ang mga bulate sa tyan ko. Tiningnan ko kung may makakain ako at may nakita akong isang lata ng sardinas. Tumingin din ako kung may itlog at meron nga. Kinuha ko ang lumang itlog atsaka yung sardinas. Gagawa ako ng pritong itlog with sardines

Magsisimula na sana ako magluto nung may naramdaman akong nakatingin sakin tumingin naman ako sa gilid at likod ko pero wala akong nakita kaya pinagpatuloy ko nalang ang pagluluto. Nagsaing narin ako dahil kakaunti nalang ang kanin at mamaya pa ang gising nila manang kaya ako muna ang nagasikaso dito sa kusina.

Mas naunang naluto ang ulam kesa sa kanin kaya tinakluban ko muna yung ulam at hinintay maluto yung kanin. Nagselpon muna ako habang hinihintay yung sinaing, pumunta ako sa facebook para maggala gala. Wala sa sariling napatingin ako sa friend request ko pinindot ko yun atsaka tumambad sakin yung facebook account nung lalaki kahapon. Hindi ko muna siya inaksept dahil inistalk ko muna sya. Puro tagged lang naman ang laman ng feed nya kaya umalis nalang ako, hindi parin ina accept ang request. Naaamoy kongparang may sunog kaya napatingin ako sa sinaing ko at dun nga nanggagaling yun agad ko yung pinatay dahil kapag umabot sa buong bahay yung amoy ay mapapagalitan ako

Konti lang ang sunog kaya pwede pang makain, hindi rin ako napagalitan kasi masarap daw yung pagkaka saing ko. Pagkatapos kumain ay umakyat muna ako sa taas para gumawa ng plates.

MAGHAHAPON na nung matapos ako, marami kasing plates ngayon kaya tinapos ko na lahat para wala na akog gagawin bukas. Naginat inat muna ako bago bumaba at dumeretso sa kusina, kumakalam na kasi ang sikmura ko tiningnan ko muna kung may makakain at wala....

Tumingin pa ako sa ref at sa kung saan saan pero wala... At dahil lumaki akong tamad hindi ako nagluto bagkus ay kinuha ko ang susi ng motor at nagdrive paalis. Sa bayan nalanag ako kakain, restaurant naman doon at masarap ang luto kaya doon nalang ako kakain, mababawasan nga lang yung pera ko....ulit

Tahimik akong kumakain, ako lang mag isa dito. Wala sa sarili kong kinuha ang wallet ko at nagbayad na. Hindi ako makakain ng maayos kanina ko pa nararamdaman na parang may nakamasid sakin. Punyemas naman alam kong maganda ako pero bakit kahit saan ako mag punta nararamdaman kong may naka tingin sakin maliban kapag nasa kwarto ko na ako

Naglibot muna ako bago mapagisipang bumisita sa ginagawang court ni ninong, hindi ko pa nasasabi sainyo pero ako ang nagdesign non pinakita ko lang yung example ko kay ninong tapos nabalitaan ko na ganoong design ng court ang gagawin sobrang tuwa ko noon kaya nung may mga dumating akong bagong plates ay mas ginandahN ko pa ang pagdo drawing

Nakarating na ako at doon nakita ko ninong na tinitingnan yung ibang parts. Dapat matibay yan kasi baka kapag lumindol gumiba agad yan sayang naman yung pera at sayang din yung pagkakagawa. Lumapit ako sakanya at nakita nya ako nagmano ako bago tingnan din yung ibang parts dapat ayon yon sa pagkaka design ko

Tumingin pa ako sa iba at sinabi din sakin ni ninong na meron din siyang inibang design, okay lang naman sakin eh. Lunch nung mga nagtatrabaho dito kaya nag gather sila sa iisang side at kumain. Bago sila magsimula ay pinakilala ako ni ninong

"Ah eh, ito ang inaanak ko siya rin yung nag design ng court na ginagawa natin ngayon at dahil siya ang nagdesign mapapadalas ang punta niya rito para tingnan ang pagkakagawa at kapag hindi ako makapunta ay siya ang pupunta, hindi siya tutulong sainyo titingnan niya lang kung tama ba ang ginagawa nyo"

Ngumingiti lang ako habang sinasabi nya iyon, alangan naman kasing umiyak ako e wala namang nakakaiyak. Napawi ang ngiti ko nung maramdaman ko nanaman yung tingin na iyon, its giving me goosebumps, hindi ko nalang pinansin yun. May lumapit sakin na isa sa mga worker ni ninong at shett ang laki nung katawan ang yummy.

"Yes?" tanong ko kasi hindi siya nagsasalita

"Uh- pinabibigay nung lalaki kanina, wala na siya umalis na siya kanina pagtapos niya ibigay sakin ito?" sambit niya atsaka ibinigay sakin yung box. Tinanggap ko iyon pagkahawak ko palang ay umalis na siya

"Wait!" tawag ko sa pansin niya kaya lumingon siya sakin. Lumapit ako sakanya atsaka ibinigay yung box na iniabot nya sakin. Kita sa mukha nya ang pagkataranta

"Hawakan mo muna, may pupuntahan lang ako" sabi atsaka tumalikod, pupunta ako kay ninong

Hindi ko naman siya mahanap mukhang nasa kabilang side naman ang titingnan niya bumalik na ako sa pinagiwanan sakin ni ninong. Iniabot agad sakin ni

"Ano nga palang pangalan mo?" tanong ko sakanya atsaka kinuha yung ipinabibigay sakin nung kung sino man

"Claude po, sige po mauna na ako" simpleng sagot nya. Tumango naman ako dahil mukhang hindi pa siya kumakain. Umalis na ako dahil tinamaan na naman ako ng katamaran, tinatamad akong tumayo.

Nagseselpon ako habang pinapaikot sa daliri yung susi. Nararamdaman ko na naman iyong tingin na iyon. Nakita ko si Claude na sasakay sa tricycle, lumapit ako sakanya atsaka siya inakbayan halata namang nagulat siya kaya napatawa ako ng mahina

"Bakit po?" tanong nya saakin, nginitian ko naman siya nang malapad

"Saan kaba nakatira?" tanong ko sakanya. Napatitig siya sakin bago sagutin ang tanong ko

"Sa lumang bayan po" sagot nya at akmang sasakay pero pinaalis ko na yung tricycle. Napabaling ang tingin nya saakin with matching kunot noo pa

"Papunta rin akong lumang bayan eh, sabay kanalang sakin makakalibre ka pa" sabi ko atsaka pinaikot muli sa daliri ko ang susi

"A-ano po bang gamit nyong sasakyan?" tanong nya. Napalaki ang ngiti ko

"Motor"

"AHHHHHHHHH- maam dahan dahan po!!!"

"AHHHHHHHHH" napasigaw siya nung muntik na naming mabangga yung aso dahil sa bilis nang pagda drive ko

Tumigil na ako dahil nasa tapat na kami ng bahay nila. Maganda rin naman yung bahay, siguro nung mga 1992 pa ito dahil makaluma ang design nito

"S-salamat po sa paghatid, sana hindi na maulit" natawa ako sa sinabi niyang iyon, kaya ko lang naman binilisan dahil may nakasunod saamin

"Huwag ka na ngang gumamit ng po kapag kinakausap mo ako, hindi pa ako matanda atsaka 3rd year college lang ako noh" sabi ko sakanya atsaka tinapik. Nag u-turn ako dahil nalagpasan namin yung Hacienda namin. Nahiga ako sa kama ng kwarto ko dahil sa pagod

SOMEONE POV

"Kamusta ang pinapagawa ko sayo?"

"Ayos naman, mukhang nakuha ko ang kaunti nyang tiwala. Hinatid pa nga ako eh, daig ka"

"Manahimik ka, alam mo naman na kasama iyon sa plano. Kamusta naman ang pagsakay mo sa motor nya, kita ko nga kung paano ka sumiigaw eh"

"Manahimik ka nga, grabe magpatakbo nang motor iyon. Baka kapag nakatakas iyon saatin ay hindi natin maabutan, sobrang bilis"

"Ibababa ko na lumabas na siya ng kwarto nya, ayusin mo ang trabaho mo bukas"

Pinatay ko na ang tawag atsaka sumalampak sa kama ko. Bukas mahaba mahaba na namang araw ang magaganap. Haysss

________________________________________________________

:)

Unexpected Destiny | ✓Where stories live. Discover now