17

119 10 0
                                    

LIMANG BUWAN ang nagdaan at patuloy ko paring hinahanap si Sophia, wala akong nakuhang sagot noon kay Diana kaya iniwan ko sya sa tapat ng bahay. Si Claude naman ay hindi ko na ma-contact simula noong iutos ko sakanya ang pagbabantay kay Diana, kahit nagtataka ay pinabayaan ko nalang dahil baka focus sya sa pagbabantay

Nakatulala lang ako sa kisame ng kwarto ko habang iniisip kung ano na ang nangyare kay Sophia. Napalingon ako sa side table ng kama nung may tumawag sa cellphone ko, agad kong sinagot iyon dahil baka yung investigator ko na yun, at hindi naman ako nagkamali dahil sya nga ang tumatawag

"May balita ka na ba?" mabilis kong tanong, ayaw ko ng pasikot sikot pa lalo na at si Sophia at ang anak namin na nasa sinapupunan nya ang pinaguusapan. Hindi sumagot ang nasa kabilang linya kaya tiningnan ko ang cellphone ko kung nakapatay ba ang tawag pero hindi

"Hello?!" medyo naiinis na ako

"Wala na ang investigator mo, patay na sya" sagot nang nasa kabilang linya

"Sino ka?!" Agad akong lumabas ng kwarto para sana hanapin si Leo, ang pinakamagaling na tracker sa mga kasamahan ko

"Hindi mo na kailangang malaman pa, pero isa ang sinisigurado ko...."

"Sino ka ba? May kinalaman ka ba sa pagkawala ng mag ina ko?!"

"Panira ka naman, sinisira mo yung pamatay na linya ko! Hindi mo na makikita ang mahal mong babae, mas lalong hindi mo na makakasama, kinain na siguro sya ng mga pating at isda sa ilalim ng dagat HAHAHAHAHAHA!" pagkatapos nyang sabihin iyon ay ibinaba na nya ang tawag

Naitapon ko naman sa pader ang cellphone ko. Pero napatidil ako ng maalala ang binigkas nyang salita, ibig sabihin itinapon nila si Sophia sa dagat limang buwan na ang nakararaan?

"Boss, may naghahanap sainyo sa labas" salubong saakin ni Joey nung pagbaba ko ng hagdan

"Sino naman daw?" tanong ko sakanya pero hindi sya sumagot. Paglabas namin ay tumambad saakin ang tatay at nanay ni Sophia. Anong ginagawa nila dito?

"Anong pong ginagawa nyo dito? Nagpapahinga pa po si Sophia" sinubukan kong patatagin ang boses ko para hindi nila mahalatang nagsisinungaling ako, kahit ako ay hindi ko alam kung paano ko nagawang itago ng limang sa pamilya ni Sophia ang pagkawala nya

Lumapit saakin ang tatay nya saka ako malakas na sinuntok, tumalsik ako dahil sa lakas non.

"Putangina mo! Limang buwan mo kaming ginawang tanga! Pinaubaya namin sayo ang anak namin dahil alam naming kaya mo syang alagaan lalo na't nung mabuntis mo sya! Tapos makakarating saamin, limang buwan na palang nawawala ang panganay namin, tapos wala ka man lang sinabi saamin! Putangina mo ka!"








SINUBUKAN kong imulat ang mga mata ko, at tumambad saakin ang kisame ng bahay, lumang bahay

"Inay! Gising na sya!" sigaw ng kung sino, boses bata

Sinubukan kong bumangon pero bigla nalang kumirot ang ulo ko kaya nahiga nalamang muli ako. Nasaan ako? Inilibot ko ang mga mata ko sa buong kwarto masikip, mainit, at makaluma

"Ay jusko mahabagin! Ineng ay buti'y nagising kana!" sigaw ng matandang babae habang papalapit saakin

"Nasaan po ako?" tanong ko sa matanda

"Andito ka sa isla ng Golo Island, nakita ka ng asawa ko na palutang lutang sa gitna ng dagat. Dinala ka nya dito sa bahay kubo namin, maswerte ka at buhay kapa!" mahabang sabi ng matanda

"Ano po bang nangyari saakin?" taka kong tanong. Nagtinginan silang dalawa ng batang babae bago ibalik saakin ang kanilang tingin

"Aba'y hindi namin alam, pero iha limang buwan kang nakaratay dyan sa papag nayan, inisip na nga ng mga kapitbahay namin ay patay kana! Eh ang sabi naman ng doktor ay buhay ka! Isang himala ang nangyari saiyo!"

Wala sa sarili akong napahawak saaking tyan, nakita naman iyon ng matanda. Malalim syang bumuntong hininga bago hawakan ang aking balikat

"Iha, pasensya ka na, pero wala na ang pinagbubuntis mo"

Pinagbubuntis? buntis ako?

"Pinagbubuntis?" taka kong tanong

"Mukhang hindi mo alam na buntis ka. Isang linggo ang nakalipas mula nung dinala ka dito ay dinugo ka. Ang sabi ng doktor ay hindi kinaya ng bata dahil daw ay hindi ka nakakakain ng tama at hindi naaalagaan ang sarili"

Habang sinasabi iyon ng matanda ay pumapatak ang luha ko, hindi ko alam kung bakit. Niyakap nya ako at doon na nga ako humagulgol, hindi ko alam kung saan ko nakukuha ang pag iyak na ito pero sobrang bigat sa dibdib

"Ano po ang pangalan nyo 'nay?" wala sa sarili kong tanong. Kumalas sya sa pagkakayakap saakin bago tumawa ng mahina

"Hindi pa pala ako nagpapakilala sayo ano? Ako si Anne, tawagin mo nalamang akong Nanay Anne, ito ang aking apo na si Cherry, ikaw anong pangalan mo?"

Tumingin ako ng diretso sakanya, pilit kong iniisip kung anong pangalan ko hanggang sa sumakit na ang ulo ko

"A-ayus ka lang ba ineng?" nagaalalang tanong sakin ni Nanay Anne

"Hi-hindi ko po alam..... p-pangalan ko.." sabi ko habang madiing nakahawak sa aking ulo

"Cherry, kumuha ka ng tubig sa baba dali!"

Dali namang sinunod ni Cherry ang utos sakanya ni Nanay. Napahiga nalang ako sa papag dahil sa sakit. Ano ba itong nararamdaman ko?

"Ito na inay!"

Pinabangon ako ni Nanay, ibinigay nya saakin ang baso na may lamang tubig. Ininom ko naman iyon at paunti unting nawawala ang sakit

"Ate, okay na kana ba? Gusto mo ako na magpangalan sayo?" tanong saakin ni Cherry. Tumango naman ako kaya napangiti sya ng malawak

"Hmmm...kung Sophia kaya? ay hindi pangit! Shane kaya? o dikaya Diana! wag! hmmmm.... ahh! Alam ko na! Charise nalang para parehas tayo ng first letter!" 

"Hay nako Cherry! Ayan ka na naman sa first letter nayan!" sigaw sakanya ni Nanay Anne

"'Nay naman! Maganda rin naman yung Charise ah!"

"Hay nako kang bata ka! Bantayan mo itong Ate Charise mo! Magluluto lang ako at mamaya maya ay babalik na ang matawanin mong 'Itay!" sabi ni 'Nay Anne bago bumaba sa bahay kubo at pumunta sa likod

"Papayag rin naman palang Charisse ang ipapangalan, hay nako Inay. Alam mo ate nung mapunta ka dito saamin andaming swerte ang nangyare dito sa maliit naming baryo! Nung una mong gabi dito, andaming tuna ang nahuli nila 'Tatay galing sa pangingisda! Tapos kinaumagahan nagtambad dya sa dalampasigan ang napakaraming isda! Kaya hindi nakapangisda si "Itay dahil may mauulam na kami sa tatlong linggo!" mahabang sabi ni Cherry. Napakadaldal palang bata nito!

"Ate! nung nalaman namin ni Inay na dinugo ka, kinolekta namin yung dugo sayo tapos inilibing namin sa likod bahay! Nagpapunta pa kami ng pari para sa baby mo, para pupunta agad sila sa langit tapos doon magiging masaya na sila!"

Hindi ko alam na tumutulo na pala ulit ang luha ko. Ang bigat sa dibdib, hindi ko kaya, masyadong masakit

"Ate Charisse, hapon pa naman at wala pa naman ang buwan pwede kita ipasyal sa dalampasigan! Gusto mo?" galak na tanong nya saakin

"Baka magalit si Nanay Anne" sabi ko sakanya kaya sya napanguso. Tumabi naman sya saakin ng higa

"Ate, alam mo ba may nakapagsabi saakin na pagnagbilang ka daw sa langit ng siyam na bituin ay mangyayari daw ang hinihiling mo, maaliwalas ang kalangitan ngayon ate, sigurado ako may mga magagandang bituin ang lilitaw!"

Pumayag ako sa gusto nya kaya naman nagtata-talon sya sa tuwa. Pinagsuot nya ako ng mahabang damit atsaka leggings. Pinagtitinginan kaming dalawa ni Cherry kaya naman nailang ako at mukhang napansin iyon ni Cherry, kumapit sya sa braso ko bago sigawan yung mga tumitingin saamin

"Hoy! wag nyo nga tingnan si Ate Charise! Naiilang sila sainyo!" malakas nyang sigaw kaya mas lalo tuloy akong nailang

Narating namin ang dalampasigan at napakurap kurap ako sa ganda lalo na't may sunset. Wala ako sa sariling napangiti

"Dito nalang natin hintayin ang mga bituin ate Charise!"


____________________________________________________________________________

;)

Unexpected Destiny | ✓Where stories live. Discover now