06

135 10 0
                                    

Tulala ako habang nakatingin sa labas, naulan ngayon kaya hindi ako makalabas at makapunta sa bayan para maggala. Wala namang masyadong plates ako ngayon dahil nagawa ko na yung mga pending ko, kinuha ko ang cellphone ko at humiga sa kama. Magra random accept nalang ako baka meron akong maging ka chat puro GC nalang kasi laman ng messager ko

Pagtapos kong magrandom accept ay naghintay ako ng ilang segundo bago may mag chat sakin. I saw his name, yes his kasi lalaki ang nag chat. Siya yung nakita ko sa Amazona!

Adrian Ace Verano

You are now connected
on messager

Hi?

Hello?

I saw you on beach, can we meat?

Tangina, hindi bagay sakin mag english, btw kumain kana?

Jeez, hello?

You can now call.....

Hii!!! You accept my request!!

Hello?

I was shocked, nagme message pala siya saakin at alam nya ang facebook ko, kaya pala alam din niya ang pangalan ko. Nag isip pa tuloy ako ng masama tungkol sakanya. Tsk.

Adrian Ace Verano

Hi! Buti nakita mo!

Yeah, i was bores so
i do random accept

Ah, swerte ko naman

Yeah, ig

Btw, bakit hindi ka pa
gumagawa ng plates?

Nagulat ako sa chinat niya, magre reply na sana ako nung nag chat ulit siya

Adrian Ace Verano

Diba kapag Archi
maraming plates?

Yeah, tapos kona
lahat

Ahh, ang sipag naman
pala ng future ko

Nahulog sa mukha ko yung cellphone ko dahil sa gulat sa reply nya, may narinig akong bumungisngis kaya napaupo ako. Is someone stalking me? Binuksan ko yung lampshade, madilim kase dito sa kwarto dahil nadin sa pagulan at madilim na langit. Wala na akong narinig pa kaya tumayo ako atsaka humiga sa sofa dito sa loob ng kwarto ko. Imbis na replyan yung si AAV nag youtube nalang ako

Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako kaya nung magising ako ay nakita ko nalang ang sarili ko sa kama na naka kumot at yung cellphone ko naman ay nasa side table. Pinabayaan ko nalang at natulog ulit dahil sa lamig

AAV POV

Dahil nakita ko siyang natutulog na lumabas ako sa pinagtataguan ko, muntik pa akong makita dahil sa bungisngis ko paano ba naman kasi nahulog sa mukha nya yung cellphone nya at hindi ko napigilang bumungisngis napatakip panga ako ng bibig nung bigla siyang umupo e.

Lumabas ako sa pinagtataguan ko atsaka siya binuhat. Mabigat. Napatigil ako nung umungot siya bago magmulat ng mata, nakatitig lang siya saakin tapos hinawakan ang mukha ko kumunot pa ang noo habang ako ay pinagpapawisan na dahil sa taranta narin mayayari ako kay pápa kapag nalaman nyang nabulilyaso ang plano. Nakahinga naman ako ng malalim nung pumikit uli sya at natulog na. Malamig dito sa kwarto kaya tinakluban ko siya ng kumot at inilagay ko sa side table nya yung cellphone. Tinitigan ko muna siya ng ilang minuto bago pumasok sa pinagtataguan ko. Maganda. Makinis. Morena. Nakakabighani ang ganda niya kaya siguro maraming followers ito sa facebook at ilan nitong social media

Tumawag saakin si pápa kaya madali ko itong sinagot dahil baka magising si Sophia sa ingay na gawa ng cellphone ko

Pápa calling...

Hello, pápa?

Hello Adrian,
kamusta ang ginagawa mong
planong pagkidnap sa tagapagmana
ng mga De Obrador?

Ayos lang pápa, umaayon
lahat sa plinano ko kaya wala
ka na dapat pang ipagalala

Mabuti. Alam kong mapag-
kakatiwalaan kita sa bagay na iyan

Kamusta naman ang pinagawa
mo kay Jeffrey?

Kilala mo ang kapatid mo Adrian,
malinis trumabaho si Jeffrey, madali
nyang nakuha ang tagapag mana ni
Dios Dado

Mabuti naman kung ganoon

Kailan ninyo balak kuhanin ang
tagapagmana ni Cepriano?

Sa araw ng kanilang kasal.
Bukas.

Magaling! Hihintayin ka namin
ni Jeffrey sa Mansion dala dala ang babaeng iyan

Masusunod pápa

End call...

Pagpasensyahan mona Sophia ang mangyayari bukas, kailangan lamang naming gawin ito dahil narin sa pangangailangan. Bukas na bukas ay makikita mo ang isang pagkatao ko yung hindi mo nakita nung una tayong magkita.

__________________________________________________________

:)

Unexpected Destiny | ✓Where stories live. Discover now