02

439 11 1
                                    

Maaga akong nagising at dahil maaga tulog pa ang iba kong mga pinsan. Gising narin si lola dahil bibisitahin pa daw nya yung farm at dahil alam kong mabo bored ako sa Hacienda kaya sumama ako. Pagdating namin sa farm ay agad na pumunta si lola dun sa nagma manage ng farm tapos ako naman ay maglilibot muna dito

Nasa Pig Area ako (OH DIBA ANG YAMAN MAY PA AREA AREA PA) natatakam tuloy ako sa karne ng baboy. Matagal tagal narin mula nung kumain ako ng baboy ehh

"So, Gino kamusta naman ang farm dito? napapasahod ba ng maayos ang trabahador dito?"

Napalingon ako dun sa nagsalita. Si Lola kasama ang isang lalaki, napataas ang kilay ko nung papalapit sila sa pwesto ko

"'La, uwi na ako madami pa akong plates na gagawin" sabi ko kay lola habang papalapit sakanila

"Sige, Ah Gino mauna na kami, marami pang gagawin itong apo ko eh" sabi ni lola dun sa kausap nya. Tumango naman yung lalaki atsaka tumingin sakin bago ngumiti, tumango lang ako atsala sumunod ka lola na papunta na sa labas


Pagdating sa Hacienda ay naabutan namin silang nagluluto na kaya umakyat muna ako sa kwarto ko para hanapin yung cellphone ko. Nakita ko naman yon sa side table pero lowbat na. Chinarge ko muna yun bago lumabas

Pagbaba ko ay naghahain na sila kaya umupo narin ako para sumabay kumain. Tapos naalala ko hindi pa pala ako nagtu-toothbrush kaya agad akong tumayo at pumunta sa lababo para mag toothbrush. Pagkatapos mag toothbrush ay umupo na ako sa dati kong puwesto atsaka sumandok na ng kanin. Nagkukwentuhan, tawanan, at asaran kami habang nakain

Pagkatapos kumain ay naglinis na sila syempre kasama ako. Pagtapos ay umakyat na ako sa kwarto para gumawa ng ilan sa mga plates ko. Tiningnan ko yung cellphone ko 60% na siya kaya tinanggal ko muna. Tiningnan ko kung may pinapagawa pang bago yung prof namin, wala syang pinapagawa mukhang etong sampung to ang tatapusin ko. Sinimulan ko ang isa sa mga plates ko. Inabot ako ng isang oras bago matapos yung plate kaya nung matapos ay inayos ko ng lagay ng plates  at ibinalik yung ibang gamit ko

Pagbaba ko ay nakita ko silang nagbibihis

"Hoy, bat kayo nagbibihis? pasaan kayo?" tanong ko kay Faith

"Magsiswimming kami sa dagat!" sigaw nya atsaka tumatalon talon pa. Faith Shayne De Obrador 10 years old palang siya pero minsan mature minsan isip bata katulad na ngayon

"Sama!" sigaw ko atsaka daling bumalik sa kwarto para magbihis. Pagtapos mag bihis ng— hindi naman ako nagswimsuit, ovesized tshirt lang atsaka short— ay bumaba agad ako pero naabutan kong wala na sila. Iniwan ako!

Pumunta ako dun sa driver nila lola hiningi ko yung susi ng motor para sumunod sakanila. Tinanong ko muna si Manang kung saang dagat sila pupunta at sa Amazona daw kaya agad akong  sumakay sa motor para pumunta sa Amazona at para sumunod sakanila. 

Pagdating sa Amazona ay nag park na ako at dun ko nakita ang van na ginamit nila! Agad kong nilagay sa bulsa ko ang susi at agad na tumakbo papunta sakanila. May mga nakatira rin dito sa tabi tabi kaya minsan yung iba napapatingin sa mga dumadating katulad sakin maraming naka tingin ang ganda ko daw kasi. 

Pagkalapit ko kay mami ay binigay ko sakanya yung susi at agad na lumapit sa mga pinsanan kong naliligo. Nakangiti ako habang nagtatayaan kami. Nung ako ang naging taya ay tumakbo sila paahon dahil alam nila mabilis akong lumangoy at mabilis ko rin silang matataya. Umahon rin ako kaya makikita nila kung gaano kahaba yung oversized ko, maikli lang din ang short ko kaya aakalain nilang wala akong short. Agad ko silang hinabol kaya nagtatakbo sila. Nataya ko si Kuya Limer kaya agad akong tumakbo papunta sa dagat at lumayo layo.  

"Bawal balik-bayan!" sigaw ko dahil tumakbo sya papunta sakin

"Anong bawal? pwede!!" sabi nya atsaka hinabol ako. Lumangoy ako palayo para hindi nya akl mataya pero magkasingbilis lang kami kaya nataya nya ako

"Bawal kase!!" sabi habang lumalapit sakanya 

"Pwede nga!"

"Bawal!"

"Pwede!"

Napapalingon na samin yung ibang naliligo dahil nagsisigawan na kami. At dahil walang kamalay malay yung iba kong pinasanan ay sila ang tinaya ko. Tawa ako ng tawa habang hinahabol ako. Sumisid ako at lumangoy palayo para hindi nila ako mataya. 

Pagahon ko ay may nakaharap akong hindi ko kilala. Nagkusot muna ako ng mata para makita ng maayos kung sino yon. Pagtingin ko ay nakatingin parin sya sakin at halata ang gulat sa mukha. Humingi ako ng sorry bago bumalik kila Kuya Lime. Nakayuko ako dahil ayaw kong makita nila yung pulang pula kong pisngi dahil—paree ang gwappoo. Legit pala yung sinabi nila na mas gwapo ang mga taga probinsya.

Nagaya na sila daddy na umuwi dahil magtatanghali na. Umahon na kami atsaka pumunta sa kubo na nirentahan nila habang nagsi-swimming kami. Binigay sakin ni mami yung susi atsaka tuwalya.

"Isabay mona sayo si Samantha" sabi sakin ni mami. Nilingon ko naman yung kapatid ko, nakita ko syang nakikipagusap sa mga lalaki. Lumapit ako sakanya atsaka kinurit ang binti dahilan para mapatingin sya sakin tinaasan ko naman sya ng kilay atsaka iwinagayway ang susi. Nakuha naman nya ang ibig kong sabihin kaya nagpaalam na sya sa mga kausap nya

"Mauna na kami, kita nalang tayo sa susunod" pagkasabi nya ng susunod ay hinila ko na sya dahil nakita kong papalapit yung lalaking nabunggo ko kanina habang nagtatayaan kami

"Aray naman ate! masakit!"

"Anong magkikita mamaya? E kung isumbong kaya kita kay daddy ha?!"

"Inggit kalang wala kasing lumalandi sayo"

Abat- gago to ah

"Bahala kang umuwi mag isa! maglakad ka!!" naiinis kong sabi atsaka iniwan sya

"Hoyy ate!! wait lang joke lang yun!"

"Ate!"

Pagkadating ko kung saan ako nagpark ay nakita ko nang papaalis yung van!!

"Asan na sila?"

"Umalis na kaya maglalakad ka" sabi ko atsaka sumakay sa motor

"Joke lang naman yun ate, sorry na" sabi nya atsaka sumakay sa likod ko. Pinaandar kona yung motor para makauwi na

_________________________________________________

:)

Unexpected Destiny | ✓Where stories live. Discover now