18

170 8 0
                                    

" Ate Charisse, nakakita kana ba ng malaking bahay?"

Napalingon naman ako kay Cherry dahil sa tanong nya'ng iyon. Nakakita na nga ba ako ng malaking bahay?

"H-hindi ko alam Cherry eh" Nakahiga sya sa buhanginan habang nakatingin sa langit

"Ayyy, oo nga pala wala kang maalala" Kamot batok syang bumangon atsaka humarap saakin

"Huwag ka magalala ate, tutulungan kita- namin na makaalala ka ulit" Napangiti naman ako sa sinabi nya

"Salamat" 

Mahina kong sabi pero sigurado akong maririnig iyon ni Cherry. Lumapit sya saakin atsaka ako niyakap ng mahigpit

"Huwag ka magalala ate, hanggat hindi mo pa naibabalik alaala mo at hindi mo pa alam kung sino ang pamilya mo, kami muna nila Inay at Itay ang magiging pamilya mo!"

Hindi ko alam pero naiyak nalang ako bigla atsaka sya niyakap pabalik. Am i really that soft hearted?

"Ate! Nakita mo yun!? May wishing star kanina!" Sigaw nya bigla kaya napatingin ako sa langit, meron nga!

"Wish ka ate! Wish ka!"

And like what Cherry said, i wished

"Ano wish mo ate?" Tanong nya saakin. Ngumiti naman ako saka ginulo ang buhok nya

"Hindi ko sasabihin baka hindi magka-totoo" 

"Ganon ba yun?" Kamot batok na naman sya habang nakanguso. Napatawa naman ako bago tumayo

"Tara na, baka hinahanap na tayo ni Inay" Pagkasabi ko non ay agad syang tumayo

"Tara na nga! Baka mahigit pa ni Inay ang tenga ko pag nagkataon!"

Hawak kamay kaming umuwi sa bahay, buti nalang at busy si Nanay Anne sa pagluluto kaya hindi nya kami napansin. Laking pasasalamat iyon kay Cherry

"Bukas ate maglangoy tayo dyan sa dalampasigan, dapat maaga tayo" Masiglang sabi nya. Hindi ko alam kung saan kinukuha ni Cherry ang sigla nya pero maganda narin iyon keysa sa lagi syang malungkot

"Ate, pagnabalik naba ang alala mo aalis kana dito?"

Natigilan ako sa tinanong saakin ni Cherry. Nagsusulat sya sa isang notebook habang ang gasera ay nasa may tabi lang nya. Napayuko naman ako, paano nga kung bumalik na ang alala ko? 

"Hindi ko masasabi Cherry, pero sinisigurado kong hindi ko kayo kakalimutan"

Hindi na sya nagsalita pa pero nakita ko ang mumunting ngiti sa labi nya. Hindi ko alam kung ano ang sinusulat ni Cherry doon dahil nung makita ko yung notebook nayan kanina ay agad nya itong kinuha saakin. Baka gumagawa sya ng tula para sa crush nya

"Kakain na!"

Sigaw ni Nanay sa baba kaya naman bumaba na agad kami ni Cherry. Pritong tuyo ang ulam, wala naman akong reklamo dahil unang una hindi ko ito pamamahay, kaya wala akong karapatang magreklamo sa ulam

"Pasensya kana Charisse eto lang ang ulam saamin" Sabi ni Nanay kaya agad akong umiling

"Hindi po, okay lang po yan, mukhang masarap rin naman yung tuyo" 

"Pasensya kana, hindi pa kasi ako nakakapamalengke, atsaka eto ang pinagkabubuhayan ng mga tao rito, ang kulang nalang siguro ay tubuan kami ng kaliskis dahil sa palaging isda ang ulam"

Nagsandok na ako ng kanin atsaka kumuha narin ang ng tuyo para makakain na ako. Kanina pa kasi kumakalam ang sikmura ko senyales na gutom na ako

"Inay, bakit wala pa ang Itay?" Tanong ni Cherry habang ngumunguya

Unexpected Destiny | ✓Where stories live. Discover now