20

403 10 0
                                    

"Daddy"

Napalingon ako kung saan nagmula yung tawag na yon at nakita ko ang dalwang bata, isang babae at isang lalaki

"Daddy let's play!" sabi nung batang lalaki sabay hila saakin hinila narin ako nung batang babae. Hindi ko alam pero bigla nalang sumunod ang mga paa ko sakanila

"Let's play hide and seek!" sabi nung batang babae sumangayon lang yung batang lalake bago ako tinuro

"Daddy! You're the taya!" he giggle before they running away, away from me

I count 1-10 before finding them, una kong nahanap ay yung batang babae at panghuli naman ay yung batang lalaki

"I'm not the taya pa! Daddy must find Mommy!" sabi nung batang babae bago sila tumingin saakin. They calling me Daddy and i love to hear it, naaalala ko lang sakanila ang magiging anak 'sana' namin ni Sophia

"Yes Daddy! Were your kids!" sabi ng batang lalaki bago sabay silang yumakap saakin. Naluluha ako dahil nagparamdam ang dalawa kong anghel sa panaginip ko i've been calling them 'batang lalaki, babae'

"Daddy, were not done playing! Hindi mo pa nahahanap si Mommy!"

"Mommy's waiting for you!"

"Find mommy!"

"Find mommy, Daddy!"

"Find me"

Napalingon ako sa likod ko ng marinig ko ang boses na hindi ko akalaing maririnig ko muli. Boses ni Sophia. Nakangiti sya saakin habang may suot suot na puting bestida

"Hanapin mo ko" mariing sabi nya bago lumapit saamin. Tumakbo naman papalapit ang anak namin sakanya

"Huwag kang titigil sa paghahanap sakin"

"Hanapin mo ko, mahal" sabi nya bago unti unting naglalaho kasama ang mga bata. I'm trying to touch her pero pakiramdam ko na-stuck ako sa kinatatayuan ko kaya wala akong nagawa ng maglaho sila na parang bula pero may narinig pa ako sinabi ni Sophia

"Hihintayin kita"

Napabangon ako sa pagkakahiga ko dahil sa panaginip na iyon. Anong ibig nyang sabihin? Hanapin sya? Matagal na kitang nahanap mahal ko at bumalik sa akin na isang naaagnas na bangkay

May mainit akong naramdaman, parang niyayakap ako kaya ipinikit ko nalamang ang ang aking mga mata para damhin ang init na parang may yumayakap saakin. Muli kong narinig kung saang ang salitang sinabi saakin ni Sophia habang nasa panaginip

'Hanapin mo ko. Hihintayin kita'

Hindi na ako nagdalawang isip pa at tumayo ako at lumabas ng kwarto, nakatulugan ko ang kalasingan kaya hindi na ako nakapagpalit ng damit kagabi at hindi narin ako magpapalit ng damit ngayon

Tinawag ko si Luciana ang gagamitin kong doctor para malaman kung si Sophia nga ba ang nakuha naming bangkay at magagawa lamang iyon sa pamamagitan ng DNA test. Kahit nung una ay nagtataka na ako sa katawang nakuha namin dahil walang nunal sa balikat ang nakuha naming bangkay pero agad namang sinigurado ng pamilya nya na si Sophia iyon at isinisi saakin ang dahilan

"Yes, sir, ipapadala ko nalang sayo ang resulta pag natapos na ang examination"

"Sige, maraming salamat Luciana" ibinaba ko na ang tawag at saka malalim na bumuntong hininga

"Bosing!" sigaw ng kung sino kaya naman nilingon ko ito

"Bosing, na-trace na namin kung nasaan si Claude" hinihingal na sabi ni Lucio

"Nasan ang hayop na yon?" malamig kong tanong. May ipinakita sya saakin at makikita roon ang bansang Pilipinas at may umiilaw na kulay bilog ito sa maliit na bahagi ng Pilipinas, ni-zoom ito ni Lucio at doon nakita ko kung nasaan ang hayop

Unexpected Destiny | ✓Where stories live. Discover now